Kung Wala Ka

22 0 0
                                    


"Natapos na ang lahat.. nandito parin ako.."


Habang naglilinis ako ng cabinet ko kung saan nakalagay lahat ng mga bagay na may ala-ala mo, ala-ala natin.. hindi sinasadyang makita ko yung papel. Yung papel na unang nag-ugnay sating dalawa. Unconsciously, naitabi ko pala sya. At hindi ko naiwasang mapangiti ng mapait ng maalala ko ang kwento ng munting papel.


Enrollment nun.. MAY.. tatlong taon na ang nakakaraan. And since freshmen palang tayo, pareho tayong nangangapa ng mga gagawin. Wala akong kasama nun at ganun ka rin. Marami ng nagpapaevaluate nun.. at kahit gustung-gusto kong magtanong ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Hanggang sa nilapitan mo ko.


"Miss, magpapaevaluate ka din ba? Dito yung pila."


Para kong nabunutan nun ng tinik. Sa wakas may pumansin sakin. Pero tanging ngiti lang ang isinukli ko sayo.


Sa gitna ng pila ay muli kang nagsalita.


"Ako nga pala si Liam.. Liam De Guzman. Ikaw? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Charlotte Fuentebella."


And that was the start. Simula nun magkasabay na tayong nag-enroll. Mula sa evaluation hanggang sa assessment. At nagkagulatan pa tayo ng iisa lang pala ang kursong kinukuha natin.


BSBA MAJOR IN MANAGEMENT.


Dahil dun.. pinili mong ibigay yung number mo sakin.. number na isinulat mo sa kapirasong papel.


Pag-uwi ko sa bahay, ay agad kong sinave ang number mo pero hindi kita tinext.. dahil NAHIHIYA ulit ako. Pero parang gumagawa katalaga ng paraan. Nung gabing din yun, in-add mo ko sa FB. Na in-accept ko naman. Dun tayo nag-usap. 


Usap na nagsimula sa Hi.. Hello.. Kumusta na? Hanggang sa lumalim.


Huling linggo ng May.. sabay ulit tayong nag-enroll. Naalala ko nun, sinamahan mo pa ko sa pila ng 'Promisory' kahit na pwede ka naman ng dumeretso sa cashier. Hapon na tayo nakatapos nun. Inaya kitang kumain.. bilang naabala kita pero sa huli ikaw din ang nagbayad.


"Friends na tayo diba?" katwiran mo kaya wala na kong nagawa.


Hanggang sa sumapit ang araw ng pasukan, unang araw.. nakaitim kang t-shirt at nakabag pack. Lumapit ka sakin at umupo sa tabi ko. Nakakatawa na para ulit tayong hindi magkakilala nung araw na yun. Sobrang hiya at ilang yung nararamdaman ko. Pero malaunan ay nawala na rin. 


Mula nung araw na yun, lagi ka ng nakasabay samin.. kumain.. pauwi.. lalo tayong naging malapit nang i-arrange alphabetically ang seating arrangement natin sa room. May isa hanggang dalawang tao sa pagitan natin.. pero hindi ko alam kung bakit tayo parin ang nagkakatabi.


Araw-araw tayo ang magkasama. Tulungan tayo sa lahat ng bagay. Sa mga hindi natin kayang gawin. Hanggang sa yung pagiging magkaibigan natin ay naging 'Matalik na magkaibigan'. We consider ourselves our 'EVERYBUDDY' Kasama at kasangga sa lahat.

Her Random Thoughts (Confessions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon