Hugoooooooooooot!

30 1 0
                                    

"Nakita kita.. may kung anong naramdaman akong kilig at mumunting tuwa dito sa puso ko. Ayaw ko man, pero talagang napapangiti mo ko kahit sa simpleng makita lang kita. Araw-araw inaabangan.. lagi kitang inaantabayanan.. umaasang makikita o makakasalubong man lang kita. Okay na ko dun. Masaya at kuntento na ko dun. Sa ikawalang pagkakataon'y muli kitang nakita.. napansin mo ko.. di mo alam kung gaano ko kasaya nun.. di mo alam kung gaano ko pinigilan yung sarili kong wag kang lapitan o yakapin. Nginitian mo ko.. ngumiti din ako sayo.. at akala ko simula na yun. Ang taas na ng lipad ko.. pero bigla akong nauntog sa salitang 'Walang TAYO' bigla akong nilamon ng REALIDAD na may iba kang gusto.. at hindi ako yun. Masakit. Masakit kasi alam kong kahit ilang beses mo kong ngitian at pansinin, alam ko.. wala lang yun. Masakit kasi kahit gaano pa kita napapangiti at napapatawa, walang-wala yun sa ngiti at sayang naibibigay nya sayo. Nung nakita ko kayo.. para kong binagsakan ng kung anong mabigat na bagay, Gusto kong tumakbo palayo.. umalis pero hindi ko nagawa.. para kong napako sa kinatatayuan ko.. bawat sandaling lumilipas na magkasama at masaya kayo, para kong kandilang nauupos.. ang sakit.. pero ang galing kasi nagawa ko pa kayong panuorin. Nagawa ko pang ngumiti. Noo'y naisip ko.. 'Okay lang. Okay lang ako.' Kahit ang totoo'y parang may kung anong tumatahip sa puso ko ng mga sandaling iyon. Nung umalis sya.. muling nagtagpo ang ating mga mata. Nilapitan mo ko.. nagkausap tayo sa wakas. Habang tinitignan kita, ang saya mo.. pero hindi ko alam kung masaya ka ba kasi kasama mo ko o masaya ka kasi okay kayo? Nakakapagtakang yung naramdaman kong sakit ay nawala at napalitan ng saya. Unti-unti na namang nabubuhay yung kilig. Ikaw lang.. ikaw lang sa lahat yung nakakagawa sakin nito. Yung nagpaparamdam sakin ng ganito. Kaya mo kong saktan at pasayahin at the same time. Kayang-kaya mong i-switch yung mood ko. Sa lahat, ikaw yung may kakayahang saktan ako. Siguro nga tama sila.. martyr ako.. tanga.. dahil gusto kita kahit di mo ko gusto. Dahil nandito ko para sayo kahit alam kong di mo ko kailangan kasi nandyan sya. Kahit na nahihirapan ako sa sitwasyong meron tayo, ayos lang.. okay lang. Sana lang di ako mapagod.. mapagod masaktan, umiyak, magmahal sayo. Sana din, hindi ako maging manhid.. sana.. para pag dumating yung time na lalapitan mo ko.. na sasabihin mo saking gusto mo na rin ako.. hindi ka masaktan.. sana di ko masabi sayo na 'Gusto mo na ko? Sorry ha? Hindi ko na kaya. Napagod na ko eh. Hindi ko naman tinigilang mahalin ka. Nagsawa at napagod lang talaga kong iparamdam yun. At tsaka, wala na kasi kong maramdaman eh. Nakakamanhid palang magmahal sa isang taong may mahal na iba.' Sa nakikita ko, masaya ka.. masayang-masaya.. mukhang di mo na ko kailangan. sana lang ako maging masaya din para sayo, sa inyong dalawa. Kasi di ko talaga kaya eh.. I maybe smiling but inside?.. No one knows what i feel and why i keeping it all inside.. Sana dumating yung araw na makikita ko kayong magkasama at makakaya ko ng ngumiti ng totoo. Yung walang halong pagkukunwari. Sana magawa kong maging masaya para sayo.. kahit na hindi ako yung dahilan kung bakit ka masaya.. pero sa ngayon.. hangga't kaya ko.. nandito lang ako lagi.. kahit na hindi mo na ko kailangan, nandito padin ako.. sinusundan ang bawat hakbang mo.. mga hakbang mong kaybilis.. mga hakbang na mahirap sabayan.. hakbang na alam kong hindi ako ang gustong makasabay sa bawat hakbang na gagawin nito. Hindi man ako ang kasabay mo sa bawat paghakbang mo, wag kang mag-alala.. lagi naman akong nakasunod sayo.. lagi akong nasa likod mo. laging isang hakbang lang ang kayo mula sayo at sisiguraduhin kong mahulog ka man o madapa ka man sa paghakbang mo, nandun ako.. agad kang tutulungang makatayo.. at kung di mo pa kaya ulit humakbang mag-isa, aalalayaan kita.. sasamahan.. hanggang sa makaya mo na ulit mag-isang humakbang. Hanggang sa di mo na ulit kailanganin ang tulong ko. Pangako. hangga't kaya ko.. hindi ako lalayo sayo."

Her Random Thoughts (Confessions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon