Chapter 13: Meet Misty

1.8K 43 0
                                    

Ella's Point of view


"Teka lang pre, boyfriend ako nung gusto mong ligawan eh." sabi ni Gino dun sa makulit kong manliligaw. Nakakainis kasi eh! Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate, bigla na siyang lumitaw sa tabi ko tapos hinawakan bigla yung kamay ko. Feeling close eh. And of course, tinanggal ko yung kamay ko sa kamay niya. Duh? Hindi naman ako nakikipag-holding hands kung kani-kanino 'no. And besides, nagbago na ko. Ayoko na pong maging playgirl dahil nga sa nagkahiwalay kami ni Athea. Dahil sa pagiging playgirl ko, naging playgirl na rin siya.


Anyway, balik tayo dito sa makulit kong manliligaw. Hindi ako tinatantanan. Magpunta man ako kahit saan, nakasunod siya. Mabuti na lang at nakita ko si Gino. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Tapos sinabihan ko na lang siya na sumakay na lang. I really need his help eh. Syempre, alam kong di ako matatanggihan ng boyfriend ko. Hahahaha.


Tumawa yung lalake. "Patawa ka rin talaga e, 'no?" sabi ni Unknown Guy. "Excuse me? Hindi po siya nagbibiro. Okay?" tumawa ulit siya. "Ininglish mo lang yung lalaking kaibigan eh."


"Excuse me, Mr. U.G!" nagtaka naman bigla yung mukha niya. "U.G?"


"Unknown Guy. Okay? Wala kaming balak makipag-ubusan ng oras sayo dahil may lakad pa kami ng BOYFRIEND KO." sabi ko kay unknown guy. "Tara na?" yaya ko kay Gino. "Punta na tayo kay Misty." nakangiting sabi ni Gino sakin. Wait? Who's Misty?


Pero dahil andito pa din 'tong bwisit na guy na 'to. Umoo na lang ako kay Gino.


Nang makalayo na kami, tinanong ko kaagad si Gino. "Who's Misty?"


"Yun ba? Baby ko 'yon."


"B-Baby?" May anak na siya? Who's the girl na nabuntis niya? "Oo." sagot niya naman. "May anak ka na? Sinong nabuntis mo?" direct to the point ata 'to makatanong 'no! Bigla naman siyang tumawa nang pagkalakas-lakas. "You're too loud." irita kong suway sa kanya. Tumigil naman siya sa pagtawa niya. "Wala pa kong nabubuntis 'no."


"Eh sino nga kasi si Misty?" sigaw ko. "Teka nga, nagseselos ka ba?"


"A-Ako? Magseselos? Huh! Nababaliw ka na ba? Pano naman ako magseselos sa isang baby?"


"Nakabuntis na talaga ko." walang gana niyang sagot. "W-WHAT!?" gulat kong tanong. Tumingin siya sakin. "Sorry, Ella." Agad namang dumiretso yung kamay ko sa pisngi niya at saka ako umalis. Ang gago niya kasi eh! Pa-fall na ko oh! Tapos biglang malalaman ko na nakabuntis na pala siya! Is he f*cking crazy?


"Ella!" tawag sakin ni Gino sabay hawak sa wrist ko. "WHAT!?" sigaw ko. Mukhang naman siyang nagulat. "Bakit ka umiiyak?" Hinawakan ko naman yung pisngi ko. May luha nga. Ang gaga mo, Ella. Tumalikod na lang ulit ako at naglakad na ulit. "Uy, Ella." tawag sakin ni Gino. Hinawakan niya naman yung balikat ko. Lumingon ako sa kanya.


"ANO NA NAMAN BA? AYOKO NA, GINO! MINAMAHAL NA KITA EH! NO. NAIINIS AKO SAYO!" tatalikod na sana ulit ako pero pinigilan ako ni Gino at iniharap lang sa kanya. "Ano ulit yung sinabi mo?" "WALA! WAG MO NA KONG KAKAUSAPIN!" As usual, talikod ulit at walk out. "Ella! Joke lang 'yon." Joke? "Joke lang na may nabuntis na ko." What the heck? Tiningnan ko siya ng masama. "GAGO KA GINO!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung maraming makarinig sakin na nagmura ako. Eh tingin ko nga, sanay na sila sa bunganga ko eh. Pero ngayon, bihira na lang. Ngayon ko lang ulit nasabi yun. "Sabing joke lang 'yon eh." tapos niyakap ako niya ko. Sinuntok ko naman siya sa tiyan niya. "Siraulo ka talaga! Akala ko pa naman, may nabuntis ka na talaga!"


"Sorry na. Pero bakit ka ba umiyak?" agad akong napaiwas ng tingin. "W-Wala. Napuwing lang ako."


"Grabe ka naman mapuwing?"


"Wag mo ng intindihin 'yon. Sagutin mo muna ng maayos yung tanong ko."


"Ano ba 'yon?"


"Sino si Misty?"


"Ano ka ba, kapatid ko 'yon. Bunsong kapatid ko na three years old pa lang." Nakahinga naman daw ako ng maluwag dun. "Gusto ka nga pala niyang makilala. Nakukwento kasi kita sa kanya eh."


"Nakukwento? Ano naman yung mga kinukwento mo sa kanya na tungkol sakin?"


Gino's Point of view


"Nakukwento? Ano naman yung mga kinukwento mo sa kanya na tungkol sakin?" Tangina. Hindi ako ready sa tanong na 'yan ah. Magsasalita na sana ko ng biglang magring yung phone ko. Save by the caller.


"Hello?"


[Kuya! Anchagal mo pow namang umuwi. Guscho ko nam makita chi achi Ella.]


"Ikaw pala yan Misty. Don't worry, papunta na kami diyan ni ate Ella mo."


[Owkay kuya! Wi-weyt ko pow kayo. Babye! Ayyabyu!] sabay end niya nung tawag. "Tara na." aya ko kay Ella. "And where?" taas kilay niyang tanong sakin. "Kay Misty." sabay hila ko sa kanya papunta sa kotse.


-----


Nang makarating kami sa bahay, bumungad agad samin si Misty. "Kuyaaaa!!" sabay yakap sakin. "Kuya, wels achi Ella?" tanong niya sakin.


"Wait. I'll call her." Pinuntahan ko naman si Ella sa labas ng pinto at tinawag. "Ella, halika na dito." Sumunod naman siya sakin papasok sa bahay. Lumapit ulit sakin si Misty. "Kuya, cha pow ba chi achi Ella?" Tumawa naman si Ella sabay upo para maging magkalevel lang sila ni Misty. "Ako nga. Ikaw ba si Misty?" tanong ni Ella. "Opo!" Umupo na din ako para magkakalevel na kami. "Oh, Misty. Meet ate Ella. Ella, meet Misty."

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon