Chapter 11: Jealous

2.2K 48 1
                                    

Ella's Point of view


"A contract?" pagtataka kong tanong kay Carl. Tumango-tango naman siya. "What kind of contract?"


"Kung ano yung mga hindi pwede at mga pwede." agad akong napairap sa kanya. "No way."


"Anong ayaw mo? Sa ayaw at sa gusto mo, magiging fake girlfriend kita. At saka para rin naman sayo 'yon 'no!"


"For me? Tigilan mo nga ko, Carl."


"Ang arte naman nito!"


"Matagal na kong maarte kaya wala kang magagawa."


"Ano ba naman yan Ella! Sige na, pumayag ka na."


"No."


"Sige ka, isusumbong kita sa kuya mo."


"Kahit isumbong mo ko kay Kuya, ayoko pa din."


"Talaga?" tumango naman ako. "Final na 'yon." at saka ako umalis.


Carl's Point of view


Andaya talaga nito ni Ella. Hindi na nga pumayag sa gusto ko, iniwanan pa ko. Tsk. Kung ayaw niyang pumayag, ako ang gagawa ng paraan para malaman ko talaga kung may gusto ba si Gino sa kanya. Pero para magawa ko naman yun, kailangan kong makahanap ng manliligaw kay Ella.


Habang naglalakad ako at iniisip kung sino ang pwedeng tumulong sakin, nakita ko bigla si Kyle na nagbabasa. Bwahahaha! Ang galing ko talaga. "KYLE!" sigaw ko. "Bakit?"


"Kailangan ko ng tulong mo."


"Sabi na eh. Anong klaseng tulong naman 'yon?" inisip ko naman kung paano ko ba sasabihin sa kanya kaya lang biglang tumunog yung bell kaya napagpasyahan kong mamaya ko na lang pala sasabihin sa kanya.


-----


Pagkatapos ng klase namin, hinanap ko kaagad si Kyle. At dahil nga sa hinahanap ko siya, ayon! Nakita ko siya. Hahahaha! Nakaupo sa bench at nagbabasa? Bago 'yon ah! Kailan pa siya naging masipag magbasa?


Nilapitan ko na siya at mukhang di niya pa rin ata nararamdaman na nandito ako sa tabi niya. "Hoy Kyle!" sigaw ko. "Oh? Kanina ka pa nadyan?" tanong niya. "Oo. Di mo lang naramdaman."


"Ano nga pala yang binabasa mo?" tanong ko sa kanya. "History. May quiz kami bukas eh."


"Naks! Sipag! Kailan pa sayo nauso yan?"


"Simula nung nakilala ko si Lyka." napakunot naman yung noo ko. "Lyka? As in Lyka Cruz?"


"Oo."


"Yung nerd na babae?"

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon