5. Common Evidences

1.2K 48 1
                                    

Clark's POV

Calling D.Steppen ......

Who the hell is it? Ang aga may natawag na!

Si Detective pala! Ano naman kailangan nitong mokong na 'to?

"Hello Clark!" Mukhang nagmamadali pa siya.

"Oh?"

"Nasaan ka? Bakit wala ka sa bahay mo?"

"Ano muna'ng kailangan mo?"

"May pagbabago na sa kaso. Sana makausap kita ngayon!" Ano daw? Mukhang naeexcite ako sa pagbabago na 'yon ah.

Ay?! Nasa tabi ko nga pala si Diana at tulog na tulog. Gisingin ko kaya? 'Wag na, baka magalit. Mag iiwan na lang ako ng note. Huwag na baka sabihin awkward na naman. Itetext ko na lang siya. Maliligo muna ako then magtataxi na lang. Mamaya ko na kukunin motor ko. Hindi ko pwedeng gamitin ang kotse ni Diana, nakakahiya baka may lakad siya. Kung siya ang killer, dapat hindi siya papayag na makasama ako sa pag tulog. Baka nga tamang hinala lang ako o baka professional killer lang talaga siya kaya alam niyang hindi ko siya huhulihin. Nababasa niya ang isip ko base sa ugali ko. Parang imposible. Hindi nga talaga siya killer.

Nang makarating ako ay... "May nakasaksi sa killer eh. Andito daw sa lugar na'to." Sabi ni Steppen.

"Ah really?" Hindi kaya si Diana 'yon? Akala nila killer?

"May nililihim ka ba sa'kin Clark?" Napakurap ako sa sinabi niya. Kainis. Huli na agad ako.

"Wala naman bakit?"

"Sabihin mo na kung may alam ka, sa'yo ang credit pag nahuli ang killer. Huwag mo na ilihim at ako na ang bahala."

"Kahit kanino pa mapunta, wala akong paki. Pinaghihinalaan mo ba ako?"

"Pasensya na, Clark. Iniisip ko lang na baka malapit mo nang mahuli ang killer. Kaso nililihim mo lang para ikaw mismo ang makatuklas at ayaw mo ng tulong ko." Ano naman kaya ang nalalaman niya. Hindi 'yan maghihinala kung walang katibayan eh. Si Diana din kaya pinaghihinalaan niya? Baka may nakakita sa'min na magkasama?

"Sabihin mo muna kung sino ang nakakita sa killer."

"Oops! Hindi pwedeng sabihin."

"Pa'no niya nasabi na taga dito ang killer?"

"Alam ko 'yan dahil ang pumatay sa lasenggo na ginugulpi ang asawa at ang pumatay ng 50 na lalake at 'yung sumalpok na kotse ay iisa ang may gawa."

"Talaga?!"

"Nag embistiga ako. Una, babae daw ang pumatay sa lasenggo. Pangalawa, iyong lalaki pala na namatay sa kotse ay hindi nag aangkas ng kapwa niya lalaki basta hindi gaanong kilala. So, babae ang pumatay sa kaniya. Trade mark ng Killer sa Santa Clara. Pagatlo, 'yung isang lalaki na kabilang sa namatay sa 50 katao ay maybahid ng make-up sa braso. Siguro sinunggaban niya ang killer at bahagyang nahawakan nito ang mukha kaya nabahiran ng make-up. Kung may make-up ang killer ay hindi siya lalaki." Napaisip agad ako. Maaaring tama si Steppen pero pwede din naman na bago ito namatay ay may kinatagpong babae. Hindi lulusot 'yong dahilan na 'yon kay Steppen. Kapilosopohan 'yon. Ang Lady Killer kasi ang pinag-uusapan dito. Hindi pwedeng nagkataon lang. Paano si Diana? Kung si Diana ang Killer, paano namin siya mahuhuli?! Halata na ang Killer ay galit sa masasama kaya wala akong magiging problema kay Diana kung sakali. Pag nakilala siya ni Steppen ay.... Teka..

"Paano mo nasabi na may tinatago ako sa'yo?"

"Clark! May babae na pumasok sa isang Motel at nadetect na may baril ito. Ang nakapangalan na kasama niya ay ikaw!"

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon