Hindi naman talaga

22 1 0
                                    


Hello sayo! Kumusta ka na? Kagaya ba kitang naaalala ang nakaraan? Katulad ba kitang namimiss ka? O mas masaya ka na ngayon kahit wala ako?

Bakit pa nga ba kita tatanungin eh alam ko na naman ang sagot.

Alam mo sa totoo lang, nagsisimula ko ng tanungin ang sarili ko kung bakit ako nagkagusto sayo. Kung bakit ganito nalang yung epekto mo sakin.

Hindi ka naman talaga gwapo eh, maputi ka lang

Hindi ka din yung boy next door type, malakas lang talaga yung dating mo

Hindi ka din naman talaga sobrang talino gaya ng iniisip ng marami, nadadala lang ng salamin mo

Hindi ka perfect tulad ng palagi nilang sinasabi,

Hindi ka din naman talaga ganun kagaling mag-english, confident ka lang kasi talaga at magaling magsalita

Hindi ka naman chinito

Hindi rin naman ganong katangos yung ilong mo

Madami ka ding flaws and imperfection na hindi nakikita ng iba

Madami ka na ding lapses na natatakpan lang ng mga achievements mo

In short, hindi ka naman talaga yung tipong mala-Alden Richards, John Allen Monteclaro, Lee Min Ho, Ji Chang Wook.. hindi ka gaya nila na prince charming type.

Hindi lahat ng nasa qualifications ko ng dapat kong magustuhan nasayo.. walapa nga ata sa kalahati ang meron ka.

Pero bakit nga ba ako nahulog sayo?

Kasi ang bait mo, nagmumura yung sense of humor mo!

Kasi ang sweet mo, ang protective mo!

Hindi mo ka man ganong kapasado sa physical qualities, naperfect mo naman ang attitude at inner beauty.

At higit sa lahat, hindi naman kasi talaga kita nagustuhan dahil sa itsura mo, nagustuhan kita dahil sa ugali mo.



Her Random Thoughts (Confessions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon