Labing pitong araw na ang nakakalipas mula nung natapos ang lahat. Mula nung lumakad tayo palayo sa isa't isa.
Ngunit bakit yung kirot na dulot nito ay parang kahapon lang?
Walang masyadong nagbago maliban sa wala ng ikaw.
Ganun parin naman, naiisip ka.. palagi.
Binabalikan lahat ng alaalang nabuo natin.
Mga alalang puno ng saya, asaran, tuksuhan, pikunan, kabaliwan, tawanan.Ganun parin.. namimiss kita.
Yung mga text mo sa umaga hanggang gabi.
Yung mga tawag mo para paalalahanan ako o kaya naman ay para asarin lang ako.Tulad parin ng dati, hinahanap ka.
Yung mga bagay na nakasanayan ko na. Yung mga bagay na ginawa mo para sakin.Tulad parin ng dati, naaalala ka.
Kung paano mo ko sinuportahan at binigyan ng lakas.
Kung paano mo binago ang ikot at takbo ng mundo ko.
Kagaya parin ng dati.. nakikita ka.
Nakikita ka tuwing pipikit ako.
Yung mukha mo pag nakatawa, pag nakasimangot.
Yung mukha mo pag wala ka sa mood pero lalo pa kitang iinisin.
Yung itsura mo kapag seryoso kang sinasabihan ako.
At yung itsura mo kapag inaasar mo ko.Hanggang ngayon natatawa padin ako sa t'wing maiisip kong naging malapit tayo dahil sa katamaran kong magdala ng payong.
At kung paano tayo nagtapos dahil sa isang mahirap na hakbang na ginawa ko.Pero lahat na 'yon ay magiging tulad din ng paglipas at pagtakbo ng oras.
Mabilis, biglaan at madalas, hindi mo mamamalayan.At kagaya sa isang laro, kapag natalo ka na o narating mo na yung END GAME, dapat mo itong tanggapin ayaw mo man o hindi. Ginusto mo man o hindi.
BINABASA MO ANG
Her Random Thoughts (Confessions)
RandomAn untold confession of a girl about life, love etc. Its all about the things that she can't express..