JUNIOR'S POV
"Kilala niyo ba ang may pakana nito?" Tanong ni Tito. "Opo, tito" sagot ko.
"Sino?" Seryoso siya. "Kaibigan ko po" sagot ko. "Sino?!" Galit na talaga siya. "S..sss...Se....Sena po ang pangalan" ani ko. "Babae? Baka kabit mo?" Hindi na na control ni Tito.
Hindi na lamang ako napaimik.
"Sorry...Sorry, Junior. Nadala lang ako" He patted my shoulder and squeezed it.
"Okay lang po, Tito. Naiintindihan ko po kayo. Bilang isang ama ni Eungi, normal lang magalala sa kaniyang anak." Sabi ko and pasted a smile on my lips.
"Appa" eksena ni Sehun Hyung.
"Hmmm?" Sagot ni tito.
"Nawala na ang asawa ko, ayaw ko ng mawala ang anak ko, ni masaktan" utal na utal na pagsabi ni Tito.
"Alagaan mo siya Junior" dagdag niya pa at pumunta sa labas ng operation room.
Matagal ng namatay sa sakit ang ina ni Eungi, Bone cancer..
Hours had passed..
Lumabas narin galing sa operation room si Tito Hanseok.
"Kamusta Han?" Ani ni Tito Jiyoung.
"Successful, Ji.. you're daughter is a strong girl. She'll be fine. Ihahatid na namin siya sa private room" sabi ni Tito Han.
"Salamat" sabi naming lahat.
Nang nakarating na kaming lahat sa room ni Eungi, kakarating lang din ni Yugyeom "sorry, nahuli ako. Kamusta si Noona?" Pagalala niya at tiningnan si Eungi "getting better" sagot ko sa kaniya.
Galing pa raw siya sa school.. Nagasikaso sa mga guest, hindi niya naman ito maiwan. Kaya naiintindihan naman namin.
Hindi pa nagmumulat ng mata si Eungi. Sabi ni Tito, umuwi na raw muna kami, baka pagod na daw kami. Sila nalang daw muna magbabantay kay Eungi. Pinilit ko silang huwag muna akong umalis. Pero sila naman iyong kusang gustong umalis ako.
"Magpahinga ka na muna,Junior" sabi ni Tito. "Bumalik ka kung gusto mo, just have a rest first." dagdag niya pa.
Umalis na kaming lahat. Panatag na ang mga sarili namin na okay na si Eungi.
Si Mika naman, okay na rin. Bumalik na sa katinuan niya. Ginamot na rin siya dito sa hospital. Buti nalang medyo walang galos ang katawan niya.
Nang nakarating na ako ng bahay, hating gabi na rin nang nakauwi kami.
"Anakkk!" Worried si Mama.
"Asan ka ba galing?" tanong niya.
"Sa hopsital,Ma. Si Eungi na hospital" sagot ko.
"Ano? Bakit raw???" Gulat niya. "Pupunta na muna ako sa kwarto ko" dagdag ko.
Nagpahinga ako kaagad at ipinikit ko ang aking mga mata.
Maya maya biglang nag vibrate iyong phone ko. I answered the call..
"Oh, Miyo?" Bati ko.
"Kailangan kitang makausap, nasa convenience store ako." sabi niya at ibinaba ang kaniyang cellphone.
Magka village lang din naman kami nina Miyo. Kaya malapit lang ..
MARK'S POV
Hating gabi na nang nakauwi kami. Pagkarating ko ng bahay..
"Markus! Saan ka ba galing?" Bulantad agad sa akin Mama. "Bakit ngayon ka lang umuwi? May nangyari ba?" Ani naman ni Papa.
"Na hospital si Eungi, Ma..., Pa" sagot ko. Umupo na muna ako sa sofa namin.