Chapter 5: Don't you Dare

3K 69 0
                                    

Ella's Point of view


"Tch. Akin na nga yan!" sabay kuha ko sa kanya nung note. Lumapit naman ako sa basurahan at tinapon yun doon. "Bakit mo tinapon?" tanong sakin ni Gino. "Wala akong balak na makipaglaro sa mga secret admirer na yan noh!" sabay lakad ko papunta sa room namin.


"Good Morning class!" sabi ni Ms. Guzman. "Good Morning Ms. Guzman!" bati nila. "May bago pala kayong classmate." at pinapasok na niya. "Mr. Guevarra, pumasok ka na." sabi ni Ms. Guzman dun sa bago naming classmate.


"Good Morning! Hi, I'm Clyde Guevarra. Nice to meet you." pakilala niya. "Okay umupo ka na dun sa tabi ni Ms. Maralla." sabi sa kanya ni Ms. Guzman at saka naman siya umupo sa tabi ko. "Hi, Clyde nga pala. Anong pangalan mo?" tanong niya sakin pero di ko siya sinasagot. Tumingin naman siya kay Athea. "You? Anong pangalan mo?"


"Athea. Athea Fortaleza." sagot ni Thea. "Clyde nga pala. Nice to meet you."


"Nice to meet you rin."


"Itong katabi ko? Anong pangalan niya?" sabay turo niya sakin. "Christella Mae Maralla yung pangalan niyan. Ella for short."


"Nagsasalita ba 'to?" tanong niya ulit kay Athea at ako pa rin ang tinutukoy niya. "Magpalit nga tayo ng pwesto." sabi ko kay Athea at nakipagpalit naman siya.


Clyde's Point of view


Pinapasok na ko ng teacher at nagpakilala. "Good Morning! Hi, I'm Clyde Guevarra. Nice to meet you."


"Okay umupo ka na dun sa tabi ni Ms. Maralla." sabi nung adviser namin at napatingin naman ako sa tinuro niya. Umupo naman na ko sa tabi niya at tinitingnan siya ng palihim. Ang ganda niya. Ito ata ang tinatawag nilang love at first sight. Teka? Matanong nga kung anong pangalan nito.


"Hi, Clyde nga pala. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya pero di niya ko sinasagot. Tumingin naman ako sa katabi niya. "You? Anong pangalan mo?"


"Athea. Athea Fortaleza." sagot niya.


"Clyde nga pala. Nice to meet you." sabi ko.


"Nice to meet you rin."


"Itong katabi ko? Anong pangalan niya?" sabay turo ko kay ateng hindi namamansin. "Christella Mae Maralla yung pangalan niyan. Ella for short." Ah? Ella pala ang pangalan niya. "Nagsasalita ba 'to?" tanong ko ulit kay Athea at si Ella ang tinutukoy ko. "Magpalit nga tayo ng pwesto." sabi ni Ella kay Athea at nakipagpalit naman siya. "Pagpasensyahan mo na yung bestfriend ko ah? Ganyan talaga yan eh." sabi ni Athea. "May boyfriend ba yan ngayon?"


"Wala." Yes! Pwede ko siyang ligawa- "Pero.." napatingin naman ulit ako kay Athea. "Pero ano?"


"Ah.. Wala! Hehe. Makinig na lang tayo." sabay turo niya sa harapan.


Ella's Point of view


Break time na namin, pero yung bago naming classmate, sunod pa rin ng sunod sakin. Na love at first sight ata. "You!!" sigaw ko kay Clyde. Sumimangot naman siya bigla. "Stop following us!" at naglakad na ulit ako. "Ella! Wait lang!" sabi ni Clyde at sumunod ulit samin. Umupo naman kami ni Athea sa lagi naming pinupwestuhan.


"Baby!" sigaw ni Gino at tumabi sakin. Bale, nasa gitna ako nila Clyde and Gino. At si Athea, katabi niya si Alexis. "Ella, punta muna ko ng cr ah?" sabi ni Athea sakin. "Sige lang." sabi ko. "Wait lang. Cr lang din ako." sabi ni Alexis samin at umalis na. I know naman na susundan niya si Athea.


"Ella? Gusto mo ba nito?" tanong sakin ni Clyde. "Hoy!" tawag ni Gino kay Clyde. "Clyde ang pangalan ko. Hindi hoy." sabi ni Clyde kay Gino.


"Tch. Wala kong pake!" Natahimik naman silang dalawa at mayamaya, nagsalita na ulit si Gino. "Hoy Clyde!"


"Bakit?"


"May gusto ka ba dito kay Ella?" nabulunan naman ako bigla. Kumakain kasi ako tapos biglang ganun yung topic? Aish. "Itong tubig oh!" sabay abot ni Clyde ng tubig.


"Ano naman sayo kung gusto ko siya?" sabi bigla ni Clyde kaya nasamid naman ako. Tangina! Hindi ba titigil 'tong dalawa? Tumayo naman ako ng padabog. "ANO BA!?" sigaw ko sa kanila. "Bakit ka ba sumisigaw?" tanong ni Gino. "Panong hindi ako sisigaw? Eh pinag-uusapan niyo kaya akong dalawa! Hindi na nga ako makakain ng maayos dahil sa inyo eh!" bulyaw ko sa kanila. "Sorry naman." sabi ni Gino. "Sorry din." sabi ni Clyde.


"Bwisit! Diyan na nga kayo!" at nilaysan ko na sila. "Arrrgh! Bwisit talaga!" sabi ko sa sarili ko nang makarating ako sa may playground ng school namin sabay bato ko sa malayo. "Ella?" napatingin naman ako sa left side ko. "Bakit ka nandito!?" sabi ko kay Clyde. "Sorry kanina.. Di ka pa tuloy nakakain ng maayos."


"Dun ka na. Ayaw kitang makausap." Lumapit naman siya sakin at hinawakan yung kamay ko. "Sorry na. Please?"


"Ang kulit mo talaga eh, noh?"


"Lahat gagawin ko. Patawarin mo lang ako."


"Lahat?" tumango naman siya. "Lahat-lahat?" tanong ko ulit.


"Oo."


"Lumuhod ka. Lumuhod ka sa harapan ko. At manghingi ka ulit ng sorry sakin."


"Sige. Gagawin ko." Lumuhod naman siya sa harapan ko. "Sorry Christella Mae Maralla. Di ko na uulitin." sabi niya. Umupo naman ako at hinawakan ko yung chin niya. "Apology accepted." at nginitian ko siya kaya napangiti din siya. Pero di pa kami tumatayo. Infairness! Ang cute niya lalo kapag nakangiti.


"Pwede bang makinig ka sakin? Kahit ngayon lang."


"Ano yun?"


"Wag na wag kang maiinlove sakin. Okay?" sabi ko sa kanya at saka ako umalis.

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon