Taken For Granted

37 1 0
                                    

Para sa lahat ng makakabasa.. kung sakaling pareho kaayo o isa kayo sa mga gaya nila.. tandaan nyo na hindi kayo mag-isa. Kasama nyo si God. Sya, never ka Nyang iiwan. Never ka Nyang ineneglect. Kasi mahal na mahal na mahal ka Nya.


Dear whoever you are who's currently taken someone for granted,


Hindi sige okay lang.. sanay ka naman sa ganitong sitwasyon.. yung ginawa mo na ang lahat pero sa huli wala pa din.. sa huli talo ka pa din kasi wala ka lang naman sa kanya. Kasi hindi ka naman mahalaga sa kanya. Kasi ikaw lang naman tong masyadong umasa na mahalaga ka rin sa kanya gaya ng pagpapahalaga mo sa kanya. Sanay ka na, na kahit ibigay mo lahat, sa huli wala pa ding kwenta.. na lagi nalang nasasayang efforts mo.. sanay ka na.. na binabaliwala.. sanay na sanay na. Hindi na masakit.. hindi ka na nasasaktan sa mga pambabaliwala sayo ng mga tao.


Kaya wag silang mag-alala.. okay ka lang talaga.. as in.. okay ka lang na ikaw yung laging umiintindi.. nagsasakripisyo.. nagpaparaya.. nagbibigay. Okay ka lang na naaalala lang ng mga tao pag kailangan nila ng tulong mo. Okay ka lang kahit na kapag kailangan mo ng tulong nila o ng makakausap eh biglang busy na sila. Okay ka lang talaga.. sobrang okay lang.


Ganyan naman eh.. sabihin mo nga, gaano ba kasaya na nakikita mo yung isang tao na nababaliwala? Ano bang klaseng satisfaction ang nabibigay sa isang tao kapag nakakapanakit sya ng damdamin ng iba? Hindi ba nila alam na sobrang daming pinagdaanan at isinakripisyo nung taong sinasaktan at binabalewala nila? Yung taong walang ibang ginawa kundi ang unahin at intindihin sila. Yung taong umasa at nangarap na lahat ng ginagawa nya eh masusuklian din kahit papano. Na sa huli, lahat ng efforts nya mapapansin din.


Pero wala eh.. hindi parin. Hindi ba nila alam kung gaano kasakit yun? Lagi mong tatanungin sa sarili mo gabi-gabi.. oras-oras kung bakit? Anong kulang? Anong ginawa mo? Kulang pa ba? May mali ka bang nagawa? Bakit ganun? Bakit lagi ka nalang binabalewala?


Alam mo yung mga taong ganun.. isa lang yung gusto nila .. yung taong handang makinig sa lahat ng kwento nila. Yung taong makakaintindi sa kanila tulad ng pag-iintinding ginagawa nila sa mga taong lagi lang silang binabalewala. Yung mapansin naman lahat ng ginagawa nila. Yung taong matyagang hihintayin syang matapos sa kwento nya .. sa mga hinanakit nya sa mundo. Yung taong makakasama nya.. mapaglalabasan nya ng lahat ng sama ng loob na lagi nyang dala dala at tinatago sa loob nya. Yung taong pinapangarap nya. Yung taong hindi sya iiwan kahit kailan. Yung taong hindi sya ipagpapalit sa kahit na kanino. Yung taong hindi basta itatapon nalang yung ilang taon o oras na pinagsamahan nyo ng basta nalang. Yung taong itetreasure sya.. iingatan sya .. poprotektahan at di hahayaang masaktan at umiyak pang muli.


Yung taong hinding-hindi magbabago dahil lang sa may nakilalang ibang tao.. na mas better sayo.. na mas makakapagpasaya sa kanya. Yung taong mananatili sa tabi mo kasi nangako sya.. nangako kayo .. na kahit anong mangyari.. mananatili kayo sa isat isa.. na kahit ano pang dumating.. you still have each other.


Kaso wala eh.. wala nun.. wala. Kasi lahat ng nagsasabi nun.. UMAALIS.. NANG-IIWAN.. NAGBABAGO. Tama sila, walang permanente sa mundo.. lahat nagbabago. At ang sakit lang na kung sino pa yung nangakong hindi nila gagawin yun, sila pa yung unang gumawa nun. Sila pa yung unang nagparamdam sayo gaano kasakit yun. Sila pa yung unang bumali nun.


Yung mga nang-iiwan at nagbabago na yan.. alam ba nila gaano kasakit yung maleft behind? Alam ba nila kung gaano nagsasakripisyo at nag-iintindi yung mga taong iniwan nila? Ang hirap na magpretend kang okay lang ang lahat. Ang hirap na magpanggap na hindi ka nasasaktan para lang maging maligaya sila.. para lang hindi ka nila alalahanin.. para lang hindi ka nila tawaging selfish.


Alam mo, minsan talaga naiisip ko sobrang unfair ng life.. kung sino pa yung totoo.. sila pa yung nasasaktan.. kung sino pa yung madalas nagbibigay sila pa yung iniiwan.. pinagpapalit. Pero alam ko, kahit iniwan ka nila.. sinaktan.. pinagpalit.. kahit nagbago na sila.. kahit binali nila yung pangako nila.. mahal mo pa rin sila.. still, papatawarin mo parin sila ng paulit-ulit.


Kasi ganun dapat diba? Kapag mahal mo.. handa kang patawarin sila. Na mas mahalaga yung kasiyahan nila kesa sa kaligayahan mo. Kaya kahit na masakit kasi iniwan ka nila.. okay lang kasi alam mo namang maligaya sila sa piling ng iba. Maligaya sila.. at kailangan mong tanggapin na magiging masaya sila kahit wala ka sa buhay nila.


Alam mo, narealized ko.. wala naman pala talaga yan sa haba o tagal ng pinagsamahan nyo.. kung talaga maghihiwalay kayo, kung talaga iiwan ka nya.. iiwan ka nya. Ang sakit sakit lang na ikaw hirap na hirap kang bumitaw pero sya napakadali lang itapon yung pinagsamahan nyo. Napaka unfair talaga..


Pero dahil mahal mo sila.. maghihintay ka pa rin.. hanggang sa bumalik sila.. hanggang sa marealized nilang ikaw yung dapat na kasama nila. Na ikaw  yung dapat na pinapahalagahan nila. Maghihintay ka hanggang sa iwan na sila ng mga taong yun. At paulit-ulit mo silang tatanggapin.. kasi nga mahal mo eh. Diba ganun yun? Pag mahal mo kahit ilang beses kang saktan at iwan.. sa huli, tatanggapin mo parin sila.. ng maluwag sa loob.


Yung mga madalas binabaliwala? sila yung mga taong halos walang kapaguran. Walang kapaguran magpatawad.. masaktan.. tumanggap.. maghintay. Kaya madalas.. natetaken for granted sila.. kasi alam ng mga taong yun na kahit anong mangyari, nandyan sila.


Pero alam mo yung nakakatakot sa kanila? Sila yung mga taong once na mapagod.. once na masagad.. magsawa.. hinding-hindi ka na makakarinig sa kanila ng kahit na ano. Hinding hindi mo na sila makikita. Hinding hindi mo na sila makakausap. Never ka na nilang papansinin. Kakalimutan ka nila. Kaya dapat hindi sila binabaliwala.


Nakakalungkot lang na kailangan nilang danasin lahat ng sakit samantalang wala naman silang ibang ginawa kundi ang magmahal, magpatawad.. tumanggap.. maghintay.. magbigay.. magpasensya.


Sana.. one day, makatagpo sila ng isang tao na hinding hindi sila iiwan, pagpapalit kahit na kanino. Yung taong mag-iintindi naman sa kanila. Yung taong ipaparamdam sa kanila kung gaano sila ka precious at kahalaga. Yung taong kahit anong gawin nila.. mag-istay

Her Random Thoughts (Confessions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon