JUNIOR'S POV
We waited too long sa labas, nang nakarinig na kami ng putok at sigaw..
Without any further ado. Tumakbo agad ako sa loob kung asan galing ang putok ng baril.
"Junior!" Sigaw ni Miyo..
Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin na kusa akong tumakbo sa loob. Takot ang aking nararamdaman.
Nadatnan kong tulalang umiiyak si Mika, nakatingin siya kung asan nakahalandusay si Eungi.
"Eungi!!!" Sigaw ko. Inilagay ko siya sa aking hita, nakita ko siyang may dugo sa balikat.. Shit! Natamaan siya sa braso.
"Oppa? Si Eungi!" Utal utal na sinabi ni Mika.
Narealize kong may isang payatot na lalaking nakatutok ng baril sa amin.
Ang Isang lalaki naman ay patay na ata.
"Utos ito ng amo ko." sabi ng lalaki na tumututok ng baril sa amin.
"Sige na umalis na kayo" dagdag niya pa.
Hindi ko alam na sumunod na pala ang mga lalaki sa aking likuran.
"Mika!!!" Pag woworried ng tatlong lalaki. (Jungkook, Mark at Taehyung) habang si Miyo nahuli nang pumasok.
"Junior! Dalhin mo na siya sa hospital!!!!!" Sabi ni Mark.
"Kami na bahala dito, bilis!" Sabi ni Mark.
Idinala ko si Eungi sa hopsital.
Agad ko siyang idinala sa emergency area.
"Nurse! Ano na?" Utal utal kung tinanong ang nurse habang chinecheck ang vital signs ni Eungi.
Nanlalamig at nanginginig ang aking mga kamay. Unting unting pumapatak ang mga luha sa aking mga mata.
"Tito?" tawag ko kay Tito Hanseok na kakarating lang.
"Tito?" Tawag ko ulit.
"Ihatid siya sa operation room, ngayon na" anunsiyo ni Tito sa mga nurse.
"Huwag kang magalala ijo, gagaling si Eungi, buti na lang nadala mo siya agad dito" pag chcheer up sa akin ni Tito.
"Tito, gawin niyo po ang lahat. Please" sabi ko.
Maya maya dumating sina Jin hyung at Saejin.
"Anong nangyari??" Worried ni Jin hyung. "Tumawag iyong assistant ni Papa sa nangyari kay Eungi" dagdag niya pa.
"Oppa? Si un...nie., unnie?" Utal na utal na tanong ni Saejin.
"She'll be okay, Saejin. Your dad will save her" sagot ko at patted her shoulder.
"Thank God" sabi niya.
"Hyung, nalaman na lamang namin kay Miyo na nawawala sina Eungi at Mika" sabi ko.
"Huh? Si Mika? Nawawala rin?!" Gulat nilang dalawa at yumango naman ako.
"Papunta na sila dito, kasama sina Jungkook" sabi ko.
Dumating na rin sina Jimin, Mia, Jiho at Nam hyung.
"Asan si Eungi?! Kamusta siya?" Tanong nila.
"Nasa operation room, she'll be fine" matamlay kong sagot. "Ano bang nangyari, oppa?" Yebin asked.
"Bigla nalang silang nawala at nalaman nalang namin kay Miyo na nasa abandonadong building sila." Sagot ko.
"I rereport ko ito kay, Daddy" sabi naman ni Yebin. Commissioner kasi papa nila Yebin at Taehyung pero si Tita Verna naman doctor rin, Mama nila.