Chapter 7: Sorry

2.2K 64 0
                                    

Athea's Point of view


Pagkalabas ni Ella, pinunasan ko na yung mga luha ko. Baka kasi biglang pumasok si Mama at tanungin pa ko kung anong nangyari. Mahirap mag-explain. And speaking of, andito siya. Kinuha niya yung bag ni Ella at inabot ata kay Ella? Isinarado niya na yung pinto at lumapit sakin.


"Anak? May dapat ka bang sabihin sakin?" tanong sakin ni Mama. Tumulo naman agad yung mga luha ko. "Sorry, Ma. Sorry kung di ko nasabi sa inyo. Sorry po talaga." niyakap niya ko. "Okay lang yun anak. Di naman talaga maiiwasan na maglihim ang isang tao eh. Pero, totoo ba na may boyfriend na ang anak ko?"


"O-Opo."


"Anong pangalan niya?"


"Alexis po. Alexis dela Vega."


"Isa siyang dela Vega?" gulat na tanong ni Mama sakin."Opo. Bakit po ganyan reaction niyo?" pagtataka ko. "Siya ba yung anak nila Lexi and Alex dela Vega?" tumango naman ako. "Bakit niyo po sila kilala?"


"Kaibigan kasi namin yung mga magulang niya."


"Ah.." Tumingin ulit ako kay Mama. "Ma? Asan po si Ella? Bakit di na siya bumalik? Sabi niya, kukuha lang daw siya ng tubig."


"Ah.. May emergency daw sa kanila. Kaya di na siya nakapagpaalam sayo."


"Ganun po ba? Sandali lang po. Tatawagan ko lang siya." kukunin ko na sana yung phone ko ng bigla akong pigilan ni Mama. "Ma? Bakit po?" pagtataka kong tanong. "Wala." at binitawan na niya yung kamay ko. "Baka kasi gusto niya munang makapag-isip-isip." dagdag niya.


"Sige po. Gagawa na lang po muna ko ng homework ko."


"O sige. Pagbutihin ang pag-aaral ah?"


"Opo." nginitian na lang ako ni Mama at umalis na sa kwarto ko. Napapaisip pa rin ako kung bakit umalis si Ella ng di man lang nagpapaalam sakin. Hindi naman siya ganun kapag may emergency sa kanila eh.


Kinuha ko yung phone ko at tinext si Ella.


To: Ella

Ella? Anong emergency yung nangyari diyan? Di ka man lang nagpaalam sakin. Nakakatampo ka ha!


At sinend ko na sa kanya. After 10 minutes, di pa rin siya nagrereply. Ano kayang nangyari?


Napabuntong-hininga na lang ako at napagdesisyunan na gumawa ng homeworks.


Ella's Point of view


10:15 na. Pero di ko pa rin mapigilan yung sarili ko na hindi umiyak. Nakakainis naman kasi eh. Sana pala, di ko na lang pinili yung ganitong ugali. Yung maging Playgirl. Pati tuloy yung bestfriend ko na tinuturing kong kapatid, wala na sakin. Bawal ko ng kausapin.


-----


5 a.m. ako nagising. Di ko namalayan na nakatulog na pala ko kagabi. Siguro, sa sobrang pagod ko yun sa pag-iyak. Kumilos agad ako para ihanda yung sarili ko. May pasok eh. Aagahan ko na rin yung pag-aalis para si ako maabutan ni Athea dito. Sigurado kasi akong susunduin niya na naman ako eh.


After one hour, tapos na ko. Kumain akong mag-isa. Tulog pa kasi sila eh. Mga katulong pa lang yung gising. *Beeep Beeep*


"Ma'am Ella, may naghahanap po sa inyo sa labas." sabi sakin ng isa sa mga maids namin. "Sino?" matamlay kong sagot. "Si Sir Gino daw po." Napaubo naman ako bigla. "Pasabi, sandali lang." sabi ko. Pagkatapos kong kumain, kinuha ko na yung gamit ko at lumabas. Bumungad naman sakin yung pagmumukha ni Gino. "Why are you here?" pagmamataray kong tanong. "Susunduin ka." sagot niya. "And why?"


"Wala lang. Masama ba? Sakay na." lumapit naman ako sa kanya para sumakay na sana kotse niya. Pero, bago ako pumasok sa sasakyan niya, nagsalita siya. "Bakit ang laki ng eyebags mo?" Tiningnan ko naman siya ng masama. "Pakelam mo?" at sumakay na ko sa kotse niya. Napailing na lang siya at sumakay na din sa sasakyan. Oo nga pala, may driver siyang kasama. Di pa pwede. Nang makarating kami sa school, bumaba ako kaagad. Pero sumunod lang sakin si Gino.


"Ella, hatid na kita sa room niyo." sabi niya sakin."No thanks. Di ako papasok."


"Bakit?"


"Magkacutting ako."


"Hindi ka pwedeng magcutting. Sige ka, isusumbong kita sa kuya mo." Tiningnan ko naman siya ng masama. "EH DI ISUMBONG MO!" paalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "ANO BA?" sigaw ko. "Ano bang nangyayari sayo? Di ka naman nagkacutting ah?"


"None of your business." at tinabig ko na yung kamay niya.


"Aray! Ano ba? Masakit! Tigilan niyo nga ako!" napalingon naman kami ni Gino sa sumisigaw. My Ghad, Athea! Lalapit na sana ko para tulungan si Athea pero napatigil ako nung pagkahakbang ko. Naalala ko bigla yung sinabi ni Tita Ruth na wag ko ng lalapitan si Athea. "Ella, ano pang ginagawa mo diyan? Hahayaan mo lang ba na inaapi nila si Athea?" sabi ni Gino. Napakuyom naman agad yung mga kamay ko. Nanggagalaiti ako sa nakikita ko. Tangina nitong mga clown na 'to. Tumingin naman ako kay Gino. "Do me a favor. Tulungan mo siya." sabi ko. "Ha? Bakit ako?"


"Just- please." sagot ko at saka umalis. Sorry, sis. But I need to do this. Umalis kaagad ako kahit papalapit palang si Gino sa kanya. Dumiretso ko sa Greenhouse ng campus at pumikit. Unti-unti namang tumulo yung mga luha ko.


Athea's Point of view


Nagdoorbell agad ako ng makarating ako kila Ella. Gusto kong sabay kaming pumasok at para na rin malaman ko kung anong emergency sa kanila kahapon. "Oh Athea? Bakit ka nandito?" tanong sakin ni Tita Lea. "Si Ella po?"


"Kanina pa siya umalis. Ang aga nga daw sabi nung mga maids namin eh."


"Ayy, ganun po ba? Sige po, thank you." gusto ko pa sanang tanungin kay Tita Lea kung ano yung emergency sa kanila kagabi. Kaya lang, baka magmukha naman akong chismosa.


-----


Pagdating ko sa school, hinarangan agad ako ng mga babaeng nang-away sakin nung isang araw. "E-Excuse me, dadaan lang ako." sabi ko sa kanila. "Hindi. Hindi pa tayo tapos." sabi nung isang babae at sinabunutan ako. "Aray!" sigaw ko. Tapos sinampal naman ako nung isa pang babae. "Ano ba? Masakit!" pagrereklamo ko. Inulit-ulit pa nila yun. "Tigilan niyo nga ako!" sabi ko ulit sa kanila. Nakita ko naman si Ella pero nakita kong nakatingin lang siya samin tapos bigla siyang umalis. Dumating naman si Gino para tulungan ako.


Anong nangyayari? Bakit siya ganun? Bakit siya biglang umalis?


"Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Gino. Tumango na lang ako kahit hindi. "G-Gino? Anong nangyayari kay Ella?" tanong ko. "Hindi ko nga alam eh."

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon