Andito kami ngayon sa isang resort. "Diana, bakit ba alam mong wanted ka pero bigla kang naging kampante? Alam mo naman na maraming pwedeng magsumbong sa'yo dito." Pag-aalala sa'kin ni Clark.
"Huwag kang mag alala. Alam ko ang ginagawa ko." Nagrerelax ako ngayon kaya hindi pwedeng sirain ang mood ko. Nakasunbating ako at two piece swimsuit. Nakahiga at nagmumuni-muni.
"Mamaya andiyan na ang mga pulis."
"Walang mangyayaring patayan ngayon. Makakatakas tayo kung sakali."
"Alam ko pero maigi na 'yung hindi nila alam na nandito tayo."
"Masarap dito eh. Ayokong magtago. Alam ko naman na makakatakas ako."
Biglang may dumating na mga kabataan.
"Ikaw po ba si Diana?" Tanong nang isa.
Tumingin lang ako at hindi nagsalita.
"Hindi siya si Diana." Agaw ni Clark.
Epal talaga siya. Napagisip-isip ko kasi ang sitwasyon namin. Mula nang makausap ko si Charity ay nakabuo ako ng pasya. Hayag sa mga tao na hindi talaga ako masama at walang takot sa'kin. Nabasa ko kasi ang isang page sa Facebook.
Diana (Lady killer) Ang name ng page at walang negative comments. Alam na ni Steppen na nagtatago ako kaya kung lalabas ako. Hindi niya iisipin na nag rerelax ako. Gaya nga ng mga batang ito. Wala silang takot na magtanong. Si Steppen din kasi ang nagbunyag na puro adik ang pinapatay ko kaya kung hindi ka adik, hindi ka dapat matakot sa'kin.
"Ako nga si Diana, bakit?" Mabilis na sagot ko at tumingin sa isang kabataan na lalaki.
"Totoo po. Akala namin kamukha mo lang." Komento ng isa.
"Kamukha mo lang si Diana dahil nagtatago siya ngayon." Paniniguro naman ng isang babae.
"Tama kayo." Agaw ni Clark. As if naman kamukha din niya si Clark na nababalitang kasama ni Diana. "Hindi pwedeng magrelax ang wanted."
"Siya si Ms. Diana dahil ikaw si Clark. Hindi po ba?" Sabat naman ng isang lalaki.
"Kamukha lang namin sila." Ayaw pabuking ni Clark. Gusto ko nang tumawa.
"Kayo nga. Pwede po ba magpapicture?" Nakangiting bigkas ng isa. Seryoso siya?
"Sure!" Nginitian ko sila. Dismayado naman si Clark.
Nagpapicture at iuupload daw nila. Nainis pa si Clark dahil madali kaming matutunton.
"Clark, aalis na tayo dito bukas. Baka madiskubre ang picture natin." Nasa hotel kasi kami sa somewhere province.
"Dapat lang. Nakakainis ka kasi. Bakit pumayag ka sa kanila."
"Think of it. Pag hindi ako pumayag, maraming pwedeng mangyari. Pwede nila tayong ituro."
"Sa tingin mo? Wala kayang magturo sa'tin?"
"Kung meron man--tatakas tayo."
"Nanganganib tayo."
"Hindi muna tayo huhulihin. Hindi tayo papalabasin sa lugar na 'to at magpapakalat ng checkpoint. Marami tayong mahihingan ng tulong. Magtiwala ka. Walang taong galit sa'kin. Baka nga pati kamag-anak ng mga pinatay ko natutuwa pa."
"Gaano ka katiyak?"
"Dahil 'yan sa kapatid ko at sa mga comment sa Facebook. Walang negative comment at walang balita sa TV na minumura ako. Ang hina mo, Clark, alam mo 'yun? We have nothing to fear. Calm down okay? Mag isip ng posible hindi 'yung puro takot ang nasa isip mo."