Diana's POV
"Sa tingin mo ba, mauubos ang adik dito kung itutuloy mo 'yang ginagawa mo?" Tanong sa'kin ni Clark habang mimamasahe ko siya. Ilang araw ang nakalipas nang kunin ko si Falcon. May mga inatake akong lugar ng mga tulak pagtapos nun.
"Hangga't nabubuhay ako. Uubusin ko sila. Ngayon, kung ayaw nilang mamatay o maubusan ng daliri--huwag silang magtulak o gumawa ng krimen. Madali lang ang patakaran."
"Pero nag-iisa ka. Kung alam nilang nasa ibang lugar ka, hindi sila matatakot sa'yo."
"Kaya nakahanda na ang helicopter para sa'kin." Bigla siyang humarap sa'kin sa narinig niya.
"What do you mean?"
"I randomly killed those rapists and pushers. Kaya gugulatin ko na lang sila."
"Paano kung hindi mamukhaan ang rapist? Hindi mo din sila kayang ubusin dahil mautak ang iba."
"Kaya kailangan kong ubusin ang pushers. May mga matutuluyan na ako. Alam mo naman na may kakampi ako."
"Maiiwan ako dito?"
"Isasama kita syempre."
Napailing siya. "Halos wala nga akong maitulong sa'yo 'di ba?" Tinuloy ko lang ang pagmasahe sa kaniya kahit nakahiga siya. "Pero, dahil sa masamang tao ang mga pinatay mo, natanggap ko na din ang nangyayari." Nakatingin ako sa mukha niya habang minamasahe ko siya. Gusto ko itong ganito. Natural na natural ang dating ko. Noon' bata pa ako, pangarap ko 'to. Ngayon ko lang naalala. Ang kaso, ibang anggulo ang kwentuhan. I placed my head to his chest. Nakatagilid ako kaya rinig ko ang tibok ng puso niya. "Pero kung killer ka ng mga inosenteng tao. Baka hindi ko matanggap kahit mahal pa kita."
Ngumiti ako. "Ang swerte ko talaga." Tumingin ako sa mukha niya at hinalikan ko siya. "Sana hindi ka magsawa. Dahil hindi ko yata kayang ipagpalit ang ginagawa ko sa'yo. Oras na iwan ko ang pagpatay ng masasama, mababaliw ako. Kaya kung gagawin ko 'yun.. kailangan kong hindi makarinig o makakita sa balita ng babaeng pinatay at ginahasa ng walang dahilan. Mababaliw ako kaya sana matanggap mo ako."
"Hindi ako pala-dasal pero ngayon, magdadasal ako. Sana mawala na ang sakit mo."
"Wala akong sakit."
"You're already known as Psycho na may sakit sa pag-iisip. Afflicted with Psychosis." Nakatingin ako ng seryoso sa kaniya. "Kahit hindi ko na alamin, inalam ng komunidad ang lahat kung bakit nangyayari sa katulad mo 'yan. Psychiatrist ang sigurong nakasagot sa katanungan ng tao. Ang isang tao na hindi lulong sa droga pero gumagawa ng kakaibang bagay, ito ay may sakit sa pag-iisip. Malamang nakuha mo 'yan noon. Naikwento mo sa'kin ang lahat kaya hindi imposibleng nagkaroon ka ng sakit sa pag-iisip." Miski ako nagtaka sa sinabi niya. Naalala ko ang mga taong may sakit sa pag-iisip noong bata pa ako. Sila 'yung laging nalilipasan ng gutom kaya kung ano ano ang pumapasok sa isip nila. Humiga ako sa tabi ni Clark. Naalala ko din na wala sa oras ang pagkain ko noong nahuli ako ng masasamang tao. Hindi kaya 'yun ang dahilan? Pero disidido parin ako sa ginagawa ko. Naisip ko din na hindi normal ang pagkaawa ko sa mga tao noong ako'y bata pa. Umiiyak ako pag may nasasaktan hindi kagaya ng mga kaiskwela ko na wala pang gaanong alam noon.
"Kung may sakit man ako. Hindi ko ito makontrol dahil sa galit ko."
"Pwede ka pang gumaling Diana." Siya naman ang yumakap sa'kin. "Hindi makatarungan ang droga pero mas hindi makatarungan ang pumatay. Oo alam kong pumapatay ang nakagamit ng droga. Pero, hindi pwedeng ang kapalit ng kasalanan ay kasalanan din."
"Hangga't hindi sila nagtatanda, hindi ako titigil."
Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay. Napikon ako kasi walang sinuman ang makakapagpabago sa'kin. Pinanganak ako para ubusin ang masasama. Masasama na gumagamit ng droga. Ako ang pinakamabisang insrumento dahil ang mga galit sa masasama ay hindi kayang pumatay ng tao kaya maraming tumutulong sa'kin. At isa pa, iilan lang ang may pambihirang kakayahan dito sa mundo. Kung wala kang pambihirang kakayahan, manahimik ka na lang dahil matatalo ka.