Tuloy Parin

61 2 3
                                    


  Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na


I used to believe that 'First love never dies' that it'll stay forever. Pinaniwalaan ko yun buong buhay ko. Kaya siguro nahirapan akong makalimutan sya.


I'm Elise, 26.. isa na ngayong ganap na guro sa sekondarya.


Hanggang ngayon naaalala ko pa ang lahat. Simula umpisa. Kung paano kami nagkita, naging malapit at kung paano kami nagkahiwalay. Kayang-kaya ko paring idetalye lahat, ng walang kulang.. ng sunud-sunod. Dahil naging isang malaking parte sya ng buhay ko. 


Sya.. si Adrian.. isa na rin syang guro sa sekondarya. Pareho kami. Gaya ko, minsan din nyang pinangarap ang makapagbahagi ng kaalaman.


Sino sya? Sya lang naman ang una kong pag-ibig. 'Pers lab' ika nga ng iba. Sya ang nagturo sakin ng maraming bagay sa larangan ng pag-ibig. Sa kanya ko binigay ang unang pagkakataon. Unang tiwala. 


Naging masaya naman kami nung una. Hindi ko pinagsisihan na pinapasok ko sya sa buhay ko. Na nagtiwala ako sa kanya. Bawat araw na lumilipas. Bawat araw na nakikilala ko sya, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. He's more than just a pretty face. For me, he's almost perfect. Dream guy. Every girls will do everything just to get him. Yung gagawin mo lahat para lang mapa-ibig sya? At masasabi kong maswerte ako dahil ako, ako sa dami ng nagkakagusto sa kanya ang napansin nya.


The first year of our relationship was good. It ships smooth and easily. May mga pagtatampuhan pero maliliit lang. Kaya lang, pagdating ng pangalawang taon namin.. nagsimulang magbago ang lahat. Mas malimit na kaming mag--away. Madalang na nga kaming magkita, mas madalas pa na di lang kami nagkakasundo. Hanggang sa sumapit ang ikatlong taon ng aming relasyon. Akala ko, magiging okay na. Akala ko magagawan pa namin ng paraan. Pero hindi na pala. 


April 3, 2012- 3:15 pm, we decided to part ways. We broke up. It was a mutual decision. But we had different reason. Sya, sawa na. Sabi nya sawa na daw sya sa paulit-ulit naming pag-aaway. Ako naman, pagod na. Pagod na sa pag-iintindi sa kanya. So we called it off. Fair enough.


Since then, hindi na naging normal ang lahat. I always cry myself to sleep. Thinking where it could go wrong? Ano bang mali? Bakit bigla nalang nauwi sa hiwalayan ang lahat? Akala ko matatag kami. Akala ko kaya naming lampasan lahat. Hindi pala.


Sobrang nahirapan akong ipagpatuloy ang buhay ng wala sya. Natutunan ko nang idepende sa kanya yung kasiyahan ko,yung buhay ko. mas nahirapan ako dahil sa iisang school lang kami noon nag-aaral. Same course, same major. At ang sakit-sakit tuwing nakikita ko sya. Seems he's okay even without me. Bakit hindi ko magawa yun? Bakit ako hindi?


A year has passed. And still, I'm still head over heels for him. Hindi parin ako nakakamove on. Siguro kasi umaasa parin ako noon na babalikan nya ko. Na magiging kami ulit. Na baka kailangan lang namin ng space.


Kaya lang hindi ganoon ang nangyari. Hindi kami si Popoy at Basha na nagkaroon ng second chance. Iba kami.


September 5, 2013, lunch break. Bigla nalang pumutok ang balitang ikinabasag ng puso ko. Yung puso kong may lamat, tuluyan ng nabasag dahil sa balitang yun.

Her Random Thoughts (Confessions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon