<< OUO 50.2

1.1K 23 0
                                    

Chapter 50.2

<<Trish's PoV>>

Ilang araw na akong sinusubukang kausapin ni Miggy at ilang araw ko na rin siyang iniiwasan. Kahit sina Kristen, hindi ko muna kinakausap.

Hindi ko na din ikinuwento sa mga ka boardmates ko ang nangyari, mabuti na'ng wala silang alam dahil kung sakali, mauulit at maulit lang ang sakit na maaari kong maramdaman.

"Trish!"

Ayan na naman siya. Naglalakad ako ngayon sa hallway at nasa likuran ko siya.

"Trish, magusap naman tayo oh. Please.."

"ano bang gusto mong pagusapan? Yung tungkol sa amin ng pinsan mo? Kung paano kami nagkakilala, nagkamabutihan at kung paano kami naghiwalay? O baka naman yung tungkol sa relasyon niyo bilang magpinsan ang gusto mong pagusapan?"

"wag ka namang ganyan.."

"pwes, wag ka ring ganyan! Ayaw kitang makausap! Bigyan mo naman ako ng kahihiyan, yung mga tao dito, sasabihin nagpapakipot pa ako eh hindi naman ako maganda!"

"Trish, itigil mo yan! Pwede bang pakinggan mo muna ako?!"

Lumakad na ako palayo dahil gumagawa na rin kami ng eksena dito.

"TRISH! MAHAL KITA!"

Napatigil ako sa paglalakad, gusto kong humarap sa kanya kaso natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

"mahal kita. At alam kong mahal mo rin ako. Sa pagkakaalam ko, pag nagmamahal ang tao, mahal lang nila ito dahil sa mahal nila. Ganun yung ginawa ko Trish, minahal kita dahil ikaw yan. Lahat lahat minahal ko. Kahit yung pinaka ayaw mong bagay sayo, minahal ko yun. Sana ganun ka rin sa akin."

Nagumpisa ng pumatak ang luha sa mga ko. Humarap ako sa kanya, nakita kong nahihirapan siya.

"siguro nga Miggy, pwedeng maging ganun din ako sayo kung nagpakatotoo ka lang sa akin. Kung sinabi mo lang na yung taong nanloko sa akin ay pinsan mo. Na yung taong sumira ng tiwala ko ay pinsan mo."

"tapos? Trish, anong pagkatapos niyan kung sakaling sinabi ko yun sayo? Diba, lalayuan mo ako?" hindi ako nakasagot. "nung panahon na nalaman ko ang tungkol sa inyo, hindi ko sinabi sayo dahil hindi na mahalaga yun. Importante ba na balik balikan yung mga bagay na nakakasakit sayo? Kung nalaman mong pinsan ko si Nicolai, would you still be the same? No!"

"walang point tong usapan na to." tumalikod na ako sa kanya.

"Trish, you just need to trust, remember? . Ano naman kung pinsan ko si Nicolai? Hindi ako siya, we're definitely not the same, alam mo yan. Oo, tinago ko na magpinsan kami kasi ayoko lang masaktan ka ng paulit ulit. Dont be childish Trish, hindi tayo mga batang magkakalaro na kapag galit ka sakanya, galit ka na rin sa akin dahil wala akong natatandaang kasalanan na nagawa sayo. Hindi ko kasalanan na naging magpinsan kami, at lalong hindi ko rin sinadya na minahal kita!"

Nang lumingon ako. Wala na si Miggy, yung mga ibang estudyante na lang ang nandun.

Umuwi akong umiiyak. Napagdesisyunan ko ring umuwi ng Bataan ngayon, kahit dalawang araw lang para makapagisip.

Kailangan kong pagisipan ang mga bagay na nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan. And i have to end up with a decision.

Once Upon OBESETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon