Gino's POV
Layuan mo na ko..
Hindi na kita mahal..
Tigilan mo na kami ng boyfriend ko..
P*ta! Naiinis talaga ko! Bakit ko pa kasi yun ginawa eh? Ang tanga-tanga ko talaga. Kung hindi ko naman kasi yun ginawa, baka siguro ngayon wala na si Gelic. Pero nawala naman sakin si Ella. Yung taong mahal ko. Ayoko din namang mawala yun bestfriend ko sakin. Napabuntong hininga ako dahil sa sobrang inis. Nakakabobo na!
"Hoy Kuya! Anong problema mo diyan?" tanong sakin ni Scarlet. Andito kasi ako sa sala at nakaupo lang, sila naman ay nanonood ng tv.
"Sinong iniisip mo?" tanong niya ulit. "Si --"
"Gelic. Tama?" pagdugtong niya sa sinasabi ko. "Oo."
"Mahal mo ba si Gelic, Kuya Gino?" natigilan ako at saka sumagot din agad. "Oo. Pero, bilang kaibigan lang. Bilang bestfriend ko."
"Sino ba kasing mahal mo?" tanong niya pa. "Si Ella." hindi na siya umimik nung sinabi ko sa kanya yun. Ewan ko kung bakit. Parang may kailangan ata akong malaman na hindi ko alam.
Scarlet's POV
The F*ck? Ella na naman! Naiinis na talaga ko dito kay kuya, laging Ella ang pangalan na nilalabas ng bunganga niya. Ano ba naman kasi ang nagugustuhan nila sa kanya?
Sana naman, makalimutan na niya yung babaeng 'yon dahil ayoko talaga sa kanya!
Pero sana, makapaghanda si Ella sa malalaman niya at maririnig niya. Dahil sigurado ako, na masasaktan ulit siya.
Ella's POV
"Ella may naghahanap sayo! Bumaba ka na diyan!" sigaw sakin ni Kuya.
Oo nga pala, nawala yan si Kuya Keith dahil puro shooting ang inatupag niyan dito, masyadong busy. Eh ngayon kasi, day off nila kaya ayan, may maingay na naman dito sa bahay.
"Hoy bilisan mo na diyan!" sigaw niya ulit.
"Ito na nga eh!" pasigaw ko din na sagot at pagkababa ko, nakita ko si Clyde na nakaupo sa sofa namin.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. "Para sunduin ka." sagot niya. "Eh? Dapat si Athea na lang ang sinundo mo--" bigla namang sumingit sa usapan namin si kuya Keith. "Hoy Ella, hindi ba dapat si Gino ang nagsusundo sayo dahil boyfriend mo 'yon?" nakakunot na noo niyang sabi.
Napangiti ako ng mapait. "Kuya, hindi ko siya boyfriend, okay?" sagot ko. "Eh diba, nung nakaraang linggo, sinabi niyo na magboyfriend kayo?" sinamaan ko ng tingin si kuya. "Hindi yun totoo atsaka pwede ba kuya, wag mo nang babanggitin yung pangalan niya okay? Ayoko ng marinig 'yon." sabay irap ko sa kanya. "May LQ?"
"Hindi nga kami eh! Tara na nga, Clyde." sabi ko at hinila ko siya palabas sa bahay namin atsaka dumiretso nang pumasok sa school.
"Wait girls, bakit si Ella na ang kasama ni Clyde? Hindi ba dapat, si Athea?" sabi ng isang estudyante na babae. "Oo nga." pagsang-ayon ng isang babae atsaka tumawa. "Teka, baka mang-aagaw?" sabi pa ng isang babae na kulot.
"OMG! Grabe talaga siya! Stoler, cheater, liar. What else?" maarteng sabi.
"Guys, quiet. Andyan na sila. Baka marinig tayo." sabi ulit ng unang nagsalita kanina.
Stupid. Kanina ko pa nga kayo naririnig. Ibintang niyo sa akin ang lahat, wala din naman akong pakialam.
"Clyde!" napalingon kaming dalawa ng marinig namin yung pangalan niya. Si Athea.. Tumakbo siya papalapit samin at ngumiti kay Clyde pero pagdating sakin, inirapan niya lang ako. "Sabay na tayo sa loob." sabi niya kay Clyde.
Nahalata ko naman ang pagkailang ni Clyde. "Ella, mauna na kami ah?" paalam niya kaya tumango ako at nginitian siya
Habang naglalakad ako, nakita ko din si Gino na naglalakad pero hindi siya mag-isa. Kasama niya yung pinsan kong si Gelic. Ang saya nilang tingnan, sobra. Mukhang hindi talaga ako mahal ni Gino. Natawa na naman ako ng mapait. Naniwala pa kasi at umasa eh.
Kung iniisip niyo na kung nagtransfer dito si Gelic, nagkakamali kayo. Sa ibang school siya nag-aaral dahil iba pa din ang suot niyang uniform. Mukhang pumunta lang naman siya dito para kay Gino.
Nagulat naman ako ng may umakbay sakin bigla. Pagtingin ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko. "M-Mico?" ngumiti lang siya sakin. "Bakit ka nandito? Hindi ba nasa korea ka dapat?" tumango naman siya. "Eh bakit ka nandit-- Mico!" bulyaw ko sa kanya dahil hinalikan na naman ako ni gago.
"Bakit mo ko hinalikan? Ang laki-laki na natin pero ganyan ka pa din." saad ko dahil lagi niya akong ninanakawan ng halik, bata pa lang kami. Nasanay kasi siya na ganun sakin. Ewan ko ba kung tsinatsansingan niya ako o malambing lang talaga sa akin dahil bestfriend niya ko.
Napadako ang tingin ko kila Gino at sobrang sama ng tingin niya kay Mico. Is he jealous? tanong ko sa isip ko pero umiling ako. Imposible.
"I missed you." bulong sakin ni Mico pero di ko maiwasan na tumingin kay Gino. Nag-ibang direksyon na siya kasama si Gelic. "I missed you, too." sagot ko at niyakap niya ko. "Mics, samahan mo ko." Napakunot naman ang noo niya. "Where? Do you want to date me?" nasampal ko naman siya ng bahagya dahil sa sinabi niya. Kapal.
"Hindi 'no! Ayoko kasing pumasok ngayon dahil wala ako sa mood." saad ko. "Then, where do you want us to go?" tanong niya habang nakaakbay sakin.
Saan nga ba? Gusto ko kasi siyang makabonding dahil minsan lang naman siya nandito. "How about.. Music room?" tanong ko sa kanya at inaabangan kung ano ang isasagot niya. "Sure." nakangiti niyang sabi kaya nagtungo na kami doon.
Nang makarating kami sa music room ay may pumasok bigla na isang student. "Magpapractice ka ba?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya habang nakangiti. "May nagpapabigay po sa inyo nito." sabi niya at inabot ang isang voice recorder. Magsasalita palang sana ko pero nagpaalam na kaagad yung babae. Sino naman kaya ang nagbigay sa akin nito?
Ini-on ko ang voice recorder at niplay ang nakarecord. Mukhang hindi maganda ang kutob ko dito.
"Sinong iniisip mo?" tanong ng babae parang pamilyar yung boses niya sakin pero hindi ko maisip kung sino. "Si --" hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil nagsalit ulit yung babae. "Gelic. Tama?"
"Oo." nag-away kami pero si Gelic pa din ang iniisip niya. Nakakatawa naman.
"Mahal mo ba si Gelic, Kuya Gino?" Kuya? Ibig sabihin kapatid niya ang nagpadala nito? "Oo." Napangiwi ako at kusa na lamang lumabas ang mga luhang pinipilit kong pigilan. Mahal niya pala.. Niloloko niya lang talaga ko. Tanga mo, Ella..
"Why are you crying?" ngumiti ako habang umiiling. "Mico.. Help me, please?" umiiyak kong sabi sa kanya. "Help you for what?" tanong niya. "Help me to forget Gino.."
***
A/n: Mico Rivera sa multimedia :)
BINABASA MO ANG
The Heartless Princess (Revising)
Teen FictionChristella Mae Maralla, also known as Ella. She's almost perfect daw pero maarte, mataray at mahilig mamahiya. She really don't care if they don't like her. What she wants to do? To play with boys. Yes, she's a playgirl. But she's like an angel when...