Tangaaaaaaaaaaa! May Iba sya! May Iba!

26 1 0
                                    

Alam ko naman eh.. alam ko namang sa simula palang ng larong ito.. hindi ako mananalo.. na dehado ako.. na kahit anong gawin ko, sa huli ako pa din yung talo. Pano naman kasi ko mananalo sa labang alam kong sa una palang ako lang mag-isa yung lumalaban? Pano ko mananalo kung yung taong pinaglalaban ko, may ibang pinaglalaban? Yung taong mahal ko, may ibang mahal.. yung taong iniisip ko, may ibang iniisip. Pano ko mananalo sa labang alam kong may panalo na? Masyadong madami ang nangyari.. mga pangyayaring akala ko love story.. hindi pala.. Pangyayaring nagsimula sa 'HI' at 'HELLO' naging 'Kumusta?' at 'Ingat ka' hanggang sa umabot sa 'SYEMPRE MAHALAGA KA SAKIN' mahalaga.. dahil sa salitang yan.. umasa ko.. nakisabay sa agos.. sino ang hindi aasa sa mga salitang yan? Lahat kinaya ko.. yung sitwasyon, yung set up.. kahit na sabi nga ng iba..'Nakakatanga yung Set up nyo' go pa din ako.. 'Tanga eh!' Kasi masaya.. kasi kahit nakakatanga, nakakasama at nakakausap ko sya.. kahit na letse! 'Tagu-taguan' yung laro namin, okay pa sakin kasi sya yun eh! Pag magkasama at magkausap kami, nakakalimutan kong laro nga pala yung ginagawa namin.. nakakalimutan kong may iba nga pala. Sa tuwing nakikita ko sya.. lagi kong naiisip yung kung anong 'Meron saming dalawa' mag-uumpisa na naman akong lumipad.. kaya lang.. syempre.. mauuntog na naman ako sa REALIDAD.. realidad na 'Walang TAYO pero merong KAYO' Nakakagago eh! Kapag wala sya tsaka mo lang ako papansinin.. pero pag nandyan sya para kong hangin? TNGN! Sa lahat ikaw lang yung hinayaan kong mangganito sakin! Ikaw lang! Peste ka! Bakit nga ba kasi sa dami, ikaw pa? Ikaw pang walang kakayahang mahalin ako pabalik? Bakit ikaw pa din? Bakit kahit sinasampal na ko ng katotohanang 'Mahalaga lang ako kasi..' sige padin ako sa pag-asa! Ang adik ko sa pag-asa! HOPIANG HOPIA NA ASADONG-ASADO PA! Alam mo yun? Wala kasi tayong malinaw na pag-uusap eh! Napaka-impulsive mo! Pero mas impulsive ako! Binigay ko lahat eh.. effort.. oras.. I even cared a lot.. wala eh.. uulitin ko.. TANGA eh! Ang tanga ko nga siguro kasi nandito padin ako.. isang tawag mo lang.. dadating ako para sayo..

Her Random Thoughts (Confessions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon