ELLA's POV
"Baka kung saan mapunta yan ah?" agad ko namang naitulak si Mico dahil sa lalaking nagsalita. W-Wait? "Rence?" tawag ko sa kanya at ngumisi naman siya. "Did I disturb you?" tanong niya samin. "H-Hindi-- by the way, why are you here?" tanong ko sa kanya. "Visiting my cousin?" sagot niya habang nakatingin kay Mico. "Y-You mean, si Mico?" tumango-tango naman siya bilang sagot at prenteng umupo sa couch.
"What's your relationship with Mico?" tanong niya at in-on yung tv. "We're bestfriends." sagot ko at kumunot ang noo niya. "Magbestfriend na naghahalikan? Hmm.. Interesting." binatukan ko naman siya dahil sa naging sagot niya. "Shut up, Rence."
"I thought you're in a relationship with Gino?" napairap naman ako dahil sa tanong niya. "He's not my boyfriend, Rence."
"Really? Well, kuya Keith told me that." sagot niya at inilipat ang channel. "Ang daldal talaga." bulong ko. "Tama na nga yan." sabi ni Mico at tiningnan ang paper bag na nasa tabi ni Rence. "What's that? Pasalubong ba yan?" tanong niya kay Rence pero umiling lang 'to ng medyo natatawa pa. "It's a gift."
"Gift for who?" tanong ko. "Athea." Oh, geez. "It's her birthday next week." Napatayo ako kaagad dahil sa sinabi niya. "I need to go." paalam ko sa kanila pero pinigilan ako ni Mico. "Where are you going?" tanong niya sakin. "Mall. Kailangan kong bumili ng pangreregalo kay Athea."
"So you forgot?" tanong ni Rence kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Shut up, Rence. Baka di ko mapigilang i-stapler yung bunganga mo." sabi ko at kinuha ang gamit ko. "I'll go with you." sabi ni Mico. "How about me?" tanong ni Rence. "You can take care of yourself. Tara na, Ella." aya ng bestfriend ko.
-----
"What will I buy to her?" natataranta kong tanong kay Mico. "I don't know. Wala naman akong alam sa mga gusto ng mga babae eh." inirapan ko si Mico dahil sa sinabi niya. "Why did you come with me kung wala ka din namang matutulong sakin?" inis kong sabi kaya inakbayan niya naman ako. "Sungit naman ng bestfriend ko eh." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. "Ang PDA mo, Mics!"
"Oh?" napatingin naman ako kay Mico. "What?" tanong ko sa kanya. "Pinsan mo 'yon diba?" sabi niya habang nakaturo sa isang babae. "Oo nga, but who's that guy?" tanong ko at lumapit sa kanya. "Couz!" tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sakin. "Ate Ella!" masaya niyang bati atsaka ako niyakap. "Who is he?" tanong ko at itinuro ang lalaking kasama niya. "Si Alden, classmate ko." nakangiti niya sabi sakin.
Kung iniisip niyo kung bakit ko kinakausap si Gelic ngayon ay dahil wala akong balak na idamay siya sa nararamdaman ko kay Gino. Yes, she likes him pero that doesn't mean na magagalit ako sa kanya.
"Anong classmate? Manliligaw mo ko 'no." sabi ni Alden at ngumiti sakin. Napatango-tango naman ako at tumingin ulit kay Gelic. "Actually, I need your help." sabi ko sa kanya ng nakangiti. "Help po saan?" tanong niya. "I don't know kasi kung ano ang ireregalo kay Athea." mukhang nag-isip naman agad si Gelic atsaka ngumisi. "Why don't you give her a bracelet? Total, magbestfriend po kayo diba? Find a friendship bracelet." sabi ni Gelic. "Thank you!" sabi ko at tinapik siya atsaka ko naman hinila Mico papunta sa mga jewelry shop.
GINO's POV
"Tangina!" sigaw ko at itinapon ang bote sa pader na nasa harap ko. "Pre, tumigil ka na sa pag-inom mo dyan." sabi sakin ni Alexis. Kanina niya po ko pinipigilan pero ayoko pang umuwi dahil naiinis lang ako lalo sa sarili ko.
Bakit ba kasi may kasama siyang lalaki? Gumaganti ba siya? Tangina talaga!
"Kuya!" tumingin ako sa babaeng nakatayo sa pinto. "What are you doing? Bakit ka nagpapakalasing?" bulyaw sakin ng kapatid ko na si Scarlet. "Umuwi ka na dahil hindi ako uuwi." sabi ko sa kanya. "No! You should go with me!"
"Go home, Scarlet!" sigaw ko sa kanya dahil naiinis na talaga ko. "What's your problem ba? Why are you like that?" bulyaw niya sakin. "Anong problema ko? Si Ella! Si Ella ang problema ko dahil may kasama siyang ibang lalaki!"
"Kuya stop loving Ella! She's not worth it and wala siyang kwenta! Kung sinabi man niya na gusto ka niya, bakit siya may kasamang iba? Bakit siya lumalandi sa ibang lalak--" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil nagawa ko nang sampalin ang kapatid ko.
"GINO!" sigaw ni Alexis. "K-Kuya?" naiiyak na sabi ni Scarlet.
"S-Sorry.." sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Why I can't forget her? Dahil ba mahal na mahal ko siya? Bakit ang unfair ng mundo? Bakit kailangan kong pakawalan ang taong mahal ko dahil sa bestfriend ko? Hindi ko naman mahal si Gelic eh.. Si Ella lang, siya lang yung mahal ko.." sabi ko at pinunasan ang mga luhang dumaloy sa mukha ko.
"K-Kuya.. I-I'm so sorry.." sabi ni Scarlet at niyakap ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/5305413-288-k707632.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heartless Princess (Revising)
Novela JuvenilChristella Mae Maralla, also known as Ella. She's almost perfect daw pero maarte, mataray at mahilig mamahiya. She really don't care if they don't like her. What she wants to do? To play with boys. Yes, she's a playgirl. But she's like an angel when...