Chapter 2: Clarence Rivera

4.9K 94 0
                                        

Athea's Point of view


"Good morning, Ma!" masaya kong bati sa kanya. "Good morning rin. Bakit yata ang saya mo ngayon?" tanong niya sakin. "Wala, Ma. Maganda lang talaga yung gising ko." tiningnan naman ako ni Mama. Mukhang hindi ako pinaniniwalaan. "Don't tell me may nanliligaw na sayo?"


"W-Wala pa naman. Pero may nagtatanong kung pwede?" nahihiya ko pang sabi. "Uyy! Dalaga na ang anak ko! May manliligaw na!" tukso sakin ni Mama habang tinutusok-tusok yung tagiliran ko.


"Mama naman eh." kaya napa-pout na lang ako. Ngumiti sakin si Mama. "Okay lang naman sakin na may manligaw sayo. O kaya magka-boyfriend ka."


"Talaga?"


"Oo naman. Pero wag mong pababayaan yung pag-aaral mo dahil -"


"Malalagot ako kay Dad?" singit ko naman. "Alam mo naman pala eh." tapos ngumiti sya sakin.


"Ma? Alis na po ako. Susunduin ko ulit si Ella eh." paalam ko.


"Sige. Ingat ka ha? Mag-aral ng mabuti."



"Opo." sagot ko at kiniss and hug siya. "Babye po!" sabay wave ko ng kamay ko at nginitian naman ako ni Mama.


-----


Nang makarating ako kila Ella, nagdoorbell naman agad ako. Lumabas naman si Tita Lea - Mommy ni Ella.


"Oh, Athea? Ang aga mo ah? Pasok ka muna."


"Nako, hindi na po. Si Ella po?" tanong ko. "Sandali lang, tatawagin ko."


"Sige po."


Mayamaya, bumukas na ulit ang pinto at si Ella na ang lumabas. "Tara na. Baka malate na tayo." bungad nya sakin kaya pumasok na agad kami sa kotse ko at pumunta ng school.


"Kyaaaaaaa! So handsome!"


"Model siya di ba? Bakit siya nandito?"


"Takte!! Bakit ang ingay?" iritang sabi ni Ella.


"Ewan ko? May model daw na dumating eh.." narinig ko lang naman yun sa sigawan nung mga babae. "O.M.G? Si Clarence Rivera!!" Napalingon naman kami sa entrance nung gate. Narinig nga po kasi namin na andyan si Clarence Rivera.


"Oh, sh*t. Si Rence nga. Akala ko ba tinext mo siya?" tanong niya sakin. "Oo nga. Tara na. Baka -" teka? May tumakip sa mata ko. Pero mukhang alam ko naman kung sino 'to eh. Syempre si Rence, lagi niya naman 'tong ginagawa sakin eh. Kaya hinawakan ko yung kamay niya at tinaggal. "Ikaw talaga Ren -" Nakoo! Hindi pala 'to si Rence! Whaaaa! "Tara na Ella!" hinawakan ko na yung kamay ni Ella at tumakbo papunta sa room.


"Hoy, teka lang Thea!! Baka madapa na ko sa ginagawa mo. Dahan-dahan naman ang pagtakbo!!" habang sinisigawan ako ni Ella, di ko siya pinansin. Tuloy-tuloy pa rin ang paghila ko sa kanya.

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon