12. The biggest Challenge

894 51 6
                                    

Diana's/Steppen's POV

Ano kaya ang unang itatanong niya? Medyo pressure ako this time.

Sagot lang ang kailangan ko para mapaamin siya. Umupo ako sa harap niya at kalmado lang siya. Alam na niya kaya ang itatanong ko?

Steppen: Sino nag udyok sa'yo para gawin 'to?

Hindi ko alam na yun ang itatanong niya. Ang akala ko itatanong niya kung bakit ko 'to ginawa. Napaka basic din agad kaya hindi inaasahan.

Ngayon alam ko na. May nag udyok nga sa kaniya. Ang tagal niyang makasagot.

Diana: Bakit mo tinatanong?

Steppen: Huwag mong ibalik ang tanong.

Kahit ano ang isagot ko, may mangyayari. Hindi ko pwedeng isagot na may tumutulong sa'kin.

Diana: Para saan ba ang tanong mo na 'yan? Pa'no kung 'oo' ang sagot?

Steppen: Hindi lang ikaw ang kalaban ko. Ngayon alam ko na.

Diana: Hindi naman talaga tayo magkalaban 'di ba? Pinaghihinalaan lang ako.

Steppen: Pero kalaban kita. Kailangan kong mapatunayan na ikaw ang killer. Hindi mo nga lang planong umamin 'di ba?

Pinapatagal niya. Malamang nag iisip siya ng pinakamagandang sagot. Pero huli ko na siya. Pwede ko nang ibahin ang tanong.

Alam na niya na may nag udyok sa'kin. Hindi siya tanga. Pero hindi ako dapat matalo sa kaso.

Diana: Oo meron nga. Isang lalake na gusto ang ginagawa ng killer. Tutulungan niya ako para labanan ka. Dahil alam niyang wala akong kasalanan. Ayaw niyang mapag bintangan ako dahil nakakaawa nga naman ang walang kasalanan.

Hindi ko inaasahan ang isasagot niya. Ang inaasahan ko itatanggi niya. Pero mahusay ang sagot niya.

Steppen: Pa'no kung makakuha ako ng ebidensya na ikaw nga ang killer? Matalo ka? Sa tingin mo, ano ang kailangan mong gawin?

Diana: Wala!! Natatakot ka na baka isipin ng mga tao na sinungaling at palpak ka. Tama ba?

Steppen: Wala lang? 'Yun lang ang gusto kong marinig.

Diana: Handa na akong mamatay kung mapatunayan na ako nga ang killer. Pero handa din akong mabuhay ng mapayapa dahil malinis ang konsensya ko. Kaya nga nandito ako. Ayoko na magtago dahil sa kasalanan na hindi ko naman talaga ginawa.

Steppen: Pero hindi ka nagsisisi sa kasalanan mo 'di ba? Handa kang mangumpisal. Tama ba? Kaya mo sinabi na handa kang mamatay mapatunayan lang na ikaw nga ang killer.

Diana: Walang kwenta ang pinag uusapan natin. Natural pag nangumpisal ako that means, nagsisi ako. Wala naman akong dapat pagsisihan para gawin ko 'yan. Kaya ko sinabi na handa akong mamatay ay dahil alam kong hindi naman ako ang killer.. sa tingin mo may tao ang gustong mamatay.

Ngumiti ako nang mapakla na nagsasabing stupid siya.

Steppen: Inaalam ko lang. Pero hindi ka magsisisi dahil masasama ang pinatay mo?

Diana: Matanong nga kita Detective. May lovelife ka ba?

Sabi ko na nga ba. May mga ganung tanong siya ngayon. Alam kaya niya na interesado ako sa Akatsuki?

Steppen: Wala! Bokya! Nagbreak kami dahil sa'yo.

Ano daw? Dinamay pa ako. Dahil ba sa kaso niya sa'kin kaya nawalan siya ng oras sa girlfriend niya?

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon