Ella's POV
Bakit? Bakit lagi na lang akong sinasaktan ng mga minamahal ko? Ano bang ayaw nila sakin? Ayoko na.. Ayoko ng umasa na may taong magmamahal sakin ng tunay. Baka saktan lang ulit ako..
Tumunog ang phone ko at tiningnan ko kung sino 'yon. Clyde calling.. Bakit siya tumatawag? Ano kayang kailangan nito sakin?
"Hello?" sagot ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko. "Ella? Umiiyak ka ba?" tanong niya. "H-Ha? Hindi.. O-Okay lang ako.. Ano kasi-" sabi ko pero nagsalita ulit siya. "Don't make excuses. Umiiyak ka eh."
"Okay lang ako. Hindi ako umiiyak."
"Sinungaling. Ano bang problema?"
"Problema? Wala.."
"Sabihin mo na.. Teka.. Pupunta na lang ako diyan. Hintayin mo ko."
"Ahh. Wag ka nang pumunta dito. Babaha lang ng maraming tanong sayo.."
"Okay lang. Basta, pupunta ko dyan."
"Wag na. Ganito na lang.. Pumunta ka sa Park na malapit sa school."
"Osige.. Pupunta na ko. Hihintayin kita dun."
"Sige. Bye." at inend ko na ang tawag.
-----
Nakaupo ako ngayon dito sa isa sa mga bench sa park. Umiiyak. Naalala ko na naman eh. Naalala ko na naman yung nakita ko kanina.. Tapos, pinsan ko pa? Nakakatawa di ba?
"Kanina ka pa ba?" napatingala ako sa nagsalita. Si Clyde pala.. Mabuti pa siya, sumusulpot kapag kailangan ko ng maiiyakan. Kahit na hindi ko siya tawagan ay palagi siyang nandyan..
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin at hinawakan yung mga pisngi kong may luha. "Clyde.." sabay yakap ko sa kanya. Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko. "Sige, iiyak mo lang yan.." hinimas-himas niya ang likod ko na mas nagpaiyak sakin.
"Bakit ganun Clyde? Bakit nila ko laging sinasaktan? Ano bang ginawa ko sa kanila para ganituhin nila ko?"
"Wala ka namang ginagawang masama eh. Hindi lang nila alam kung gaano ka kawalan sa kanila."
"Bakit ganun? Sinabi niyang mahal niya ko.. Pero.. Pagod na pagod na ko.. Pagod na pagod na.."
-----
"Adik ka Clyde!" sabi ko habang tawa ng tawa. Kung makapagjoke naman kasi -- hindi ko alam kung korni o hindi. Anyway, I'm done with my dramas, I realized na kailangan kong magpahinga sa kakaiyak. Maga na nga ang mga mata ko eh. Mabuti na lang at nandito si Clyde.
"Sana pala Clyde, ikaw na lang yung minahal ko 'no? Para hindi ako nasasaktan." sabay tingin ko sa langit. "Sana nga.. Sana nga ako na lang.." napatingin ako sa kanya dahil sa tono ng boses niya. "Ella, pwede ba?" sabi ni Clyde at unti-unting lumapit ang mukhang niya sa mukha ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin.
Pero saglit lamang iyon dahil biglang may humila kay Clyde at agad itong sinuntok. "G-Gino?" Nanlalaking mata kong tawag sa kanya.
"Sinong nagsabi sayong may karapatan kang halikan si Ella!?" singhal niya kay Clyde. Tumingin lang si Clyde kay Gino at ngumisi habang pinupunasan niya yung gilid ng labi niya na may onting dugo. "Ano ba Gino?" sabi ko.
"Ikaw!" turo niya sakin. "Bakit mo sya hinayaan!?" tanong niya pero makikita mo sa mga mata niya na galit na galit siya. "Ano bang pakealam mo? Di ba ganun ka din naman?" inis kong sabi sa kanya. "Anong gusto mong palabasin? Na ginagantihan mo ko?" napatingin ako sa taas dahil sa sobra kong inis. "Hindi kita ginagantihan! Hinayaan ko si Clyde dahil mahal ko siya!"
"Mahal? O ginagawa mo lang siyang panakip butas dahil sakin?" kalmado niyang sabi habang diretsong nakatingin sakin. "Pwede ba Gino? Tigilan mo na ko! Doon ka na sa Gelic mo!" Natigilan naman siya sa sinabi ko. "P-Paano mo nakilala si Gelic?"
Ngumisi naman ako. "Pano ko siya nakilala? Simple lang, dahil pinsan ko siya, okay na? Ngayon, umalis ka na at wag mo na kaming guguluhin ni Clyde." pagkasabi ko non ay tinulungan ko nang makatayo si Clyde.
"Halika dito." sabi sakin ni Gino kasabay ng paghablot niya sa kamay ko na nakahawak kay Clyde. "Ano ba?" sigaw ko sabay piglas ng kamay niya na nakahawak sakin. "Gino, tigilan mo na si Ella." sabi ni Clyde. "Wala kang pakealam dito!" sigaw ni Gino at sinuntok ulit si Clyde.
"ANO BA?" singhal ko sabay sampal kay Gino. "Wag mo na kaming guguluhin ng boyfriend ko! Naintindihan mo?" tinayo ko na ulit si Clyde at naglakad na kami papalayo kay Gino.
-----
"Ella, dapat hindi mo yun sinabi sa kanya." sabi sakin ni Clyde. "Ano ka ba? Okay lang 'yon para tigilan niya na ko, ayoko na rin naman siyang makita eh." nakangiting bahagya kong sagot. "Pero, mahal mo pa siya diba? At mahal ka pa rin niya."
"Hindi Clyde. Hindi na niya ko mahal.. At simula ngayon, hindi ko na rin siya mahal." Hinawakan naman ni Clyde ang balikat ko. "Ella, wag mong lokohin yung sarili mo.." sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Wag kang mag-alala, magiging okay ako. Magiging okay ang lahat. Makakalimutan ko rin siya."
"Pano sa school?" nag-aalala niyang tanong. "Hindi ko siya papansinin, hindi ko rin siya kakausapin, at iiwasan ko na siya."
"Pero, Ella--" Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya. "Kamusta na si Athea?" pagbabago ko ng topic. "Okay lang siya, kaya lang nagkabaliktad kayo ng ugali." natatawa niyang sabi. "Ganun ba? Masaya naman ba siya?" tanong ko. "Oo." tipid na sagot ni Clyde.
"Bantayan mo siyang mabuti ah? Wag mo siyang sasaktan." bilin ko sa kanya.. "A-Anong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang sabi. "Gusto mo si Athea di ba?" Nanlaki naman ang mga mata niya. Mukhang nabigla ata siya sa sinabi ko. "Hindi ba?" tanong ko ulit pero hindi siya makasagot kaagad. "Sige, wag mo nang sagutin, pero alagaan mo siya ha?" nakangiti kong sabi. "Oo ba. Makakaasa ka."
"Salamat, Clyde."
"Oo nga pala? Bakit kayo nagkaaway ni Athea? Totoo ba na pinakisamahan mo lang siya?" tanong niya sakin at agad naman akong umiling. "Sa totoo lang, hindi. Napilitan lang ako."
"Bakit?"
"Ayaw sakin ni Tita Ruth, yung Mama ni Athea.." sabi ko at bahagya akong ngumiti. "Basta, wag mo na lang alamin.." Baka kapag nalaman mo, layuan mo siya..
BINABASA MO ANG
The Heartless Princess (Revising)
Teen FictionChristella Mae Maralla, also known as Ella. She's almost perfect daw pero maarte, mataray at mahilig mamahiya. She really don't care if they don't like her. What she wants to do? To play with boys. Yes, she's a playgirl. But she's like an angel when...