"Anong nangyayari sa loob?" Tanong ni Jin oppa sa student.
"Si Nayangjo at Taehyung nag aaway. Inaawat nina Jungkook hindi maawat." Sabi ng lalaki.
Agad kaming tumakbo sa cafeteria.
Tumakbo agad sina Jin oppa at Yugyeom kay Taehyung para awatin.
Habang sila Junior naman at Mark kay Nayangjo.
Napaka basagulero talaga nitong si Taehyung.
"Hyung! Hindi namin sila maawat"sigaw si Jimin habang inaawat si Nayangjo.
"Napaka tarantado mo Taehyung!" Sigaw ni Nayangjo habang kaming mga babae walang magawa kundi tingnan na lang sila. Si Mika natutulala na lamang sa nangyayari.
"Gago ka! Yangjo! Wala kang respeto sa mga babae!" Sigaw naman ni Taehyung.
Ano bang nangyayari?
"Hindi ba kayo tatahimik?!" Sigaw ni Jin oppa. Hindi pa rin nanahimik ang dalawa. Biglang tinapon ni NamJoon oppa si Taehyung sa lamesa...
Asan galing ang mokong?!
Napatahimik ang lahat ng tao sa cafeteria pati ang mga tindero't tindera napatahimik sa ginawa ni Nam oppa.
"Nag iiskandalo kayo dito?! Alam niyo ba kung anong mangyayari sa inyo? Lalo't lalo na kung malalaman ito ng Chairman!" Sermon ni Namjoon oppa.
Si Namjoon oppa ang President sa student council, matalino, wais at napaka talentadong tao. Matalik na kaibigan ni Jin oppa.
"Hyung naman! Di mo naman kailangan ihagis ako sa lamesa!" Sigaw ni Taehyung habang itinatayo ang kaniyang sarili
"Buti nga sayo! Ulol!" Sumbat pa ni Yangjo. "Isa pa Yangjo, At ikaw ang isusunod kong itatapon" kalmang sinabi ni Nam oppa.
"Anong kaguluhan ito?!!!" Bulantad ng Prefect of Discipline namin na si Mr. Levi
Hay nako! Patay ka na naman Taehyung. Napaka troublemaker mo talagang Alien ka.
"You two! (Referring to Nayangjo and Taehyung) At my office now!" Sigaw ni Mr. Levi.
Umalis agad ang dalawa sa kintatayuan nila.
Pinuntahan ko kaagad si Mia at tinanong. "Ano bang nangyari?" Tanong ko.
"Si Nayangjo naman kasi eh, napaka clingy kay Mika ehhh, para nababastusan na si Taehyung oppa. Kaya hinablot niya agad ang polo shirt ni Yangjo!" Sagot ni Mia.
"Anong ba kasi ginawa ni Nayangjo?" Tanong ko.
"Biglang Inakbayan si Mika" sagot ni Mia.
Sensitive talaga si Taehyung when it comes sa mga binabastos na babae. Si Taehyung yung tipong trouble maker, tarantado pero may respeto sa mga babae. Lalo't lalo na sa amin na kaniyang mga kaibigan.
Hindi ko rin masisisi si Taehyung dun.
"Huy, Mika? Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya.. kanina pang namumutla..
"Tubig ohh" sabi ni Saejin as she hand it over to Mika. At ininom ito.
"Woah, that was a commotion!" Sabi naman ni Jiho oppa. Malamang. Luh!
Pinuntahan ko na muna sina Junior at Mark, sila ang magkasama ngayon sa table, ibang mga councils pumunta na muna sa office nila.
"Puntahan ko muna sina Junior" sabi ko sa mga babae.
STUDENT COUNCILS:
President - Kim NamJoon
Vice President - Kim SeokJin
Secretary - Jung JiHo
Treasurer - Jeon Jungkook