Steppen's POV
Ito na nga ang kinatatakot ko. Hindi ko akalain na mangyayari na ang iniisip ko. Pagtutulungtulungan nila si Diana. Malaking pera ang kailangan nila para mapatay si Diana. At ang isa pa sa nakakatakot ay papatay sila ng mga inosente. Malaking pera na ang nawala sa mga druglord dahil kay Diana. Kailangan kong makipagtulungan sa kaniya. May tumawag sa'kin. "Hello." I quickly answered.
"Detective, may gustong kumausap sa'yo."
"Sino?"
"Hindi nagpakilala pero may gusto daw siyang ipakiusap sa'yo."
"Sige."
Kung tutuusin. Ayoko ng mga nonsense na tawag pero medyo nacurious ako ngayon. Maya maya lang ay kausap ko na ang isang lalaki. "Detective. Alam kong may alam ka sa katauhan ni Diana."
Napalunok ako sa narinig ko. "Sino ka ba?"
"Isang kakampi o pwede mo din maging kalaban, pwedeng dating kalaban pero kakampi mo na. Alam kong tutol ka kay Diana tama ba?"
"Wala akong magawa although pwede ko siyang hulihin. Sino ka ba?"
"Kung gusto mong makatulong ako sa'yo, kailangan nating gumamit ng dahas. Alam kong isa si Diana na nabiktima noon ng isang sindikato. Hindi ka naman tanga para hindi malaman 'yun. Alam kong may alam ka na sa pagkatao niya."
"Oo, kilala ko siya pero kung sino ka man, hindi ako interesado sa gusto mong mangyari. I know galit ka kay Diana kaya gusto mong idamay ang Pamilya niya."
"Detective, 'yun na lang ang tanging paraan. Mamili ka. Pumatay kami ng inosente o babayaran ka namin ng limangpung milyon para sabihin sa'min kung sino talaga si Diana? Detective, mas pipiliin mo pa bang may mamatay pa kaysa pigilin si Diana? Ayaw mo din kay Diana kaya ito na ang tanging paraan para mapatay siya. Ang bihagin ang Ina o ang isa sa myembro ng Pamilya niya."
Hindi ko alam kung nasaan ang Pamilya ni Diana pero kung sasabihin ko sa kanila, malamang, magbibigay sila ng malaking pabuya sa kung sino ang makakapagturo sa kapatid o sa Nanay niya. Hindi ko na kailangang kilalanin pa ang isang ito. Tinapos ko agad ang pakikipag-usap. Walang halaga para sa'kin ang limangpung milyon na ibibigay nila sa'kin. Miski ako--gusto nilang mapatay dahil pinipigilan ko sila pero ngayon nakikipagtulungan sila sa'kin. Pinag-aralan ko ang kilos nila. Kung ako ang nasa-katayuan nila, kukuha sila ng mahusay na tao. Hindi lang isa. Tama, hindi lang isa. Kinuha ko ang kopya ng mga mensahe matapos mamatay ang ilang inosente. Binasa ko uli. Tama. Hindi nga lang talaga isa ang mga nagsulat. Baka ang isa sa kanila ay galing pang ibang bansa. Hindi na dapat pero kailangan itong malaman ni Diana. Ewan, feeling ko magkakampi na kami ni Diana. Tinawagan ko si Clark.
Binigay niya agad ang telepono kay Diana. "Ano ang kailangan mo Detective?"
"Diana, mag-ingat ka dahil nahulaan kong hindi nag-iisa ang kalaban mo?"
Narinig kong tumawa siya. "Bakit Steppen? Bakit mo sinasabi sa'kin 'yan?"
"Hindi ko na kasi talagang gusto ang mga nangyayari. Galit ako sa mga pusher at alam kong ikaw din. Lalong galit ako sa pagpatay subalit..."
"Subalit ano? Alam mo, Steppen, wala naman kasing solusyon eh."
"Alam ko pero hindi ba pwedeng ipagsa-Diyos na lang ang lahat? Aaminin kong sa'yo ang simpatya ko ngayon dahil binabayaran nila ako para malaman kung sino ka talaga!"
"Huh!!" Nagulat siya. Malamang maiisip niyang mahalaga ng pag-uusapan namin ngayon. "Steppen! Huwag kang magkakamali dahil pati ikaw idadamay ko!!"
"Hindi ako takot sa'yo, Diana! Ang akin lang, matapos nating malutas ito.. sana itigil mo na dahil malaking sindikato ang kalaban mo o natin ngayon. Kailangan pa nilang makipagtulungan sa'kin para mapatay ka lang. Tandaan mo Diana, masama ang pumatay kaya kung naniniwala ka sa Diyos, ititigil mo na."