Chapter 12

14 1 1
                                    

EUNGI'S POV

Inaatok pa ako /yawns/

"Ba't wala ka ata sa mood ha?" Tanong ni Miyo oppa, tumabi siya sa akin. Maaga kasi ako pumunta sa school ngayon.

"Inaatok pa ako oppa" sagot ko. "Hay nako, nahahawa ka na ba sa akin Eungi?" Pagbibiro niya. At ipinatong ang kaniyang paa sa desk ni mark habang nasa pocket ang kaniyang mga kamay.

"Musta kayo ni Sena?" Tanong niya.

Hindi na ako nag react at I turned my head against sa kaniya.

"Huy! Miyo! Umalis ka diyan sa desk ko! Nandudumi ka lang" bulantad agad ni Mark pagdating niya sa classroom.

"Huh!... baka nakalimutan mong mas maputi pa ako sa iyo" sagot naman ni Miyo oppa.

Boom! Hahaha anong connection?

Narinig kong umalis na si Miyo oppa sa upuan ni Mark.

"Good morning!" Bati ni Mark sa akin

Nagulat ako, kasi naman hindi ko alam nasa likod ko na pala siya at bigla niyang ipinakita ang kaniyang mukha sa akin. Mygahd! Hininga niya na fefeel ko kasi ganon siya kalapit sa mukha ko.

"Chupe! Ang baho ng bunganga mo. Jusko!" Pagbibiro ko. Umupo ako ng maayos "over naman ito, mabaho ka diyan. Nag toothbrush at nag mouth wash ako noh. Sus!" Batid niya pa.

Hahaha joke lang naman. Ambango kaya ni Mark. Yeah! Mabango siya. Nakaka head turner siya. Kaya nga ex crush ko ito eh. Ssshhh

"Hahaha. Mabaho kaya" patawa kong sinabi.

"Ha.ha.ha.ha" hinga siya ng hinga sa harapan ko.

"Mark! Tumino ka nga! Lokong ito, ambaho..." biro ko pa rin.

Hindi pa rin siya nag sstop. Ay tong shark na ito. Tabon ng tabon pa rin ako ng mukha ko na may dalang paghahampas sa kaniya. Well, sadista ako eh. Hehehe

"Eungi?" ... may tumatawag sa akin, pero hindi ko pinansin kasi focus pa rin ako sa pangungulit ni Mark.

"Mark! Tama na nga yan!" Sumigaw siya.

Napahinto si Mark ng nakakanganga sa harapan ko. Huta naman yung ngala ngala niya kitang kita ko. Haru jusko.

Napatingin siya sa taas ng ulo ko.

Junior????

"Good Morning Junior" bati ko na lamang.

"Morning" maikli niyang sagot at pumunta na sa kaniyang upuan.

"Wala ata siya sa mood?" Sabi naman ni Mark sa akin at yumango na lamang ako.
- - -

At the Cafeteria

Magkasama kaming ngayon ng aking mga kabarkadang babae.

"Hay, nako umuwi si Taehyung oppa kagabi........Lasing" sabi ni Mia.

"Huh? Bakit naman?" React naman ni Mika.

"Wow, concern siya" sabi ko naman.

At natameme siya. Hahahahaha halatado ka.

"Crush mo si oppa noh?" Prangkang tanong ni Mia.

Hindi nakapagsalita si Mika sa shocking question ni Mia. Hindi rin naman pala manhid ang kapatid ni Taehyung. Good~

"Mia!" Eksena ni Jimin. Yeah! Magpapapogi points muna si Jimin. Di pa kasi siya sinagot ni Mia. Ganiyan talaga. Hahahaha

"Oh?" Sagot naman ni Mia.

"Dito muna ako." Sagot naman ni Jimin. At umokey naman itong si Mia.
Pero hindi sila magkatabi. Ang tigas~

"Jimin? Nagkasama ba kayo ni Junior?" Tanong ko.

Just RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon