Sana kung wala kayong passion for teaching, wag nyo na pasukin ang mundo ng pagtuturo. Ako na yung nagmamakaawa sa inyo. Hindi nyo alam kung gaano nyo sinisira yung pangarap ng bawat bata, bawat mag-aaral sa grade na HINUHULAAN nyo lang naman.
Hindi nyo alam gaano kasakit sa isang estudyante yung mabigyan ng grade na hindi nya deserve. Kung hindi nyo mahal ang pagtuturo, ako na bilang isang guro ang nagmamakaawa sa inyo. Umalis kayo sa pagtuturo. PLEASE. Wag kayong maging kanser sa lipunan.
Wag kayong tatanggap ng teaching load kung hindi nyo alam paano magturo, kung hindi nyo naman sisiputin yung klase nyo. Kung pupunta lang kayo sa klase para magpaattendance tapos aalis ng parang walang nangyari.
At higit sa lahat, wag kayong malalakas loob magturo kung sa huli, MANGHUHULA LANG KAYO NG GRADE NA IBIBIGAY NYO SA MGA ESTUDYANTE NYO! Sa totoo lang hindi ko alam kung sino ba ang mas nakakaawa, sila ba na binigyan nyo ng hindi nila deserve na grade?
O kayo na nagsisilbing KANSER SA LIPUNAN na walang alam gawin kundi ang tumanggap ng sahod na mula sa kaban ng bayan nang walang kahirap-hirap? Nakakapanggalit lang, ang kakapal ng mukha tanggapin yung sahod ng hindi naman nila nagagampanan yung reponsibilidad nila bilang GURO.
BINABASA MO ANG
Her Random Thoughts (Confessions)
RandomAn untold confession of a girl about life, love etc. Its all about the things that she can't express..