Andito ngayon naglalakad. May kasama akong lalaki dahil dito niya napiling dalhin ako. Isang madamong lugar at malayo sa kalsada. Alam ko na naman ang plano niya sa akin. Nakilala ko siya sa bar habang nag-iinom kanina. Hindi niya ako niyaya sa motel dahil pakilala ko sa kaniya ay matino akong babae. Ganun pa man, pinagbalakan niya parin akong gawan ng masama. Niyaya niya akong magpahangin after namin mag-inom.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Wala, magpapalamig." Ngumiti pa siya.
Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Hindi ako gumalaw at sa pagkakayakap niya'y alam kong may gagawin siyang hindi maganda.
"Don't touch me." Bulong ko.
"Tayong dalawa lang ang tao dito." Naamoy ko ang hininga niyang amoy alak.
Planado ang lahat ng ito. Hindi siya ang may gusto nito kundi ako. Hinihintay ko lang na magyaya siya. Papatayin ko siya dahil isa siya sa nasa listahan ko. Tinulak ko siya at kumuha ako ng baril sa bag ko at itinutok sa kaniya.
"Teka, anong gagawin mo?" Takang taka at gulat na gulat siya.
Ngumiti ako. "Katapusan mo na. Kasalanan mo dahil ninais mo pang lumaya matapos mong nagawa ang mga kasalanan mo."
Bigla niya akong sinungaban pero mabilis kong hinagis sa itaas ang baril at sinalo ko ng kabilang kamay ko kaya hindi niya nakuha ang baril. Pinukpok ko siya ng baril sa likod at sinipa kaya tuluyan na siyang napahiga.
"Hindi na dapat hinubuhay ang mga katulad mo!" Sabi ko. Takot na takot siya.
"Ano bang kasalanan ko sa'yo!"
Bigla kong pinutok ang baril. Tinamaan siya sa dibdib at umagos ang dugo mula sa kaniya. Dilat siyang namatay. Mga uto uto kayong mga lalaki. Ang malas mo lang dahil mahilig ka sa babae.
Lumakad ako papalayo at palaisipan na naman malamang sa mga pulis kung sino ang pumatay sa lalaking 'yan.