Athea's Point of view
"Tingnan niyo, ang ganda niya."
"Ano kayang pangalan niya?"
"New student?"
"Siya yung model di ba?"
"No way. Is that.. Athea Fortaleza?"
Ilan yan sa mga narinig kong bulong-bulungan ng ilan sa mga students dito sa campus. Pano ba naman kasi, sinong hindi magtataka? Kung makita mo ang isang Athea Fortaleza na maganda, confident, at wala ng kinakatakutan. At isa pa, hindi na NERD! Ako na ang Athea Fortaleza na palaban. Na kahit sino, pinapatulan. Na kahit sino, sinasaktan. Hinding-hindi na ko magpapaapi kahit kanino, kahit kailan. Ibabalik ko sa kanila yung mga pang-aapi na ginagawa nila sakin dati.
Dati, ayoko ng ganito. Ayoko ng may nag-aaway. Ayoko ng may nang-aapi. Pero ngayon, narealize ko, ang sarap sa pakiramdam. Yun bang ikaw na yung nang-aapi at sila na ngayon ang umiiyak. Nakakatuwa nga eh. Sana matagal ko ng ginawa 'to.
"Athea!"
"Oh, Clyde? Anong kailangan mo?"
"Wala. Sabay na tayo."
"Sure." Halos one week na pala, simula nung nagkaaway kami ni Ella. Wala na rin pala kami ni Alexis. At itong si Clyde, siya ang lagi kong kasama. Lagi niya kong sinasamahan kung saanman ako magpunta. Kung assuming lang ako, baka naisip ko na, na may gusto siya sakin. Pero duh? Kilala ko kung sino yung gusto nito. And I know, you know kung sino 'yon.
"Ang ganda niya talaga!"
"Bagay sila ni Clyde noh?" Hindi ko na lang pinansin yung bulong-bulungan nila at dumiretso sa classroom.
"Athea!" tawag sakin nung classmate kong lalaki. "What do you want?" pagtataray ko. "Can I get your number?" sabay kindat sakin. "No."
"Please?"
"I said, no."
"Sige na." Tumayo naman ako ng padabog. "Bingi ka ba?"
"Hindi."
"Kung hindi ka bingi, umalis ka na sa harapan ko."
"Pano kung ayoko?"
"Ayaw mo?" nginitian ako ni Luke. At ako? Ginantihan ko rin siya ng ngiti at agad ko siyang sinuntok sa mukha. "Damnit." bulong niya. "Umalis ka na kasi kung ayaw mong mabasag na yang pagmumukha mong panget!" Tumayo naman si Luke at hinila ako palabas. Piniglas ko naman yung kamay ko sa pagkakahawak niya. "Ano ba!?" sigaw ko.
"Ibigay mo na lang kasi!"
"Ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo?"
BINABASA MO ANG
The Heartless Princess (Revising)
Teen FictionChristella Mae Maralla, also known as Ella. She's almost perfect daw pero maarte, mataray at mahilig mamahiya. She really don't care if they don't like her. What she wants to do? To play with boys. Yes, she's a playgirl. But she's like an angel when...