9. She's Dead

891 39 4
                                    

Natataranta na si Steppen. Masyado siyang nasindak. Kung tutuusin, pwede nila akong patayin ngayon kung gugustuhin nila. Sa dinami-dami ng ginawa ko, pwede na talaga akong shoot to kill. Pero alam kong hindi gagawin ni Steppen 'yun. Masarap kumilos kung kilala mo ang kalaban. Isa pa, hindi ako basta basta mapapatay kung mamalasin sila.

"Walang saysay ang mga pulis na nasa likod ko." Sabi ko sa kanila. "They're not able to shoot me because of the people in front. Pagputok pa lang nang baril nila, makakaiwas na ako. Kawawa naman 'yung mga pulis na nasa harap ko. Baka tamaan."

Naiinis na si Steppen. Sana lang ay patakasin niya ko. Lumipat ang ibang pulis sa harap ko habang nasa harap ko na silang lahat. Sakal sakal ko parin ang isang pulis.

"Padaanin niyo na ako Steppen. Hindi naman kasi kailangan ng maraming pulis para mahuli ako. Kailangan lang ng mabisang pagpaplano."

"Bakit ba marunong ka pa? Mahuhuli ka na ngayon." Sabi ni Leon. Hindi nawawalan ng pag asa ang mokong. Kahit anong gawin nila ay hindi nila ako mahuhuli ng buhay. Alam ko na ang kinalalabasan pag buhay nila akong nahuli. Isa sa napatay ko ay ang Anak ng isang founder ng sindikato. Siguradong paparusahan ako. Masahol pa sa kamatayan ang naghihintay sa'kin. Alam kaya ni Steppen 'yun?

"Hindi ako magpapahuli ng buhay. Gagawa at gagawa ako ng paraan para makatakas. Kaya patakasin niyo na ako kung ayaw niyong dumanak ang dugo."

"Sige tumakas ka. Pinapayagan kitang tumakas. Pero paano mo gagawin 'yun? Napakaraming pulis."

"Steppen! Bakit ba ayaw mong mag isip ng tama. I warn you all. The only way to escape ay makipag barilan sa inyo. Gusto niyo ba 'yun?" Kinabahan ang itsura ni Steppen. Malamang nag iisip siya ng paraan. Kailangan bago siya makaisip ay nakatakas na ako.

Isang tuhod sa sikmura ang ginawa ko sa sakal kong pulis at binali ko ang braso niya. Para hindi ito makagalaw.

"Aaaaaahh." Sigaw niya.

'Yan sure! Hindi na makakatulong 'tong pulis na 'to.

"Sige! Patayin mo na 'yan." Sabi ni Leon. Aba! disidido talagang mahuli ako.

"Kawawa naman ang pamilya nito. Ang pinapatay ng killer ay masasama. Pero ito ang una na papatay ang killer ng inosente kung ako nga ang killer. Makikipag barilan ako sa inyo dahil ayokong mahuli ng buhay. Alam ni Steppen ang kapalit pag nahuli ako at alam din ni Steppen na mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mahuli kung ako ang killer. Kung gusto niyo talagang hulihin ako. Barilin niyo na ako kasama nitong pulis na 'to."

Hindi makapag salita si Steppen. He has no choice. Mabait si Steppen at kaya niya ako gustong hulihin ay dahil sa lahat ng kaso niya--ako lang ang hindi niya malutas. Kapag nananaig ang pride niya. Lagot ako! Baka mapalaban talaga ako.

"Patakasin natin siya." Sabi ni Steppen. Aba nakapag isip ng tama.

"Bakit Steppen?" Tanong ni Leon. "Kapag pinatakas natin siya, mahihirapan tayo sa susunod."

"Handa siyang pumatay para makatakas. Ayokong may mangyari munang patayan para lang mahuli siya."

"Tama ka Steppen." Sagot ko. "Kahihiyan sa mga pulis 'yan. Kawawa ang mga pulis. Nabawasan ang sira ulo dito sa Pinas nang dahil sa'kin. Alam ko ang plano mo Steppen."

"Anong plano ang pinag sasabi mo? Plano kong hulihin ka nang walang namamatay Diana kaya papatakasin kita."

Halatang kinabahan siya. Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko.

"Plano mo ay matapos mo akong mahuli ay--"

"Tumigil ka na Diana!! Kahit ano pang sabihin mo--kriminal ka parin."

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon