Isang Hakbang

18 1 0
                                    

Isang Hakbang

Nakita kita.. may kung anong naramdamang kilig at mumunting tuwa ang puso ko

Ayaw ko man, pero talagang napapangiti mo ko kahit sa simpleng makita lang kita

Araw-araw inaabangan.. lagi kitang inaantabayanan.. umaasang makikita o makakasalubong man lang Tama na sakin yun. Masaya at kuntento na ko dun

Sa ikawalang pagkakatao'y muli kitang nakita.. napansin mo ko.. di mo alam kung gaano ko kasaya nun..

Nginitian mo ko.. ngumiti din ako sayo.. at akala ko simula na yun.

Ang taas na ng lipad ko.. pero bigla akong nauntog sa salitang 'Walang TAYO' bigla akong nilamon ng REALIDAD na may iba kang gusto.. at hindi ako yun.

Masakit. Masakit kasi alam kong kahit ilang beses mo kong ngitian at pansinin, alam ko.. wala lang yun. Masakit kasi kahit gaano pa kita napapangiti at napapatawa, walang-wala yun sa ngiti at sayang naibibigay nya sayo.

Nung nakita ko kayo.. para kong pinagsukluban ng langit at lupa,

Gusto kong tumakbo palayo.. umalis pero hindi ko nagawa..

Para kong napako sa kinatatayuan ko..

Bawat sandaling lumilipas na magkasama at masaya kayo, para kong kandilang nauupos

Noo'y naisip ko.. 'Ayos lang. Ayos lang ako.'

Kahit ang totoo'y parang may kung anong tumatahip sa puso ko ng mga sandaling iyon.

Nung umalis sya.. muling nagtagpo ang ating mga mata.

Nilapitan mo ko.. nagkausap tayo sa wakas.

Habang tinitignan kita, ang saya mo.. pero masaya ka ba kasi kasama mo ko o masaya ka kasi may kayo?

Sa lahat, ikaw yung may kakayahang saktan ako.

Siguro nga tama sila.. martyr ako.. tanga.. dahil gusto kita kahit di mo ko gusto.

Dahil nandito ko para sayo kahit alam kong di mo ko kailangan kasi nandyan sya.

Sa nakikita ko, masaya ka.. masayang-masaya.. mukhang di mo na ko kailangan.

Sana lang magawa kong maging masaya para sayo.. kahit na hindi ako yung dahilan kung bakit ka masaya..

Pero sa ngayon.. hangga't kaya ko.. nandito lang ako lagi..

Kahit na hindi mo na ko kailangan, nandito padin ako.. sinusundan ang bawat hakbang mo..

Mga hakbang mong kaybilis.. mga hakbang na mahirap sabayan.. hakbang na alam kong hindi ako ang gustong makasabay sa bawat hakbang na gagawin nito.

Hindi man ako ang kasabay mo, wag kang mag-alala.. lagi naman akong nakasunod sayo..

Lagi akong nasa likod mo. Laging isang hakbang lang ang layo mula sayo.

Sisiguraduhing madapa ka man, nandun ako.. agad kang tutulungang makatayo..

Kung di mo pa kaya ulit mag-isa, aalalayaan kita.. sasamahan.. hanggang sa makaya mo na. Hanggang sa di mo na ulit kailanganin ang tulong ko. Pangako. Hangga't kaya ko.. hindi ako lalayo sayo.

s


Her Random Thoughts (Confessions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon