Kapag napilitan kang maglakad palayo sa kanyang di mo gustong iwan,
ang dami mo palang maiisip gawin.Kaya gusto kong umiyak nang kailangan nating lumakad palayo sa isa't isa, di dahil ginusto natin ito.
Kailangan nating gawin 'to.Pero nangangako ako sayo, na sa pagbalik ko magkakasama tayong muli.
Pagbalik ko, di ko hahayaang magkamali ka.
Walang bagay na makakapanakit sayo.
Di ka kailanman magagalit sa mga simpleng pagkakamali.
Di ka na kahit kailan matatakot.Tayo, higit sa lahat, ang nakakakilala sa isa't isa.
Alam mo bawat kaluskos, galit, inggit at alog ng bisig ko.
Alam ko bawat singkit ng mata, bulong at buntung-hininga mo.
Kaya wala silang karapatan na angkinin 'to.Babalik ako. Pangako.
Pero sana agapayan mo ako.
Dahil pagod na akong umiyak sa araw-araw sa pagnanasang makakabalik ako.
At alam kong pagod ka nang hilinging bumalik sa lahat ang kasalukuyan.SORRY NA ULIT! MADRAMA! PATAWARIN NYO ANG MAKULIT KONG UTAK NA PATULOY NA NAG-IISIP SA KANYA KAHIT NA LABAG SA LOOB KO! HAHAHA
BINABASA MO ANG
Her Random Thoughts (Confessions)
RandomAn untold confession of a girl about life, love etc. Its all about the things that she can't express..