Chapter 6: Leave her Alone

2.5K 69 0
                                    

Clyde's Point of view


Wag na wag kang maiinlove sakin. Okay?


"Arrgh! Di ako makagawa ng maayos ng homework ko!" sabi ko sa sarili ko at itinaob ko yung ulo ko sa desk ko. Ano ba yan! Bakit paulit-ulit na yung sinabi sakin ni Ella kanina? "Nakakainis!" tumayo naman ako at dumapa sa kama ko.


Ella's Point of view


"Bakit mo naman ginawa yun? Kawawa naman si Clyde. Ang bait pa naman niya." sabi ni Athea sakin. Kwinento ko kasi sa kanya yung nangyari samin ni Clyde. "Mabait nga siya. Kaya ayoko siyang masaktan. Tyaka, tinanggap ko naman yung sorry niya kanina eh!" sabi ko. "Okay na nga sana yung ganun eh! Kaya lang, sinabihan mo pa siya na wag na wag maiinlove sayo. Eh di parang wala rin! Mas okay pa nga siguro, kung di mo na lang tinggap yung sorry niya."


"So ako pa yung mali ngayon?" tumango-tango naman siya. Kaya napairap ako.


Mayamaya ay napansin ko na sobrang tahimik ni Athea. "Oh? Bakit ka diyan malungkot?" tanong ko sa kanya. "Wala."


"Anong wala? Tingnan mo nga yang itsura mo! Nakabusangot ka!"


"Kasi.."


"Kasi ano?"


"Kasi.. Si.."


"Kasi sino?"


"Wag mo na lang alamin.."


"Isa ka pa eh! Ano ba kasi yang problema mo?"


"Si Alexis kasi.."


"Anong meron kay Alexis?"


"Ano.."


"Ano?"


"Kasi.."


"Ituloy-tuloy mo na nga yang sinasabi mo!! Nabubwisit na ko ah!"


"Ano kasi.."


"Ughhh. Sabihin mo na!"


"Nag-away kasi kami eh."


"Ano ngayon kung nag-away kayo? Hindi naman kayo eh."


"Yun na nga eh!"


"Anong yun na nga?"


"Kami eh."


Uhhh. What?


Loading..


1%

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon