Chapter 3: Kuya!?

4.1K 96 1
                                    

Ella's Point of view


"Ellaaaa!!"


"Athea? Baki-" Nako naman! Ang childish talaga nito. Ughh. Yakapin ba naman ako bigla tapos muntik pa kaming matumbang dalawa? "Bakit ka ba biglang nangyayakap?"


"Wala lang. Namiss lang kita." tch. Kahapon lang, magkasama kami nito ah? "So, O.A. kung makamiss!"


"Hmp! Ikaw talaga." bigla namang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko 'yon at sinagot. "Hello, Ma? Bakit kayo napatawag?"


[Umuwi ka pala mamaya ng maaga ah.]


"Why?"


[Susunduin natin yung kuya mo sa airport.]


"Wait. I have class until 7pm. So, I can't go with you."


[Tsk. Sige na nga. Kami na lang ang magsusundo sa kuya mo.]


"Okay, bye-" Ughhh. Bastusan, Ma? Patayan ba naman ako bigla?


"Hey, Babe. Labas tayo mamaya ah."sabay akbay sakin ni Carl. "Hoy! Bakit mo inaakbayan yung girlfriend ko?" napalingon naman kami sa nagsalita. Si Mark. "Anong girlfriend mo? Girlfriend ko yan noh!" Si Jhay.


"Ano? Sapakan na lang oh?" hamon ni Carl. "Di na kailangan. Alam ko namang niloloko lang layong dalawa ni Ella eh." nakangisi namang sagot ni Mark. "Gago pala kayo eh!" sabi naman ni Jhay at saka nagsimula silang magsapakan.


"Sis, hindi mo man lang ba sila pipigilan? Nagsasapakan na sila oh." pabulong na sabi sakin ni Athea. "Tch. Don't mind them. Buhay nila yan." umalis na ko sa mga nagkakagulo at sumunod na lang sakin si Athea. "Sigurado ka bang di mo sila pipigilan? Pano kung idamay ka nila?" tanong ulit sakin ni Athea. "Madali lang namang lusutan yan eh."


-----


Papunta na kami ni Athea sa pwesto namin nang may marinig akong nag-uusap. "Girls alam niyo ba? Nag-away yung tatlong boys ng 3-C. Tapos yung dahilan nung pag-aawayan nila ay si Ella." sabi ni Hanna. "EHEM!!" pagpaparinig ko. Kaya napatingin sakin sila Hanna. "Nako, patay." pabulong na sabi ni Pia.


"Ano ulit yung sabi mo?" tanong ko kay Hanna. "Ah.. Eh.."


"Ms. Maralla. Pinapatawag ka ng POD." sabi ni Ms. Guzman sakin.


Bago ako umalis, tinapat ko yung bibig ko sa tenga ni Hanna at binulungan siya. "Pasalamat ka, dumating yung teacher na to. Kung hindi, baka basag na yang madaldal mong bunganga." mahinahon kong bulong sa kanya. Tumayo na ko ng maayos at nginitian si Hanna. "See you later, HANNA CRUZ."


-----


"Ms. Maralla, is that true na mga boyfriend mo 'tong mga 'to?" tanong sakin nung POD. "H-Ha!? Yang tatlong yan? Boyfriends ko? Oh come on, hindi ko po sila boyfriends. Sadyang mga feelingero lang yang mga yan."

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon