"Teacher pa man din"

7 1 0
                                    


Seriously people, can we freakin' quit that concept? Hindi po maganda sa pakiramdam masabihan ng ganyan. Let's stop stereotyping our teachers. And isn't it so ironic na minsan sa pamilya mo pa nanggagaling yung mga salitang "Teacher ka pa man din" "Teacher yan ah?" "Ganyan ba ang teacher?" Wow naman, ang supportive!! Nakakaiyak naman yung pagiging supportive nyo! THANK YOU!


Okay I get the point na as teacher they should set as a role model to their students. Na dapat pag pinili mong maging teacher, handa ka sa lahat. Pero baka nakakalimutan nyo, tao lang din sila. Nagkakamali din sila, karapatan din nila maging masaya, gawin yung gusto nila. Wag natin silang ikulong sa konseptong "Teacher ka, dapat ganito, dapat ganyan." 



Kaunting pagkakamali, kaunting bagay na gawin nila o ikilos nila na hindi nyo magustuhan ayan na naman kayo sa "Teacher pa man din". Nakakarindi. Hindi naman sila nag-aral at nagpakahirap ng ilang taon para lang kontrolin, ikulong at husgahan lang.



C'mmon people, they are also allowed to commit mistakes, ang importante ay yung paano sila bumangon at kung paano nila yun itinama.



Sa labas ng paaralan, may sariling buhay sila at hindi na natin saklaw yun. Ang mahalaga naman is kung paano sila sa apat na sulok ng silid-aralan. Sigurado naman ako na marami paring mga guro na nagtuturo ng maayos at mabuti. Hangga't hindi naman naapektuhan yung pagtuturo nila, pwede bang wag na natin silang diktahan?



Alam po nila yung tama at mali. Nung nag-aaral palang sila, ilang beses na yang sinabi at itinuro din sa kanila.



As long as nagagawa nila yung trabaho nila, as long as nakakapag-impart sila ng knowledge sa mga estudyante, walang masama. Kagaya din naman sila ng lahat na pag pagod kailangan din mag-unwind. Wag nyo silang tanggalan nun. 

Her Random Thoughts (Confessions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon