Chapter 37

1.3K 51 1
                                    

                    Chapter 37

                     Abbygale

Isang mabigat na desisyon ang nakapasan sa balikat ngayon ni Vonjo. Noong ikinuwento nya sa akin ang bagay na iyon kagabi, hindi ko rin mapigilan ang umiyak. Wala akong maitulong sa kanya kagabi, wala akong maipayo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung may bagay man na kaya kong ibigay sa kanya, iyon ay ang lagi ko siyang samahan at suportahan sa anumang desisyon na gagawin niya.
Matapos ang pag-uusap namin kaninang madaling araw, agad kaming dumeretsyo sa ospital na pinagdalhan kina Shana matapos siyang tawagan ni Officer Alejandre.
"Ano? Babalik ako ng Singapore?" Pasigaw na tanong ni Shana.
"Oo! Iyon ang dapat mong gawin! Hindi kana ligtas dito! Hindi ka dapat madamay, kaya kailangan mo ng bumalik sa Singapore!" Pasigaw din na tugon ni Vonjo.
"Kung babalik ako, dapat kasama kita kuya! Siguradong papagalitan ako nila papa at mama..... Hindi ka pa nga nila nakikita simula nung magising ka, tapos ngayon ito ka nanaman makikipagsabayan sa mga katatakutan na iyan." Garalgal na paliwanag ni Shana.
Mas lalo pang tumaas ang boses ni Vonjo. "Hindi ako pwedeng umalis dito! Dahil oras na sumama ako sayo siguradong pati ang pamilya natin madadamay! Ako ang pakay nila Shana!"
Nagulat si Officer Alejandre at kuya Jack sa narinig nila, hindi pa kasi namin nasasabi ni Vonjo ang tungkol sa sinabi sa kanya ng Supremo.
Natigilan din si Vonjo ng mapansin niyang nakatingin na sa amin ang mga taong nasa labas din ng ospital. Lumapit siya sa kanyang kapatid at yinakap niya ito.
"Paki-usap Shana, intindihin mo ako. Gusto ko lang protektahan ang mga mahal ko. Kaya sumunod ka nalang sa akin." Mahinahon na paliwanag ni Vonjo.
"Promise.... Susunod ako sa Singapore oras na matapos ang kinahaharap namin na ito." Dagdag pa niya.
Kumalas si Shana sa pagkakayakap ng kanyang kuya, at sa awa ng Diyos ay pumayag na ito sa sinasabi ni Vonjo.
"Okay! Pumapayag na ako. Promise mo yan kuya ha.... Ako ng bahalang magpaliwanag sa kanila." Bigkas ni Shana na pumupunas pa ng kanyang luha.
"Manong Elmo, mag pa book na kayo ng flight ninyo ni Shana para mamaya. Kailangang mailayo ko na kayo dito as soon as possible." Utos ni Vonjo.
"Masusunod po sir Vonjo." Tugon ni Manong Elmo.
"Sa ngayon, bumalik muna tayo sa bahay namin. Kailangang maipag-impake ko na ang kapatid ko. Pagkatapos nito, haharapin ko na si Luther." Sambit ni Vonjo na mas lalong nagpataka sa dalawang pulis.
Bago pa man kami tuluyang makasakay ng sasakyan, isang hindi inaasahang babae ang nagmamadaling lumapit sa akin.
"Well, well, well... Nakita rin kita Abbygale." Bungad sa akin ni Sheena. Isa ring reporter.
"Bigla yata kayong naglaho ni Billy sa eksena kung kailan muling nabuksan ang kaso sa dati ninyong scoop. Yung tungkol sa basement na pinagkamatayan ni Mr. Rodriguez." Paalala nito sa akin.
"Look Sheena, wala akong panahon sa mga sinasabi mo! Sayo na yon kung gusto mo. Kaya naman umalis ka sa dadaanan ko." Pagmamataray ko sa bruhang kaharap ko.
Karapatdapat lang pagtarayan ang babaeng ito dahil mas matindi pa ang pagkamaldita nito sa akin. Akala niya siguro hindi ko alam na lagi niya akong sinasabutahe, kaya nga ako nag focus sa bayan na ito para hindi niya alam ang mga gagawin ko.
"Wow naman! Ang tapang talaga...." Pang-aasar niya.
"Ahm, gusto ko lang naman sabihin na galit na galit sa inyo si boss dahil pinakawalan ninyo ang isang magandang scoop sa bayan na ito. Kaya naman ako na ang pina-asikaso niya dito. Tinawagan niya kayo ni Billy pero hindi kayo ma-contact. So tell me, ano bang nangyari?" Pagpapatuloy ni Sheena.
"Wala ka ng pake don Sheena.... At hindi nyo na rin mako-contact si Billy dahil umalis na siya kasama ang pamilya niya."
"Kuhain mo na lahat ng scoop na gusto mo sa lugar na ito..... Because I QUIT!" Sabay bangga ko sa kanya sa kaliwang balikat.
Bago pa man ako makasakay sa aking kotse, nagpahabol pa ng babala si Sheena. "Abbygale! Alam kong meron kang alam sa mga nangyayari...... Pero ito ang tandaan mo! Malalaman ko din iyan! At ako ang maglalabas ng balitang iyan!"
Muli ko siyang binalikan ng tingin at binigyan ng mapang-asar na ngiti. "Poor Sheena! Alam ko na ang lahat, bago mo pa malaman. You're always......... BEHIND ME!" Sabay sakay sa sasakyan.
"Umiiral nanaman ang pagkamaldita mo." Nakangiting bigkas ni Vonjo na katabi ko sa front seat.
"Na miss ko lang magmaldita..... Pero don't worry, sa kanya lang naman." Tugon ko.

                      Clarissa

Ayon sa pattern na sinabi ni Luther at Kimberly sa amin kagabi, ang sementeryo ang susunod na pagaganapan ng ikalawang sakripisyo. Binase nila ito sa pagkakasunod-sunod ng sakripisyo sa Blood key noong nakaraang taon. Pero para nadin makasigurado, hinati kami ni Luther sa apat na grupo. Si Zamuel, Luther at ako dito sa sementeryo. Si Angelito at Chryztyn naman sa Main Park. Si Tom at Alex sa Soccer field. At sina Kim, Rhod, Ma'am Bernadette sa City Tower.
"Alas syete na ng gabi, pero wala parin akong nakikitang kakaiba dito. Wala pang member ng RBO ang lumalapit sa rebulto na may lusutan ng blood key. Baka naman hindi dito ang ikalawang paggaganapan ng sakripisyo. Paano kung pa-reverse naman pala ngayon." Naiinip na sambit ko.
"Posible nga ang ideya mo Clarissa, at kung sakaling ma-reverse man ang pattern sa City Tower iyon magaganap. Kaya tatlo din ang pinapunta ko doon.... Kaso nga lang hanggang ngayon wala paring text o tawag sina Kim." Tugon sa akin ni Luther.
"Ah guys....." Pagputol ni Zamuel sa usapan namin.
Nakatingin ito sa hindi kalayuan, kung saan may humintong itim na sasakyan. Lumabas dito ang dalawang lalake na nakasuot ng black robe. Kaya naman agad kaming napadapa sa aming pinagtataguan.
"Shit! Andito na sila." Bulong ko.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Zamuel.
"Papalapitin natin sila hanggang sa rebulto, at oras na simulan nila ang sakripisyo syaka tayo lalabas para pigilan sila." Pabulong na paliwanag ni Luther.
"What? Paano natin gagawin yun? Wala tayong dalang armas." Natigilan din ako sa sinabing ito ni Zamuel. Paano nga namin pipigilan ang kalaban kung wala kaming dalang armas?
Ngumiti lang si Luther at kampanteng tumingin sa amin.
"Kilala mo ako Zamuel. Akong bahala." May pagyayabang niya.
Kahit hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ng dalawang kasama ko napilitan nalang din akong magtiwala. Ngumiti rin kasi si Zamuel sa sinabi ni Luther.
Inilabas na ng dalawang kulto ang taong isasakripisyo nila. Hindi ako makapaniwala ng isang batang babae ang inilabas nila sa sasakyan.
"Oh my God! Pati inosenteng bata idinamay nila dito." Naluluhang bigkas ko.
"Wala silang pakialam sa mga ganyang aspeto. Dahil ang mahalaga sa kanila, mapagtagumpayan ang kanilang plano." Tugon ni Luther.
Nakalapit na ang dalawang kulto sa rebulto kasama ang kanilang batang sakripisyo. Iniupo nila ito sa rebulto tapos ay tinanggalan ng piring. Nangangatog na sa takot ang bata ng makita nya ang mga lalakeng nagdala sa kanya sa sementeryo. Mas lalo pang kinilabutan ang bata ng makita niyang inilabas na ng isang lalake ang hawak nitong palakol.
"Paki-usap po.... Pakawalan nyo ako..." umiiyak na paki-usap ng bata.
Iyak lang ito ng iyak habang patuloy na nagdadasal ng latin ang isang lalake.
Ano pa bang hinihintay mo Luther? Bakit hindi ka pa kumikilos? Mamamatay na sa takot yung bata at pakiramdam ko malapit ng matapos yung dinadasal nung isang kulto.
Kinakabahan na ako, mukhang makakasaksi ako ng harapang pagpatay sa isang inosenteng tao.
Para bang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng biglang matapos magsalita yung lalakeng umuusal ng dasal.
Nagsimula ng umihip ang malakas na hangin.....
Itinaas na din nung isang lalake yung hawak niyang palakol....
Kumuha na ito ng bwelo para ihampas ang palakol sa ulo ng batang babae.....
Shit Luther! Ano na?
Hanggang sa umalingawngaw na ang sigaw ng batang babae.
"HuWAaaaaaaaaaaaaaagggg!!!!!"

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon