Pafall ka ba?
Paplay safe?
Paasa?
Para sayo 'to!
Noon, akala ko nakakabwisit na si ________ .. wag nyo ng tanungin kung sino yan! Assumero ng taon yan! Mabalik tayo..akala ko talaga sya na yung pinakawalang kwentang kilala ko, as stated by my sister. Bakit hindi? Gusto ka nya, pero kayong dalawa lang dapat makaalam. Minahal ka na pala pero hindi pa din sinabi sayo. Aba ang galing nya! Ano 'to? Gantihan lang? Wag ako!
Pero ayun na nga, nagkamali ako, he'd took the full responsibilities and face the consequences of his actions.. our actions actually. He did not let me suffer alone. Which was the right and best thing to do after what we did and what was happened between us. He proved me wrong.
But not this one. Well, itong taong 'to, isa syang INVERTEBRATE! Not literally tho. Pero gosh! Wala syang backbone! Pafall na nga, paplay safe pa! Aba, talented si kuya!
Alam ko namang sa panahon ngayon, marami na talagang walang buto sa mga kalalakihan! Pero kakaiba talaga 'tong isang 'to! Nakakainit ng dugo! Hindi lang pala sya pafall at paplay safe! Guess what? PAINOSENTE PA! Ikaw na kuya! Hats off na ko sayo!
Ano yun? Ginulo-gulo mo yung tao.. kinulit mo, pinakitaan mo ng sweetness, iba yung pinakita mong treatment sa kanya compared to your other colleagues, tinaas mo.. ayun nga, PINAASA MO. Tapos ngayong nahulog yung tao.. tsaka ka naman, teka.. FRIENDS LANG TAYO ang drama mo! Mukha mo! Friends? Sapakin kaya kita?! May FRIENDS bang ganun?!
Itong taong 'to ngayon, gulong-gulo. Kasi nga ayun, nafall sa napakagaling na lalaking walang backbone! Hindi nya alam ngayon kung anong stand nya dun sa lalaking yun. Hindi nya alam kung ano ang meron sila. Hanggang sa ito na nga! Si kuya, may reserba! Nakakaloka! Kaya pala ganun ang drama! Peste!
Nararamdaman ngayon nung taong 'to na parang sya lang naman yung nafall at itong isa ang pafall. Ang masakit, hindi pwedeng maging sila dahil sa isang kadahilanan. Ang galing diba? Naipit ngayon itong tao na nananahimik lang dati.
At ang lalong nakapagpainis sakin, itong magaling na lalaking 'to, aba! Talaga naman! MANHID! Hindi nya ata ramdam na may pinapaasa na sya! Painosente si kuya! At ngayon, ang nagsasakripisyo, si girl. Para sa ikabubuti nila pareho.
Napakagaling nga naman talaga ni kuya oh! Wala silang malinaw na usapan kung ano sila, so pwedeng-pwede.. anytime na iwan nya sa ere yung isa. Pwede nyang idepensa yung mga salitang 'MAGKAIBIGAN LANG TAYO'. Nakakainis diba?!
Ano na boys? Ganun nalang yun? Ganun-ganun nalang talaga yun? After nyo magpaasa.. wala na? Tapos na? Sa kilig, magkasama kayong dalawa.. pero sa pagsasuffer mag-isa ka nalang? Ang galing!
Seriously you guys need to take responsibilities and consequences.. ginulo nyo eh, tapos after, wala nalang? bagyo ba kayo? After ng lahat, matapos ang lahat, aalis nalang at iiwan nyong may casualty? Talaga nga namang magaling!
Alam nyo, yung mga taong ganyan.. ang sarap hampasin ng tabla ng isang daang beses with feelings and with matching speech ka sa mga kalokohang ginawa nya sayo. Para maramdaman nya! Manhid eh! Di marunong makaramdam!
Sana boys, kung wala naman kayong balak magseryoso, MANAHIMIK NALANG please? Wag kayong manggulo ng nanahimik nilang sistema.. just let them be. GIRLS CAN LIVE WITHOUT YOU. In case you don't know. We know how to live alone.
BINABASA MO ANG
Her Random Thoughts (Confessions)
RandomAn untold confession of a girl about life, love etc. Its all about the things that she can't express..