Chapter 19: Crush

1.6K 36 0
                                    

Ella's POV

"Help me to forget Gino.." hindi ko alam kung bakit ko 'to sinabi. Pero isa lang talaga ang gusto ko.. Ang maka-MOVE ON sa mga kawalanghiyaang ginawa ni Gino sakin.

Ayoko na sa kanya. Ayoko na talaga. Siguro, simula't sapul pa lang, pinaglaruan na niya ko. Ginawa niya kong tanga. Oo tanga ako, tanga ako pagdating sa seryosohang relasyon.

Pero kung lokohan lang? Kayang-kaya ko yang sabayan. Pero, wala eh. Hindi ako handa. Hindi ako nakapaghanda na sasaktan pala ko ng ganito ni Gino. Sobrang tanga ko. Sobra.

"Pero Ella.." nag-aalangang sabi ni Mico. "Mico, please?" pagmamakaawa ko. Napahinga naman siya ng malalim. "Okay, fine. But how will I do that?"

Pano nga ba?

"Mag-date kayo." mabilis kaming napalingon ni Mico sa may pinto ng at alam kong hindi ako nagkakamali kung kaninong boses yung narinig ko..

"A-Athea.. Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't galit ka sakin?" kabado kong tanong. Ngumisi naman siya. "Hindi naman totoo na nagalit ako sayo eh." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "What do you mean?"

"Palabas lang lahat ng 'yon, Ella." nakangiti niyang sagot. Palabas? Oh, great!

"Hindi naman talaga naging kami ni Alexis 'no. Isa lang siya sa mga manliligaw ko." paliwanag niya. "But why did you do that?"

"Para magbago ka. Para magbago ang bestfriend ko."

"Papaano si Tita Ruth?" nag-aalala kong tanong. "Kasabwat din siya. 'Yon pa! Magpapahuli ba yun sa drama? Feeling best actress yun eh." natatawa niyang sabi. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Pero agad akong tumayo at lumapit kay Athea. "I miss you.." Niyakap ko siya at narinig ko ang pagngisi niya.

"Hoy Ella, nasasakal ako ah!" reklamo niya. "Sorry, masaya lang ako. Teka?" sabu ko at napakunot ang noo niya. "Bakit?"

"Pano yung mga away na ginawa mo, totoo yun di ba?" Humagalpak naman siya sa tawa at hinampas ako. "Ouch!" reklamo ko. "Palabas lang din yun 'no! Binayaran ko sila. Mga mukhang pera nga eh." napairap pa si Athea hababg sinasabi niya iyon. "Namiss talaga kita, Athea." at niyakap ko ulit siya.

"Namiss din naman kita eh. Naninibago nga ako kapag wala ka." sabi niya. "Bakit pala para sakin yung plano? Pwede namang sa iba."

"Para magbago ka. Para maging mabait ka. Gusto ko kasing maging matino na ang bestfriend ko!" bulyaw niya sakin kaya ako naman ang napairap.

"Para namang pinapalabas mong hindi ako matino."

"No, it's not like that. What I mean is para bumait ka na, para hindi ka na puro pakikipag-away dyan." Inirapan ko ulit siya. "Alam ba 'to ni Clyde?" tanong ko at ngumiti naman siya. "Of course." biglang litaw ni Clyde sa likod ni Athea. "Kanina ka pa dyan?"

"Oo." sagot ni Clyde at nagpeace sign pa. "Pasaway talaga kayo. Bakit di mo sakin sinabi?"

"Plano nga eh." sabay irap sakin ni Athea. "Y-Yung kay Gino.. Plano din ba 'yon?" tanong ko pero katahimikan..  Isang nakakabinging katahimikan ang naging sagot nila.

Napangiti ako ng mapait. Totoo pala talaga 'yon..

"Sorry, Ella." sabi ni Athea at nakita ko ang mukha niyang napakalungkot.  "You don't have to say sorry."

"Pero.."

"Don't worry. Okay lang talaga." paninigurado ko. "Are you sure?" tanong niya.

"Ehem!" Lumingon naman kasing tatlo kay Mico. Nakalimutan ko tuloy na may kasama pa pala ako. Lumapit ako kay Mico at ipinakilala siya. "Athea, boy bestfriend ko si Mico Rivera. Mico si Athea Fortaleza."

"Hi." sabay nilang sabi. Si Mico at Clyde, magkakilala na yan. Bestfriends sila eh. Galing din kasi sa Korea 'tong si Clyde. Tapos, magkapitbahay sila slash classmates slash BESTFRIENDS. O diba? Lahat kami may bestfriends.

"Oh? Back to topic na tayo!" agad na sabi ni Athea. "Topic na ano?" tanong ko. "The BH portion. That you need to forget, right?" napaawang naman ang labi ko at tumango-tango.

"Magdate kayo ni Mico. Bagay naman kayo eh." Agad na nanlaki ang mga mata ko? Date? OMG, Athea! Wag ganyaaaan! Crush ko pa naman 'tong bestfriend ko.

"Oh bakit ganyan ang reaksyon? Hindi makapaniwala sa sinabi ko, ganon?" tanong ni Athea sakin. Umakbay naman sakin si Mico at inilapit pa ko sa kanya. "Don't worry guys, walang problema 'yon kay Ella. Swerte na siya kasi ang gwapo ko." Agad akong napairap sa kanya. Hangin niya talaga kahit kailan. "Shut up, Mics. Cute ka at hindi gwapo." napanguso naman siya dahil sa sinabi ko kaya napangiti ako. Ayaw niya kasi ng sinasabihan siyang cute, gusto niya ay gwapo or pogi lang.

Narinig ko naman ang paghagikhik ni Athea. "You're so cute guys! Kung totohanin niyo na lang kaya ang pagdidate niyo?" napanganga naman kami ni Mico sa kanya.

Tumawa naman ulit si Athea. "Ella, bagay kaya kayo ni Mico. Wagi ka na dyan sa kanya." sabi ni Athea kaya ang bestfriend kong si Mico ay grabe ang ngisi. "Oh, narinig mo yun? Bagay daw tayo." nilingon ko naman siya para irapan at sobrang nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Why did he kissed me in front of Athea and Clyde?

Agad ko siyang hinampas salikod kaya kanda aray naman siya. "Nakakailan ka na sakin ah!" reklamo ko.

"OMG! Did you just kissed her sa lips? Bestfriends lang ba talaga kayo? O bestfriends with benefits?" Agad ko namang pinitik si Athea sa noo niya. Yes, sa lips ako kiniss ni Mico. "We're just bestfriends okay? Ganyan lang talaga yan si Mico, bata palang kami. And we're not bestfriends with benefits, Athea. Mygad!"

"And you're okay with that?" Nanlalaki ang mata na tanong ni Athea. "N-No! Siya lang 'tong laging nagnanakaw ng kiss sakin." sabay irap ko kay Mico.

Pinanliitan naman ako ni Athea ng mga mata. "Fine. Mauuna na kami sa room, ayokong malate dahil sayo." sabi ni Athea at hinila na palabas si Clyde.

I just wondering, bakit ang tahimik ni Clyde? Is he jealous because of Mico? Nah. But he likes me at sinabi ko pa kay Gino na siya ang boyfriend ko. Anyway, what's new? Marami naman akong nagiging boyfriends.

"Ella, let's go. Hahatid na kita sa room niyo" aya sa akin ni Mico pero umiling lang ako. Kumunot naman ang noo niya. "Bakit?" tanong niya sakin. "I don't want to attend my class today."

"Then, what will you do now?" nagtatakang tanong ni Mico. "Let's go on a date." nakangiti kong sabi sa kanya atsaka siya hinila.

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon