7. Make-up Transformation

1.1K 48 13
                                    

Nawala na 'yung mga makukulit na humahabol sa'kin. Tatawagan ko si Diana.

Kamusta na kaya siya? "Clark! Buti at tumawag ka na!" Mabilis niyang tugon.

"Nasa'n ka?!"

"Sino 'yung humahabol?"

"Si Leon. Pulis sa Argen."

"Makakauwi ka ba?"

"May mga pulis nang naghahanap sa'yo. Ikaw pala talaga ang killer ayon sa palatandaan na binigay ni Steppen. Nasa'n ka? Mag usap tayo."

Nakarating ako sa isang Mall at nagkita nga kami ni Diana.

"Hey bakit naman dito pa?" I asked hindi ako mapalagay.

"Naka shades naman ako eh. Kailangan dito dahil ang idea nila ay hindi tayo dito magkikita. Hindi ka naman siguro kilala ng karamihan."

"Kahit na. Sana doon na lang sa tagong lugar." May point siya. Pero namukhaan na kasi siya ng mga pulis eh. Baka may makakilala sa kaniya.

"Ngayong alam na nila kung sino ako. Kailangan ko nang umalis. Tulungan mo ako." Umamin na talaga siya. Hindi na niya siguro kayang itago pa. Umaasa pa naman ako na hindi talaga siya ang killer.

"I will help you but it's so unbelievable. Kailangan nating mag usap sa tahimik na lugar."

"Magpaplano muna tayo."

"What plan will it be?" Kahit nalaman ko ang totoo ay hindi nagbago ang pagtingin ko sa kaniya. Medyo kinabahan lang bigla.

"Kailangan ko muna ng pansalamantalang matutuluyan. Nasa bahay ang gamit ko. Kailangan kong makuha 'yon."

"Pero hindi na bibitawan ni Steppen 'yung bahay mo."

"Andoon ang gamit ko at baril."

"Nakabaon sa lupa?"

"Oo." Tama nga si Steppen.

"Wala na. Napag isipan na nila ako na tutulungan kita kaya pati ako grounded na rin."

"Dalhin mo muna ako sa ligtas na lugar." Dinala ko siya sa bahay ng Lolo ko. Medyo malayo ang byahe pero kailangan. Hindi pa naman siya kilala ng mga tao kaya pwede ko pa siyang ipakilala bilang girlfriend ko. Pero bago 'yun ay tinawagan siyang tao. Hindi ko na inalaman muna kung sino 'yun. Tapos kumuha kami ng bagong ATM card. Pinakilala ko muna siya at balak naming umalis kinabukasan. Ngayon nasa kwarto kami at marami akong gustong malaman sa kaniya.

"Bakit nagtitiwala ka sa'kin? Alam mo naman na pwede kitang traydorin 'di ba dahil Pulis ako?" Sabi ko pero dapat lang siyang magtiwala at 'yun ang gusto ko.

"Halatang halata sa kilos mo mula umpisa pa lang. Napatunayan ko na tapat ka sa'kin. Nagulat ako pero tinanggap ko na."

Tapat magmahal? 'Yun ba 'yun? Paano niya nalaman?

"Pero pwedeng magpanggap. Alam mo 'yan."

"Hindi ko pa alam na pulis ka--alam kong harmless ka. Nung nalaman ko na pulis ka. Hindi mo ako nilaglag kay Steppen. Sapat na 'yun para pagkatiwalaan kita."

"Okay ikaw na. Napakahusay mong tumantsa. Pero pwede mo bang ikwento sa'kin lahat ng pinagdaanan mo. Is it okay? But if not. It's even okay."

"Gusto mo bang marinig? Kailangan kong sabihin sa'yo 'to para makilala mo ako ng lubos. Dahil andito na 'yan eh."

"Sige."

Nagsimula siyang magsalita.

"Dinukot ako noon ng mga lalake at isang buwan nila akong pinagsamantalahan."

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon