<< OUO 45: "landian sa bus part II"

1.2K 38 4
                                    

 Chapter 45

(ayan dalawang chapter ang pinost ko kasi labs na labs ko kayo. :) sana lang di kayo silent readers. chos! malapit na natin tong matapos, konting effort na lang sa pagoonline  YIHEEE!! :D )

<<Trish's PoV>>

"hmmm.."

Nagising ako sa balikat ni Miggy. Tulog pa siya.

Tinignan ko yung orasan sa cellphone ko. Isat kalahating oras na lang pala at  nasa bahay na kami.

Magisstop over pa 'tong bus sa Sm Pampanga para magbaba at magsakay ng pasahero.

Umayos ako ng upo dahil nahihirapan si Miggy.

*creeeeeaaak!!

O_________O

Omygoodness!

Omygoodness!

Omygoodness!

Wag naman sana. o^o

Umangat ako ng kaunti para tignan kung ano ang nabasag sa kinauupuan ko.

"waaaaahhh!!! Miggggggy!!"

 

"HA? NASAAN ANG MAGNANAKAW? NASAN?" napabalikwas ng bangon si Miggy dahil sa pagsigaw ko. Gulo gulo pa ang buhok niya at ang pula pula ng mata.

"walang magnanakaw! Itong salamin ko oh! Tignan mo!" inilapit ko yung salamin ko sa mukha niya na halos ikaduling na niya.  "NAUPUAN KOOOO!!! Wala ng lenses! Basag na! Waaaaahh!!"

"teka, teka, huminahon ka."

"huhuhuhu! Paano na ko makakakita nito?"

Lumingon lingon si Miggy.

"ayun!" sabi niya. "kuyang kundoktor!"

Ha? Anong balak niya? Lumapit yung kunduktor ng bus at nagtanong kung bakit.

"kuyang kundoktor, merun bang mall na madadaan tayo, baka naman po pwede munang bumaba nasira kasi ang salamin ng girlfriend ko at kailangan niya yun. Pwede po ba?"

 

Girlfriend? Ganap na ganap talaga niya ha!

Once Upon OBESETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon