Chapter 15: Scarlet

1.7K 41 0
                                    

Gino's Point of view


"Mahal din kita, Gino!" Yan ang sinigaw na salita ni Ella kaya ako napatigil sa paglalakad ko. Totoo kaya? Totoo nga ba talaga? Tss. Ang gay pakinggan. Narinig ko ang pagtakbo ni Ella papunta sakin at hinawakan ang kamay ko. "Gino.. Ano.." sabi ni Ella habang nakayuko. "Wag mo na lang pansinin yung sinabi ko kanina." pagkasabi niya nun, dumiretso na agad siya sa kotse namin.


-----


"Thanks sa time ah? Nag-enjoy ako. Oo nga pala, bukas ko na lang ibabalik 'tong damit ng kapatid mo. Papalabhan ko muna." sabi ni Ella at pumasok na sa bahay nila. Ang saya ng araw ko ngayon. Inamin niya na mahal niya din ako.


Pagdating ko sa bahay. "WHERE'S MY FAVORITE DRESS!?" sigaw na nanggagaling sa room ni Scarlet. Mayamaya, nakita ko na siyang padabog na bumababa papunta sakin. "Kuya!" sigaw niya. "Bakit?"


"Asan na yung kumuha ng dress ko!?" Si Ella siguro ang tinutukoy niya. "Nasa bahay nila."


"Errr! What the eff is that kuya!? Bakit mo pinahiram yung dress ko!? At yung favorite ko pa!" singhal niya sakin. "Ibabalik niya naman bukas eh. Tyaka.."


"Stop it, Kuya! I don't need your explainations!" at padabog ulit siyang umakyat sa kwarto niya. Maldita talaga 'tong kapatid kong si Scarlet. Siguro, nagtataka kayo kung bakit na siya nandito? Hindi ko kasi alam na ngayon pala siya uuwi. At sigurado akong baka, mamaya o baka ngayon na eh..


"GET OUT!!" Sumigaw na siya. Sinigawan na naman niya yung isa sa mga katulong namin. Hanep talaga 'tong kapatid ko. Akalain niyo yun? Siya lang yung ganyan ang ugali saming tatlo? Inispoiled kasi ni Dad eh.


Scarlet's Point of view


DAMN! Kapag nalaman ko lang talaga kung sino yung kumuha ng favorite dress ko, I'll put her face in the mud talaga!


Well, let me introduce myself. I'm Scarlet Valdez, pangalawa sa magkakapatid. Pinakamataray din. Oo nga pala, isa akong babae na sobrang hilig sa fashion. Lahat ng gusto kong damit, nakukuha ko. Spoiled ako sa Dad ko eh. Anyway, balik tayo sa kumuha ng damit ko. Nakita ko yung isang uniform na nakapatong sa kama ko. Nakatupi at katabi ng isang bag. "Kanino kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko. Pagkatingin ko sa ID nung may-ari nito, ganito ang reaksyon ko..


S-Siya ang kumuha ng dress ko? Yung pinakaayaw ko na model!? Si Christella Mae Maralla? Arrgh! Anong koneksyon niya kay Kuya!? Pumunta agad ako sa room ni kuya at pumasok ng wala man lang katok-katok. "Kuya!" sigaw ko.


"Bakit na naman!?"


"Anong koneksyon mo dun sa Christella Mae Maralla na yon!?"


"Si Ella? Kai-" bago pa man makapagsalita si Kuya ng buo, lumitaw si Misty sa tabi ko. "She's Kuya Gino's girlfriend!" sagot niya. "WHAT?" Argh! Umalis agad ako sa room ni kuya at bumalik sa room ko. "I have to do something. Kailangang magkahiwalay sila ni Kuya. Ayokong maging parte ng pamilya ko yung Christella na yon!"


Ella's Point of view


"Ella, bakit wala ka atang dala na gamit?" tanong sakin ni Carl ng makita niya ko na pumasok sa loob ng campus namin. "Ah.. Nakila Gino eh."


"Bakit nakila Gino?"


"Namasyal kasi kami kahapon kasama yung kapatid niyang si Misty."


"Eh, ano yang dala mong paper bag?"


"Ah! Ito ba? Dress 'to nung kapatid niya na si Scarlet."


"Pano ka magsusulat kung wala kang dala na gamit?"


"Dadalhin na lang daw yun ni Gino."


"Ah.."


"Sige, una na ko. Babye!" sabay kaway ko sa kanya. Pagpasok ko sa room namin, nakita ko sila Athea at Clyde na magkatabi. Napapangiti na nga lang ako kapag nakikita ko yung bestfrie- Ay, mali. Dati kong bestfriend na masaya. Mabuti na lang at nandyan si Clyde na mapagkakatiwalaan ko na makasama ni Athea. Kinausap ko siya noon, na siya na ang bahala kay Athea na magbantay. Kung titingnan ng mabuti, parang sila na nga eh. HAHA. Ewan ko ba, pero feeling ko talaga eh.


Umupo na ko sa upuan ko at tumingin na lang sa bintana. Nagsimula na ang klase pero tinatamad talaga akong makinig ngayon. Aysh! Naaalala ko na naman yung sinabi ko kay Gino kagabi. Hindi ko alam na masasabi ko ulit yung mga salitang yun. Galit pa kaya siya sakin o nagtatampo? Tsk. Mababaliw na ko dito kakaisip kay Gino eh.


-----


Papunta na ko sa parking lot ng school namin para pumunta sa kotse ko. Nag-aantay na siguro si Manong Jules - Driver ko.


Nang malapit na ko, bigla akong may nakabangga na babae. Sino ba 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan? Nahulog tuloy yung mga books ko. "Ughh! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!?" sigaw sakin nung babae. Pagtingala ko..


WHAT THE-? BAKIT SIYA NANDITO?


"Scarlet?"

The Heartless Princess (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon