Athea's Point of view
Hinatid na ko ni Gino sa room namin. Total, magkatabi lang naman ang rooms namin eh. Pero asan na kaya si Ella? Nag-aalala na tuloy ako sa kanya. Di kasi siya pumasok buong araw.
Nung magdismissal na, bigla namang may tumawag sakin. "Oh? Gino? Nakita mo ba si Ella?"
"Hindi, hinahanap ko nga rin siya eh."
"Asan na kaya siya?"
"Teka, di ba siya pumasok sa klase niyo?"
"Hindi eh. Kaya nga nag-aalala na ko sa kanya. Baka kung ano nang nangyari dun."
"Wag kang mag-alala, kaya niya yung sarili niya. Alam mo naman magaling yun makipag-away eh." sabay ngiti sakin ni Gino. Nginitian ko lang rin siya at nagsalita ulit. "Gino, tingnan kaya natin sa Greenhouse? Baka nandun siya ngayon."
"Tara." Pagdating namin sa Greenhouse, nakita ko kaagad si Ella na nakaupo pero natutulog. "Ella!" tawag ko sa kanya. Pero di siya nagising. Nilapitan ko na siya at niyugyog. Pero yung hindi yugyog na yugyog ah. Yung sakto lang naman hehe. "Ella, gising."
"Hmm.." nagising naman na siya at pagkakita niya sakin, bigla niya na lang akong tinulak.
Ella's Point of view
"Hmm.." Ano ba naman yan? Sino ba 'tong nanggigising sakin? Unti-unti kong minulat yung mga mata ko at nagulat ako nang makita ko si Athea kaya bigla ko siya naitulak.
"Ella.. May problema ba?" tanong sakin ni Athea. Napayuko lang ako. Di ko alam kung anong isasagot ko. Pero isa lang ang alam ko.. Dapat ko na siyang layuan. Kaya dapat may gawin ako. "Ella.. Bestfriend mo ko di ba? Anong nangyayari? Bakit di ka pumasok? Bakit di mo ko pinagtanggol kanina sa mga nang aaway sakin? Anong nangyayari sayo? Magsalita ka naman." sabi ni Athea.
"You know what? Di naman talaga kita bestfriend eh, pinagtitiisan lang kita. Ayokong sumama sa mga katulad mo. Isang nerd, isang lampa, hindi marunong lumaban, ano pa ba? Siguro mas madami pa. Ay tama! Meron pa! DUWAG! Model nga, pero di naman kayang iharap ang sarili sa maraming tao. Hindi ko nga alam kung bakit kita napagtiisan ng ganun katagal eh. Natatawa na lang nga ako. Kasi tanga-tanga ka! Ni hindi mo alam, pinaplastic lang pala kita. Ni hindi mo alam, ginagago lang kita. Kaya pasenayahan tayo. Simula ngayon, wag ka nang magpapakita sakin. Wag mo na kong kakausapin. At wag kang magfeeling close. Kasi, baka magulat ka kapag pinahiya na kita sa harap ng maraming tao."
"Tama na Ella, please.." sabi ni Athea habang umiiyak. Tumawa naman ako. Sorry, sis. "Baliw ka na ba? Nakikiusap ka sakin? Bakit? Ayaw mong makarinig ng masasamang salita galing sakin? Bakit? Dahil nasasaktan ka na?"
"Tama na.."
"Gusto mo kong tumigil?" tumango naman siya habang umiiyak pa din. "Kung gusto mo kong tumigil, umalis ka na dito sa harapan ko. Dahil hindi ako titigil hangga't nandyan ka. Kaya alis na! Ali-" nagulat naman ako nang bigla akong sampalin ni Athea, pero ngumiti lang ako.
"ANO BANG NANGYAYARI SAYO? BAKIT KA NAGKAKAGANYAN? ALAM KONG HINDI IKAW SI ELLA! ALAM KONG HINDI YAN ANG UGALI NI ELLA! DAHIL ALAM KONG MASAMA SI ELLA PERO HINDI NIYA MAGAGAWANG SABIHAN AKO NG MASASAKIT NA SALITA! AT HINDI NIYA MAGAGAWANG.. Hindi niya magagawang.." wala na kong ibang choice kaya sinampal ko na siya bago siya magsalita ulit.
"Ella, please.. Bumalik ka na sa dati. Di ko kayang mawala yung bestfriend ko."
"Baliw ka na ba? Sa tagal-tagal nating magkasama, ni minsan di ko pinakita yung ganitong ugali ko sayo. Dahil nga pinaplastic lang kita!" Sa pangalawang sampal sakin ni Athea, nagsalita ulit siya. "Tandaan mo 'to! Magsisisi ka na ginawa mo sakin 'to! Magsisisi ka na sinaktan mo ang bestfriend mo!" at umalis na siya.
Napaupo naman ako sa kinakatayuan ko. "Anong dahilan?" napatingin naman ako sa harap ko. "G-Gino.."
"Bakit mo ginawa kay Athea yun?"
"Dahil 'yon yung gusto ni Tita Ruth."
"Yung mommy ni Athea?" tumango lang ako sa kanya. Mayamaya, naramdaman ko na lang na yakap-yakap niya na pala ko. "Tumahan ka na. Andito pa din naman ako eh." Tumahan? Hinawakan ko yung mata ko. Natawa ako bigla. "Umiiyak na naman pala ko. Nakakatawa talaga.."
Athea's Point of view
Sa pangalawang sampal ko kay Ella, nagsalita ulit ako. "Tandaan mo 'to! Magsisisi ka na ginawa mo sakin 'to! Magsisisi ka na sinaktan mo ang bestfriend mo!" at umalis na ko. Bakit ba siya nagkakaganun? Bakit?
Dahil sa pagtakbo ko ng hindi tumitingin sa daanan, may nakabangga ako. "Ouch! What the heck? You again?" sabi ni Trixie. Yung isa sa mga nang-away sakin kanina. "Sorry.." sabi ko. Aalis na sana ko ng hilahin niya yung buhok ko. "Are you f*cking crazy!? Magsosorry ka lang? What do you think? Matatanggap ko yun?" sigaw sakin ni Trixie. "Bitawan mo ko!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya pa din ako binibitawan. "ANO BA? WALA KONG BALAK MAKIPAGGAGUHAN SA INYO!"
"Aba! Marunong na palang lumaban ang duwag ngayon?" sabi niya pero sinampal ko na siya kaagad dahil sa sobrang inis ko. "What the-? Bakit mo ko sinampal!? Wala kang karapatang gawin yun sakin!" akmang sasampalin niya naman ako pero pinigilan ko siya at sinampal ko ulit.
"KARAPATAN? Tama ka nga siguro! Wala akong karapatang sampalin ka! Pero mas wala kang karapatan, para api-apihin ako!" at saka ko ulit siya sinampal. "Hoy! Nakakatatlo ka na ha!"
"Kulang pa yan! Kulang pa yan para sa mga ginawa niyong pang-aapi sakin!" aalis na sana ko pero binalikan ko ulit si Trixie na nakaupo na sa sahig. Umupo naman ako at hinawakan yung chin niya. "Remember this Trixie, I will show you na never mo na kong masasaktan ulit." pagkatapos ko 'tong sabihin sa kanya, tumayo na ko at umalis.
BINABASA MO ANG
The Heartless Princess (Revising)
Fiksi RemajaChristella Mae Maralla, also known as Ella. She's almost perfect daw pero maarte, mataray at mahilig mamahiya. She really don't care if they don't like her. What she wants to do? To play with boys. Yes, she's a playgirl. But she's like an angel when...