Chapter 1: Bad Girl, Good Girl

7.8K 124 0
                                    


I woke up early dahil sa pagkakarinig ng pagkatok sa kwarto ko. "Its too early! Bakit ba?" sigaw ko. "Miss Ella, may naghahanap po kasi sa inyo." sabi ni Yaya Bel. "Sino ba?" sigaw ko pa din. I'm too lazy para bumangon agad.


"Si Miss Athea po." Oh, sh*t. Monday nga pala! Agad akong bumangon at pumunta sa bathroom para maligo. Daily routine as always.


I'm Christella Mae Maralla, also known as Ella. Bad and heartbreaker. Heartless for skirt. I don't care sa nararamdaman ng iba, except to my family and Athea. I do flings pero walang kahit isa na minahal ko. Masaktan sila kung masaktan. Paglalaruan lang din naman nila yung damdamin ko. So quits.


When I'm done, lumabas ako para puntahan si Athea sa sala.


"Thea." kalmadong tawag ko sa kanya. Nanlaki yung mata niya at niyakap ako. "I miss you bestfriend!" I rolled my eyes. "Ang O.A. mo Thea. Swear. Two days palang nung nagkita tayo. Remember?" sarcastic kong sagot sa kanya.


"Ella naman eh. Alam mo namang tinuturing kitang sis ko diba? You know, one and only." sabay pout niya.


"Let's go. Malilate na tayo." aya ko sa kanya at akmang aalis na ng bigla niya naman akong pigilan. Magpaalam daw muna ko sa parents ko. Ughh. Ayaw ko pa sana pero sobrang mapilit niya. Kaya in the end, sinunod ko na lang siya.


"Mom? Dad?" tawag ko sa kanila. "Aalis na ko."


"Okay, ingat ka sa byahe, baby." ngumiti naman ako at kiniss sila.


"Satisfied?" taas kilay kong tanong kay Athea. Ngumiti naman siya at kumapit sa braso ko. "Let's go!"


Habang nasa byahe kami, daldal ng daldal naman 'tong si Athea sakin.


Anyway, she's Athea Fortaleza. Huwag tanga. Ang nag-iisa kong bestfriend since kinder at hanggang ngayon. She knows kung ano yung mga nangyayari sakin dahil siya lang naman ang napagkukwentuhan ko. Lalo na sa panggagago sakin nung ex-boyfriend ko.


We're so different. Kung anong ikinasama ko, siya namang ikinabait niya. Kung ako playgirl, siya hindi. Kung ako mature na mag-isip, siya childish. Ang ikinaparehas lang namin ay pareho kaming maganda, matalino at mapagmahal sa pamilya. Pero kahit na magkaiba kami, hindi kami nag-aaway. Well, loyal kami sa isa't isa. GIRL FRIENDS.


Madalas siyang binubully sa school. And if they know? Ughh. Pagsisisihan nila na binubully nila yung bestfriend ko.


We have the same company. Lumaki kaming mga models sa RGY. Isa pa 'yang dahilan kaya sikat ako sa school. Ewan ko lang dito sa kasama ko. ayaw i-reveal yung sarili.


"Sis? Nakikinig ka ba?" tanong sakin ni Athea. "Uhh. Ano ba 'yon?"


"Si Rence kasi.."


"What? May ginawa ba sayo yung jerk na 'yon?"

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon