15. Strike

650 30 10
                                    

Clark's POV

"Hello. Napatawag ka?" Tumawag sa'kin si Naomi. Nakakapagtaka naman. Nag-uumpisa pa lang ang plano.

"Clark, nakatakas si Clariss!"

Ano daw?

"Paano mo nalaman?"

"Kanina lang kausap ko ang grupo ni Steppen, hindi pa sana ako tapos sa kaniya pero umalis na ako dahil may tumawag na pulis para ibalitang nakatakas nga si Clariss!"

"Paano ka nakakasiguro? Hindi kaya taktika lang nila 'yun?"

"Hindi nila maiisip ng ganoon kabilis 'yun. Wala pang plano si Steppen. Wala siyang kinontak mula nang makausap ko siya. Kaya sigurado akong totoo ang balita. Kung taktika 'yun, it takes time to complete dahil hindi nila sukat akalain na magpapakita ako. Wala silang alam sa plano natin."

"Talaga?" Napatingin ako sa pintuan ng bahay na ito kung saan andito din ang Nanay at kapatid ni Diana. Kinabahan akong bigla. Tama na sana ang pasya ni Diana para makapagbagong buhay pero nilagay na naman niya sa alanganin ang sarili niya. Magtatago na naman kami. "Nasaan na kaya siya ngayon?"

"Hindi ko alam. Pero ewan lang kung alam ni Steppen na hindi 'yun kasama sa plano natin."

"Malamang dahil sa pag-uusap niyo, malalaman niyang hindi 'yun kasama sa plano."

"Ayoko sanang ipahalata pero bigla silang umalis eh."

"Ang alam ko mahirap makatakas sa lugar na 'yun. Paano kaya niya nagawa?"

"Alam ko kung paano. Maraming paraan. Masyadong mabilis si Clariss. Pwede niyang gamitin 'yun para manghostage o 'di kaya'y tinakot niya ang ibang pulis. Oras kasi na makahawak siya ng baril, kayang kaya na niyang takutin ang lahat. Baka sa takot nila, mga pulis na mismo ang nagpatakas sa kaniya."

"Sigurado ka? Ano ang gagawin natin?"

"Hintayin mo ang tawag niya."

"Pero hindi niya alam ang number ko. Baka hintayin ko na lang siya dito."

"Kailangan niya ng tulong ko. Wala siyang pera. Maghintay ka lang diyan." Binaba na niya. Shit! Hindi ako mapakali. Nanood ako ng Tv. Hanggang sa isang balita ang lumabas. Tumakas nga si Diana kasabay ng pag-amin niya?! Oh my god! Ano ang nangyari sa kaniya?

Umuwi galing trabaho si Charity. "Hey. May problema tayo!" Sabi ko.

"Bakit Kuya?"

"Tumakas daw ang Ate mo." Napaupo ako.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam eh."

"Nasaan na siya?"

Tumayo ako. Hindi ako pwedeng maghintay na lang. "Ikaw na magsabi sa Mama mo. Basta 'wag kayong maingay. Atsaka, baka pumunta siya dito. Aalis ako! Itext mo ako kung pumunta siya dito ah. Hindi siya magtatagal malamang, kaya kunin mo ang contact number niya kung sakali." Umalis ako. Pumunta ako sa mansyon ni Mr. Almasan. Nakita ko doon si Markie at Carmelo.

"Nabalitaan niyo na?" Tanong ko sa nakaupong si Markie sa terrace. Parang walang problema pero alam kong alam na nila.

"Ang ano?"

"I know alam niyo na!" Lumapit ako sa kaniya. Nasa 'di kalayuan si Carmelo. Nakatingin lang sa'min. Naninigarilyo na parang isang taong may hinihintay.

"Ang ano nga?" Seryoso ba siya?

"You mean, wala kang alam?!" Yumuko ako sa kaniya sa inis ko. Pinagtitripan yata ako.

"Wait, 'wag mo akong taasan ng boses!" Tumayo siya.

"Nagkukunwari ka pa kasi eh."

"Ang OA mo eh."

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon