Out of reach.. couldn't see we were never meant to be..
I used to say that if you really love someone, you should chase him, fight for him.. gawin mo lahat para hindi sya mawala sayo. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumagawa ng paraan para mawala sya sayo? Itutuloy mo parin ba yung paglaban sa kanya?
Nung una, oo.. sinabi ko sa sarili ko na anuman ang mangyari, hindi ako mawawala sa kanya.. kahit na dumating pa yung time na mawala sya sakin. Na kahit gaano kahirap, I am here to stay. Na anuman ang sabihin nila, sayo lang ako maniniwala at makikinig dahil TAYONG DALAWA ANG HIGIT NA NAKAKAALAM NG NANGYAYARI. TAYONG DALAWA. Na kahit magmukha akong tanga, okay lang basta kasama kita.
Akala ko kasi ganun eh. I thought that's love supposed to be. Akala ko pag mahal mo ang isang tao, dapat handa kang gawin ang lahat para sa kanya. Handa ka sa lahat. Para ka dapat sundalong handang sumuong sa gyera.
Alam ko mali.. mali yung namagitan sating dalawa. Mali na pinasok natin yun. At gaya nga ng kasabihan, 'Hindi kailanman maitatama ng isang pang mali ang mali' Mali yung ginawa natin at hindi yun magiging tama kahit anong gawin natin o kahit saan natin tignan, mali talaga.
Kaya kahit ayoko, tinapos ko. Kahit mahirap, nagsakripisyo ako. Sabi mo minahal mo ko.. that YOU LOVED ME.. pero minahal mo nga ba talaga ko? Nagsisimula ko ng pagdudahan ang mg salitang yan. Totoo ba yun o sinabi mo lang para pampalubag loob?
Sabi nila totoo.. sabi din nya totoo. Pero bakit hindi ko na makita yun ngayon? Bakit parang yung nakilala kong ikaw wala na? Hindi ko na makita yung dating ikaw. I don't know you anymore. Parang hindi na ikaw. Parang bigla nalang ibang tao na yung nakakaharaap at nakakasalubong ko.
Kung totoong minahal mo ko, bakit parang anag dali para sayo ang magbago? Bakit parang napakadali para sayo ang kalimutan ang lahat? Bakit parang wala na lang sayo yung nangyari?
Dahil ba mayroong SYA? Dahil kahit anong mangyari nandyan sya para sayo? Kaya kahit wala ako magiging okay ka parin.
Sa totoo lang, ayaw na kitang ilaban. Ayoko ng sayangin yung oras at effort ko para ipaglaban ka. Hindi ako sundalo para ipaglaban pa yung lugar ko sayo. Future Educator ako.. hindi Sundalo!
Gustong-gusto na kitang kalimutan. Iwan ka sa nakaraan gaa ng pag-iwang ginawa mo sakin. Pero nahihirapan ako, ni hindi ko magawang maihakbang yung mga paa ko. Hindi ko alam kung bakit kahit anong gawing pilit ko walang nangyayari.
Hanggang sa dumating sa point na narealized ko, kasi hindi ko pa pala napapatawad yung sarili ko. Sa lahat ng ginawa ko, sa mga bagay na hindi ko dapat ginawa, sa mga bagay na DAPAT GINAWA KO nung MAY ORAS pa. Kaya pala nahihirapan ako kasi hindi parin kita napapatawad. Sa laht ng nagawa mo, sinadya mo man o hindi. Kaya pala hindi ako makabitaw-bitaw kasi may pag-asa pang nakabaon dito sa puso ko. kasi hanggang ngayon pinanghahawakan ko parin yung mga salitang 'MAHALAGA' at 'MINAHAL'.
Nakalimutan kong iba nga pala yung kahulugan nila kaysa sa salitang 'MAHAL' 'PINAPAHALAGAHAN'.
MINAHAL.. PAST TENSE.. NAKARAAN.. meaning TAPOS NA. Yun ako. Yun yung lugar ko. Sa nakaraan. Nakaraan na hindi na dapat binabalikan pa. Nakaraan na tinuruan kang maging better.
Kung tatanungin mo ko kung kumusta ko ngayon, okay ako! Maayos naman. Hindi gaya ng dati.. NAKAKAMOVE ON NA. I already forgiven myself even you. Sa wakas, unti-unti ay natututunan ko ng bumitaw. Bumitaw sa taling matagal mo ng binit'wan. Sa taling matagal ko na din dapat binitawan.
Kung tatanungin mo ko kung anong nararamdaman ko para sayo, hindi ako galit.. hindi na ko nasasaaktan o kinakabahan o kinikilig. Sa totoo lang, wala akong makapang kahit na anong emosyon para sayo. Guess what? Manhid na ko pagdating sayo. Much better right? mas madali akong makakalimot. Pero atleast kaya na kitang harapin. Kaya na kitang tignan ulit sa mga mata. Kaya ko na ulit humarap sayo ng buong-buo. Yung hindi ko kailangan pang magpanggap.
Oo hindi ako bulag, masaya ka sa kanya, nakikita ko yun. Sana pagpatuloy nyo. Patunayan nyong may POREBER! Ako? Hindi na ko aasa pa na magiging tayo. HInding-hindi na! Hindi ka para sakin at ganun din ako sayo.
Kung may natutunan man ako sa nangyari sating dalawa, iyun yung hindi mo dapat pinaglalaban yung tao o bagay na hindi naman naging sayo in the first place. HIndi ka dapat sumusugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Hindi ka dapat bara-bara sa mga gagawin mong desisyon. Na kung kaya mo, dapat ikaw na ang bumitaw pag mali na. Pag sobra na. Hindi ko pinangarap maging bayani. Pinangarap kong maging tayo pero ang maging bayani? HINDI. Kaya wag kang magtaka kung bakit ayoko na. Kung bakit sumusuko na ko sa gyerang 'to.
May mga bagay kasi na kahit anong gawin mo, kahit gaano mo man kagusto, kung hindi talaga para sayo. Hindi para sayo. As simple as that.
Naniniwala akong isang araw, may darating sa buhay ko na sasagot sa napakarami kong tanong tungkol sa nangyari sating dalawa. Tulad ng kung bakit hindi naging tayo? Kung bakit kinailangan kong lumayo at isuko ka. Kung bakit lagi akong naiiwan mag-isa. Kung bakit kahit ako yung unang humahakbang palayo, ako parin yung mas nahihirapan at nasasaktan. At higit sa lahat kung bakit sya yung para sakin.
Sa ngayon, ipagpapatuloy ko yung ginagawa ko. Magmomove on ako. Hanggang sa bumalik ako sa dating ako. Wala akong pake kung gaano katagal bago ko mabawi ulit yung dating ako. Ang gusto ko lang, mawala lahat ng alaala mo.
Salamat sa lahat. Hindi ko na iisa-isahin pa. Pero salamat talaga. You used to be part of my present and my future. But now, I think I have to leave you all behind. You're now part of my PAST. Nakaraang hindi ko na dapat pang balikan pa.
Siguro nga, parang libro at kwento yung buhay natin na may iba't ibang chapter. Kumbaga nasa chapter 16 na ko eh. Tapos yung kwento na kasama ka nasa chapter 15. Kumbaga bumalik ako eh, bumalik tayo. Kahit kanino mo naman tanungin, hindi maganda na inuulit-ulit mong basahin yung isnag knwetong TAPOS NA. Dahil mapapagod ka lang. Magsasawa. Dahil alam mo na yung magiging ending nun. Niloloko mo nalang yung sarili mo. Ganyan. Ganyang-ganyan yung nangyari sating dalawa.
Pero wag kang mag-alala, tulad mo, nakabalik na rin ako sa kasalukuyan. Malapit ko na ngang maatapos yung chapter 16 eh, malapit ng magSEVENTEEN. Sa chapter na yun, sisiguraduhin kong wala ng kahit na anong bakas mo. Wala ng FLASHBACKS ang dadating mula sa NAKARAAN.
BINABASA MO ANG
Her Random Thoughts (Confessions)
RandomAn untold confession of a girl about life, love etc. Its all about the things that she can't express..