Chapter 61

1.1K 35 20
                                    

                        Chapter 61

                           Arvine

Tulala, malalim ang paghinga at matinding kaba. Pinaghalo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali sa aking pinagkakaupuan. Ano na kaya ang nangyayari sa loob? Bakit ba kasi hindi ako pinayagan ni Rhom na samahan siya? Kinakabahan na nga ako sa nangyayari kina Vonjo, mas dinagdagan pa niya ang kaba ko.

Bumalik agad ang ulirat ko ng may lumabas na sa delivery room.

“Doc, kamusta po ang misis ko?” Labis na pag-aalalang tanong ko.

Maging si Clai at Chryztyn ay napatayo ng lumapit ako sa doktor.

“Wala kang dapat ipag alala Mr. Reyes, maayos ang pagkaka delivery ng asawa mo. Congratulatons, lalaki ang anak ninyo.” Nakangiting balita sa amin ng doktor.

Yung mga kaba at takot na nararamdaman ko kanina, napalitan lahat iyon ng tuwa. Gusto kong tumalon sa sobrang saya! Maraming salamat sa Panginoon dahil hindi niya pinabayaan ang aking mag-ina.

“Maraming-maraming salamat po doc.” Maluha-luhang pasasalamat ko sa kanya.

“Congrats Arvine.” Nakangiting bati sa akin ng dalawa kong kaibigan.

Sa kabila ng kadiliman na nagaganap sa buhay namin, ay sumibol ang isang bagong liwanag na nagbigay sa akin ng lakas ng loob para ipaglaban siya sa mundong ito. Sa kabila ng kamatayan, ay may bagong buhay na isinilang.

Ang tanging hiling ko lang, wala na sanang mawala--------sa aming samahan.

                        Abbygale

Hanggang ngayon blanko parin sa isip ko kung paanong nangyari ang bagay na iyon sa akin------kung bakit nabuhay ako.

Kahit na napipilitan at alam ni Angelito na delikado para sa amin ang bumalik, sinamahan parin niya ako.

“Mayayari ako nito kina Vonjo pag nalaman niyang kinonsinti ko kayong dalawa!” Pagmamaktol ni Angelito habang patuloy na minamaneho ang aming sinasakyan.

“Huwag ka ng mag reklamo, pumayag ka naman diba!” Tugon ni Ada na katabi ko sa back seat. Pansamantala siyang tumigil bago tumuloy sa pagsasalita.

“Gusto ko rin malaman kung ano na ang nangyayari kina Shen, sa mga kasama natin---- At kay Vonjo.” Dagdag pa niya na nakapagpalingon sa akin.

Sa mga kasama natin? O kay Vonjo lang? Hindi ko parin maisantabi ang selos kapag si Ada na ang nagsasalita tungkol kay Vonjo. Bakit ba kasi nalaman ko pang may feelings para sa kanya si Vonjo, tapos dumagdag pa sa isipin ko yung nakita ko sa soccerfield.

Yung unti-unti silang……….

Arghh! Kainis! Hinde! Hindi ko na dapat pang isipin iyon! Kasi ako naman ang pinili ni Vonjo. Kaibigan niya si Ada kaya dapat kaibigan din ang maging tingin ko sa kanya.

At isa pa, sinang-ayunan rin naman niya ang desisyon ko na bumalik sa Fildenthon University. Dahil sa kanya hindi na pumalag pa si Angelito para pigilan ako.

Napa-iwas ako ng tingin ng tumingin din sa akin si Ada.

“So Abbygale, ano ba ang nangyari? Paanong nabuhay ka ulit?” Malalim na tanong ni Ada.

Seryoso siya ng balikan ko siya ng tingin. Pati si Angelito ay nag-aabang ng sagot na nakasulyap sa rear view mirror.

Ano nga ba ang dapat kong isagot? Sa totoo lang kahit ako ay naguguluhan din sa nangyari.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon