Chapter 12: Boyfriend

2K 47 1
                                    

Ella's Point of view


"Gino." tawag ko sa kanya. "Ano yun?"


Pano ko ba itatanong sa kanya? "Do you have crush ba dito sa campus?" tanong ko ulit kaya nabulunan siya. What are you doing ba, Ella? Ugh!


Andito nga pala kami sa bahay dahil hinatid niya ko. Eh saktong kumakain sila Kuya kaya niyaya nila si Gino. Pero ngayon, kaming dalawa na lang yung nandito dahil tapos na silang kumain.


Agad ko siyang inabutan ng tubig. "Bakit mo naman na tanong yan?"


Pano ko ba lulusutan 'to? "M-May narinig lang kasi ako kanina sa room na ganyan yung topic." natigilan naman siya saglit at saka sumagot. "Meron."


"Talaga? Sino?"


"Close friend ko." Ayy.. WAIT! Bakit ba parang disappointed ako? Ughhh! Bakit ko pa kasi tinanong?


"Gino!" tawag ni Kuya sa kanya. Lumingon lang si Gino at lumapit si Kuya. "May ginagawa bang kalokohan 'to si Ella sa school niyo?" tumingin naman sakin si Gino at mukhang hindi alam yung isasagot. "Pano naman ako makakagawa ng kalokohan sa school? Eh bantay sarado ako niyang boyfriend ko-" SH*T. Bakit ko ba nasabi 'yon? "Boyfriend? Boyfriend mo 'to si Gino?" gulat na tanong ni Kuya.


"Pasensya na Kuya, di namin agad nasabi sa inyo." I'll kill talaga, Gino!


"Mabuti naman at ikaw ang napili na maging boyfriend nitong kapatid ko. Alagaan mo 'to ah!" sabay akbay sakin ni Kuya. "W-Wait? Approved sayo si Gino?" tumango-tango naman si Kuya.


"Oo naman, kuya Keith! Aalagaan ko 'tong si Ella!" sabi ni Gino sabay akbay pa sakin. "Sir Keith, may tawag po kayo." sabi nung isa naming maid kaya umalis naman si kuya para sagutin 'yon. Agad ko namang hinampas si Gino sa braso. "Aray! Bakit ka ba nang hahampas?" reklamo niya. "Bakit mo sinabi yun?"


"Ang alin?"


"Na boyfriend kita."


"Ako daw? Eh ikaw kaya yung nagsabi no'n. Buti nga sinakyan ko yung kalokohan mo eh." sabay ngisi niya kaya sinipa ko siya. Napa-aray naman siya dahil do'n. "I hate you, Gino Valdez!" Inakbayan niya naman ako. "Ito naman, okay lang yun. Tingnan mo, okay na okay nga ako sa kuya mo eh." sabay tawa niya. Hinampas ko naman siya sa tiyan niya para magtigil siya. "Aysh! Sadista ka talaga!" sabay layo niya sakin. "Hatid mo na nga ko sa labas."


"You're too old para ihatid pa kita sa labas."


"Aww. Hindi ata ako mahal ng GIRLFRIEND KO eh." So, talagang pinagdidiinan pa niya na girlfriend niya ko. Ngumiti naman ako at saka kumapit sa braso niya. "Sige na nga. Kawawa naman yung BOYFRIEND KO." naglakad na kami palabas ng bahay at pumunta sa kotse niya.


"Oh, ingat sa byahe BOYFRIEND KO ha?" Pabiro kong sabi sa kanya. "OPO. GIRLFRIEND KO." tangina. What was that? Bakit niya ko hinalikan sa lips? Nahihibang na ba siya? "Ba-bye, GIRLFRIEND KO!" sabay wave niya ng kamay niya sakin.

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon