Ella's Point of view
"Scarlet?"Bakit siya nandito? Hindi naman siya dito nag-aaral ah?
"Oh? Look who's here? Christella Mae Maralla. Nice meeting you, AGAIN!" sabay abot niya sakin ng kamay niya pero hindi ko yun tinanggap. Kinuha ko na lang lahat ng gamit ko na nahulog at umalis na.
Scarlet's Point of view
"Oh? Look who's here? Christella Mae Maralla." sabi ko sa kanya. Sinadya ko yung pagbangga sa kanya kanina. Well, gusto ko lang namang mang-inis. Gusto kong inisin ang taong umagaw sa boyfriend ko. Ang taong dahilan ng break up namin ni Eric. Yeah.. Eric Rivera, ang unang naging boyfriend ni Ella. Ang taong nanakit sa puso niya. Ang totoo niyan, mahal talaga siya ni Eric eh. Ang kaso lang, gumawa ako ng paraan para magkahiwalay sila. Nakakatawa nga eh! Pinaniwalaan niya agad ako. Ako lang naman ang nagsabi kay Ella na ayaw na sa kanya ni Eric. Dahil may iba na siyang mahal at pumunta na sa States. Eto namang si TANGA! Naniwala ng bongga na umalis talaga si Eric. Hiniwalayan ako ni Eric ng dahil sa kanya! Pinagpalit ako sa walang kwentang babae. Tapos ngayon, si Kuya naman ang gusto niyang agawin samin. Sumusobra na ata siya. At isa pa, hindi ko makakalimutan yung ginawa niyang pagpapahiya sakin sa harap ng maraming tao. Sampal-sampalin ba naman ako!? Dahil lang sa nalaman niya na hindi totoo lahat ng sinabi ko. Tch.
"Scarlet!" tawag sakin ni kuya. "Andyan ka na pala Kuya, samahan mo ko."
"Saan?"
"Sa Resto, may papakilala ako sayo." pagkasabi ko nun kay Kuya, hinila ko na agad siya papunta sa kotse. Wala nang hintay-hintay ng sagot! Hindi yun uso sakin. "Sino ba yung papakilala mo?"
"Sure na sure ako Kuya! Sobra kang matutuwa sa makikita mo!" Pagdating namin sa Resto, agad kaming dumiretso sa pwesto ni Gelic. Nakayuko lang siya, nagkakalikot ata ng phone niya. "Gelic!" nagulat naman si Kuya ng malaman niya na Gelic ang sinabi kong pangalan. Pagkatingin samin ni Gelic, eh mas lalo pang nagulat 'tong Kuya ko. "Oh? Hi, Scarlet!" sabay ngiti sakin ni Gelic. Tiningnan niya naman si Kuya ng masama. "Bakit mo siya kasama?" mataray na tanong niya sakin.
"Ayaw mo ba syang makita? Ayaw mo bang makita ang BESTFRIEND MO?" tumakbo na lang palabas ng Resto si Gelic na sinundan agad ni Kuya.Tingnan na lang natin kung magiging masaya ka sa makikita mo, CHRISTELLA.
Gino's Point of view
Sinundan ko na kaagad si Gelic at iniwan si Scarlet. "Gelic!" hinawakan ko kaagad yung kamay niya at iniharap ko siya sakin. "Gelic, bakit ka ba tumatakbo?" tanong ko. "Hindi mo alam? Hindi mo alam kung bakit ako umalis dun?" tumango lang ako. "Sinabi ko na sayo yun dati di ba? Alam mo namang ayoko ng makita ang mukha mo dahil baka masaktan lang ulit ako!"
"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan?" Ngumisi siya at nagsalita ulit. "Malamang hindi mo talaga maiintindihan. Dahil mukhang kinalimutan mo na nga eh. Kinalimutan mo na na inamin ko sayo na mahal kita!"
"Pero.. Di ba.."
"Stop. Alam ko na yan. Sasabihin mo na naman na, 'Pero di ba, alam mo na si Ella ang mahal ko.' Di ba, yan na naman ang sasabihin mo? Gino, sawang-sawa na ko! Lagi na lang Ella ang naririnig kong pangalan! Pwede bang ako na lang?" ngumisi ulit siya. "Pero, sobrang imposibleng mangyari yun. Wala eh.. Siya talaga ang mahal mo." tinalikuran na niya ko at naglakad papalayo sakin.
"Asan na siya? Asan na yung bestfriend kong si Angelic Marasigan?" Lumingon siya sakin at ngumiti. "Wala na! Magpapakamatay na siya ngayon!" sigaw niya at pumasok sa isang hotel.
Mag.. Papakamatay?
"Angelic!!" sigaw ko. Hinabol ko kaagad siya pero hindi ko siya naabutan dahil pumasok siya sa elevator. "Hindi 'to pwede. Minsan niya ng ginawa 'to. Hindi yun pwedeng maulit." pumunta agad ako sa hagdan papunta sa rooftop ng hotel. Sh*t napapagod na ko. Bakit kasi ang tatagal bumukas ng elevetor dito eh!
Pagdating ko ng 10th floor, nakita ko na may pabukas na elevator kaya agad akong tumakbo papunta dun. Mabuti na lang at naabutan ko. Ang tagal naman nitong makapunta sa 32nd floor! Bilis!
Agad akong lumabas at pumunta na sa rooftop. Sh*t! Paakyat na siya sa may gilid ng rooftop. "Gelic!" nilingon niya ako at nginitian. "Andito ka ba, para pigilan ako? O ipamukha sakin na si Ella lang ang mahal mo?" matamlay nyang sabi habang may tumutulong luha sa mga mata niya. "Gelic.."
"Sige na.. Pumunta ka na kay Ella. At ako.."
"Wag mong ituloy!"
"Para saan pa? Bakit? Ako na ba ang mahal mo ngayon?" Sorry, Ella.. Pero, I have to do this. Para sa Bestfriend ko.
"Oo. Ikaw na ang mahal ko. Kaya please.. Itigil mo na yan." nilapitan ko siya at niyakap pero tinanggal niya yun at humarap sakin. "If you love me.. Then, Kiss me." seryoso niyang sabi. Wala na akong magagawa.. Kailangan ko talaga 'tong gawin.
Hinawakan ko ang makabila niyang pisngi at hinalikan siya. Pero nagulat ako kung sino ang nakita ko sa tapat nung pinto ng rooftop.
Ella's Point of view
Sumakay na ko sa sasakyan at sinabi na kay Manong Jules na ihatid na ako sa bahay. Dahil sa kaboringan ko, hinalungkat ko yung bag ko at may nakita ako sulat.
"Pumunta ka sa rooftop ng Hotel, 7:30 pm - Gino" Weird? Bakit niya ko pinapapunta dun? Hmm. Mapuntahan na nga lang. Wala naman akong assignments or etc eh. "Manong Jules, daan po muna tayo sa Hotel. May dadaanan lang po ako." tumango naman si Manong Jules at iniba na ang daan.
Pagdating namin dun, agad akong pumunta sa rooftop ng Hotel. Kung minamalas ka nga naman sa nakikita mo ngayon.. Gusto ko siyang patayin! Ang nagsabi sakin na mahal ako eh.. May kahalikang ibang babae! Gulat na gulat ang itsura ni Gino ng makita niya ko. Pero ewan ko ba? Bigla na lang nanigas ang buong katawan ko at naramdaman ko na lang na may mga luha na palang tumutulo sa pisngi ko.
Bigla naman siyang napahiwalay sa kahalikan niyang si.. GELIC!? Lumapit sakin si Gino at akmang magpapaliwanag pero sinampal ko na siya agad! Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya! Bakit niya 'to sakin ginagawa!?
Dahil sa galit at inis ko, tumakbo na agad ako. Pagkalabas ko ng hotel, nakita ko si Scarlet. "Hi, Ella!" bati niya sakin pero tiningnan ko lang siya ng masama at pumunta na ulit sa kotse. "Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong sakin ni Manong Jules.
"Pakihatid na po ako sa bahay.."
Scarlet's Point of view
Papasok na sana ko ng hotel ng biglang lumabas si Ella na umiiyak. HAHAHA! Mukhang nasaktan nga talaga siya. "Wag kang mag-alala, Ella. Ito pa lang ang simula ng paghihiganti ko sayo. May mga susunod pa.. Kaya maghintay ka lang."
BINABASA MO ANG
The Heartless Princess (Revising)
Teen FictionChristella Mae Maralla, also known as Ella. She's almost perfect daw pero maarte, mataray at mahilig mamahiya. She really don't care if they don't like her. What she wants to do? To play with boys. Yes, she's a playgirl. But she's like an angel when...