Chapter 16

17 1 5
                                    

Today is the day!

Nagaayos na kami ngayon lahat sa backstage para sa welcome ceremony.

"Ok na ba kayo?" Tanong ni Jiho.

Normal lang sa leader na i check lahat ng memebers if okay na ba..

"Yes!" Sagot namin.

"Okay! Let's do this! Make them proud" sigaw ni Jiho.

"Fighting!" Sigaw namin.

"Junior!" Sigaw ng isang babae. Alam ko hindi ito si Eungi.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw niya.

"Oh? Sena?" Sabi ko.

"Galit ka pa ba sa akin?" Tanong niya habang nag ppout. I messed up her hair. "Alam mo naman hindi ako nagagalit sa iyo, pero sana naman kahit paminsanminsan pakinggan mo rin ako, Sena" I smiled.

"So bati na tayo?" Pagpapacute niya.

"Oh naman"maikling sagot ko.

"Tanggap ko na talaga, siguro wala na talaga akong pag-asa" She smiled.

Hmmm..

"Sana naman" sagot ko.

"So, good luck sa performance. Make them proud. Make us proud!" Sabi ni Sena at yumango na lamang ako.

EUNGI'S POV

Kakatapos ko lang mag photoshoot.

I texted Mika if nag start na ba. Sabi niya malapit na daw. Kaya agad agad kong ipina turbo ang sasakyan ni Papa galing sa company.

"Mr. Jang! Paki turbo na ng sasakyan wala na akong paki alam if maka bangga man tayo" pagbibiro ko pero half katotohanan, ayaw kong ma late sa event.

Hindi umimik si Mr. Jang!

"Joke lang manong.. hehehe" dagdag ko.

Biglang napatawa si Mr.Jang sa akin.

"Hindi ko alam may pinagmanahan rin pala iyang pagiging joker mo, Ms. Eungi" sabi niya.

"Eh, Mister nagmamadali kasi talaga ako." Kamot sa ulo.

"Huwag kang magalala Ms. Eungi, makakarating tayo sa tamang oras" sagot niya.

Biglang bumilis ng pagmaneho si Mr. Jang.. woah! I don't expect this.

"Mister, racer ka po?" I asked.

Tumawa na lamang siya.

"Hindi, sabi mo kasi bibilisan ko.. kaya bahala kung anong mang mangyari sa atin, Ms. Eungi" sagot niya.

"Uwaaaa! Mister Joke lang iyon ayaw ko pang mamatay" I whined.

"Haha. Binibiro ka lang. I can handle this Ms. Eungi" sagot niya.

Ay! Leche lang. Pinag drama mo pa ako saglit Mister -___-'''

"Go! Mister Jang! Go!" Pagchcheerup ko.

Sa bilis ba namang pagmamaneho ni Mr. Jang. Yes, of course nakarating kami sa saktong oras.

"Salamat Mr. Jang!" Paalam ko and he just did some hand gesture and flee.

Pumunta kaagad ako sa mga upuan kung asan ang iba.. "puntahan mo muna sila Junior sa backstage di pa naman nagsstart" batid agad sa akin ni Mika pagkarating ko. Hala! Napagod kaya ako sa kakatakbo papunta dito, hindi mo muna ako papaupuin. /sigh/

Sige na nga, bilis akong pumunta sa backstage kung asan sina Junior.

Pagkarating ko, may mga sariling mundo silang lahat. Hinanap ko kaagad si Junior. Ayun! At kasama si Sena. Naguusap silang magkaibigan, tiningnan ko na muna silang naguusap.

Just RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon