Chapter 17: What's going on?

20 1 3
                                    

SENA'S POV

"Ano bang problema mo?" Sambat ko kay Miyo.

"Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin, huwag mong isarili" sagot niya.

Aba! Sino ba ito. Napaka feeling close mo naman.

He suddenly grabbed my wrist at dinala ako sa Secret Lair, yun yung lugar kung asan nagtatambay ang kanilang mga barkada.

"Huy! Ano bang problema mo?!" I exclaimed.

"Mag kuwento ka na." Mahinahong Sabi niya..

"At aber! Ano naman ang ikukuwento ko sa iyo ha?!!" Pagmamaldita ko.

"Ikaw lang ang masasaktan, Tiu Sena" kalmang sinabi ni Miyo. Wala talaga siyang ka expression expression sa mukha niya. Itong albinong ito.

Kumuha siya ng maiinom sa ref.

"Anong na naman ba ang balak mo sa girlfriend ng kaibigan ko?" Dagdag niya pa habang naka upo na sa sofa na may dalang inumin.

"Anong bang pinagsasabi mo?!" Bulantad ko. "Ano ba ang problema mo sa kaniya?" He queried.

"Marami..." maikli kong sagot.

"Mahal ka ni Junior, pero hanggang kaibigan ka lang. Tanggapin mo iyon, kasi ikaw rin ang mawawalan." Sermon niya pa.

"Napupuno na ako sa iyo, Miyo ha! Nakaka Leche ka!" Sigaw ko.

"Tinutulungan lang kita habang maaga pa. Hindi pa huli ang lahat, Sena. Hindi pa kailangan humantong pa sa ganito." sabi niya pa.

"Bakit ba? Bati na kami ni Junior" sagot ko pa. "Scaryyy, mas nakakatakot ka pag ganoon" hindi ko alam kung nagbibiro siya.

"Handa mo bang sirain ang pagkakaibigan niyo ni Junior dahil sa binabalak mo sa mahal niya?. Ikaw rin ang masasaktan" Sabi niya pa.

Huh? Bakit ba? Anong paki mo...?

"Nasa iyo yan" dagdag niya pa at uminom.

Pero sa mga pinagsasabi ni Miyo, bakit lahat may point siya. Bakit parang alam niya..

biglang akong napaisip, bakit nagawa ko ang mga ito. Lumalala lamang ang mga nangyayari. Batid ko pa, akala ko makukuha ko sa ganitong paraan si Junior, pero hindi ganoon kahina si Eungi para bitiwan siya kaagad.

"Huy, albino" tawag ko sa kaniya.

Nabilaukan siya sa sinabi ko at agad tumakbong paalis sa Lair..

"Sabi ko na nga ba!!" Sabi pa niya habang umalis sa Lair.

Patawad... Pasensiya na talaga sa mga ginawa ko. Sana maintindihan niyo kung gaano ka importante sa akin si Junior. Pero alam kong mali...

MARK'S POV

"Hyung!" Jungkook called me on the other line.

"Oh? Ano nang balita?" I asked him.

"Pumunta ka ngayon sa Parking lot! Ngayon na" pagamamadaling ni Jungkook at agad ibinaba ang linya.

Agad agad kaming pumunta ni Taehyung sa parking lot.. hindi na muna namin ipinagpaalam sa iba ang nangyayari. Kasi alam niyo naman council ang iba. Ayaw na namin silang magalala na muna.

Nang nakararating kami sa Parking Lot.

"Ano na?" Bulantad agad ni Taehyung.

"Sakay!" Sigaw ni Jungkook. Sumakay na muna ako kay Junior habang si Taehyung nakay Jungkook at si Miyo nag iisa sa kaniyang sasakyan..

Just RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon