Chapter 20: The Kiss

1.7K 40 0
                                    

Ella's POV

"Teka lang, teka lang!" napatigil ako sa paghila sa kanya dahil sa paghinto niya. "What?" tanong ko sa kanya. "May klase ka kasi." pagdadahilan niya. "So, ayaw mo? Its okay kung ayaw mo. I can go alone." sabi ko at naglakad na. "Teka, hintayin mo ko!" sigaw niya pero di ko siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng bigla kong makita si Gino. He's with Gelic, again. Napangisi naman ako dahil sa nakita ko. Of course kasama niya ang pinsan ko dahil kasama nga niya kanina nung pagpasok dito sa school eh.

"Ella, may problema ba?" tanong sakin ni Mico. "H-Ha?" sagot ko at tumingin siya kila Gino. "Gutom na ba yung girlfriend ko? Gusto mo bang kumain na tayo sa labas. Let's go on a date today." sabi ni Mico at hinawakan ang mukha ko. "Tutal naman matagal kong hindi nakita ang long-time girlfriend ko."  dagdag pa niya at hinalikan ako sa noo. Ngumiti naman ako sa kanya ng napakalapad at tumango-tango.

"Are you okay?" rinig kong sabi ni Gelic pero hindi ko na lang 'yon inintindi.

"So, where are we going?" tanong ko kay Mico pero di niya sinagot ang tanong ko at nagpara na kaagad ng taxi. Nagulat na lang ako nang banggitin niya ang subdivision nila.

"Why are we here?" tanong ko sa kanya habang nakatayo sa harap ng bahay nila. "Let's go." aya niya kaya sumunod naman ako sa kanya papunta sa loob. "Sit there, okay? And be comfortable dahil walang ibang tao dito sa bahay ngayon." sabi niya at pumunta sa kusina. "What do you want? Orange or apple juice?" tanong ulit ni Mico. "Apple juice." nakangiti kong sagot sa kanya.

Habang nag-aasikaso si Mico sa kusina ng kakainin namin, naglakad-lakad muna ako at napunta ko sa isang kwarto na madilim. Hinanap ko kaagad ang switch ng ikaw dahil nacucurious ako. Ewan ko ba kung bakit? Laking gulat ko na lang ng bigla kong makita ang mga pictures ko na nakaparada sa dingding ng kwarto. May malaki at maliliit na pictures. Anong ibig sabihin nito?

"Ella, nandito na yung merienda nati-- A-Anong ginagawa mo dyan?" takang tanong ni Mico. Halatang hingal siya dahil nagmadali siya sa pagpunta dito. "Ano 'tong mga 'to?" tanong ko sa kanya. Napansin ko namang napalunok siya at halatang kinakabahan siya. "Ah-eh ano-- sa pinsan ko yan! Photographer kasi siya at nung nakita ka niya, gusto ka sana niyang maging model niya."

"Model? Bakit di niyo na lang sinabi sakin?" tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya. Lalabas na sana ko pero narinig ko siya na bumulong. "Mabuti na lang nakalusot.." agad ko siyang hinarap kaya gulat na gulat ang ekspresyon niya ngayon. "B-Bakit?" nakangiwi niyang sabi. "You're lying. Ikaw ang may gawa nito dahil wala ka naman talagang pinsan dito sa pina--" naputol ang pagsasalita ko ng bigla siyang magsalita.

"H-How did you know?" taranta niyang sabi. Gotcha! "Sinabi ko lang pero totoo pala." nakangisi kong sabi sa kanya kaya napakamot na lang siya sa ulo niya. "Why did you have my pictures?" tanong ko sa kanya at sumandal sa nakabukas na pinto. "Kasi bestfriend kita!" pinaliitan ko siya ng mata dahil hindi ako naniniwala na 'yon ang dahilan. "Fine! I like you-- No, i love you." sabi niya kaya nanlaki naman ang mata ko.

Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya dahil feeling ko ay namumula na ang mukha ako. "I know that you'll reject me.." malungkot niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. "I'm sorry.." dagdag niya pa. Lalabas na sana siya pero agad ko siyang hinila.

I don't know kung tama 'to. But I think it's a good timing para malaman din niya ang nararamdaman ko..

"Hindi mo pa nga naririnig na nireject kita, aalis ka na kaagad?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya. "It's okay, I'm happy that you're my bestfriend. And I don't want to here na nirereject mo ko." sabi niya habang nakangiti ng bahagya.

"Gago ka talaga. I-I love you, too.." nanlaki naman ang mga mata niya at unti-unti kong nakita yung malalapad niyang ngiti. "I promise that I won't hurt you." sabi niya at naramdaman ko na lang ang pagdikit ng labi niya sa labi ko.

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon